[ 17 ] Tula Para Sa'yo

1.2K 3 0
                                        

Para kay:
kthshxxtyluv "Congratulations!" And rmg_eddie "Here is your request."

Ang tulang ito ay para sa'yo,
Wag ka ng lumingon ikaw ang tinutukoy ko,
Ibang galak ang pinaparanas mo sa aking puso,
Masyado mong pinapatibok, pinapaligaya mo ito.

Laging nasasabik sa iyong mga yakap,
Pag ako'y iyong hawakan para akong nasa alapaap,
Mga nakaw na halik, mga simpleng titig,
Talagang nakuha mo na lahat ng aking hilig.

Tumatatak sa aking isip ang bawat kilig,
At kung gaano kainit ang pinapadama mong pag-ibig,
Hindi inakala mararanasan ang ganito,
Lumulundag sa tuwa, sa saya itong aking puso.

Salamat sa pagdating mo sa buhay ko,
Sobra sobra ka sa kung ano man ang hiniling ko,
Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman,
Gusto kong ikaw na ang makasama sa magpakailanman

Official Hashtag: #50TulaParaSaPag-ibig

50 Tula Para Sa Pag-ibig || CompletedMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon