[ 7 ] Sabi mo sa akin

1.1K 4 0
                                        


Sabi mo sa akin "Mahal Kita",
Ngunit bakit hindi ko ito nadarama,
Wag na lang sana puro salita,
Gusto ko maramdaman,Gusto ko makita.

Sabi mo sa akin "Ikaw Lang at walang iba",
Pero bakit ang kasama mo ay siya?,
Hindi ako ang kapiling mo araw araw,
Nandito na naman ako at sainyo ay nakatanaw.

Sabi mo sa akin "Gusto kita makita",
Teka,ayoko na magmukhang tanga,
Pinapaasa mo na naman ang aking puso,
Bawat salita mo puso ko ay nagdurugo.

Sabi mo sa akin "Hindi kita iiwan",
Nasaan ka? Bakit ako iniwang luhaan?
Bibitawan at iiwan mo lang din pala ako,
Sana 'di na lang umasa sa mga pangako mo.

Official Hashtag: #50TulaParaSaPag-ibig

50 Tula Para Sa Pag-ibig || CompletedMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon