Dedicated to OxygenLeoGold!May mga araw na hindi kita kakausapin
May mga araw na ika'y babalewalain
Sana nama'y ako'y iyong unawain
Pagkat ang sarili'y kailangan ko pa hanapin.Hindi kayang ipangako
Na lahat ay maibibigay sa'yo
Hindi kita laging mapapatawa
Hindi rin tayo laging masaya.Subalit isa lamang ang aking hiling
Na sana wag kang sumuko
Habaan ang pag-unawa mo
Huwag sumuko sa iyong pangako.Sana'y hintayin mo ako
Hanggang sa muli kong mahanap ang sarili ko
Sandaling panahon lang ang hiling ko
Pagkat ikaw naman talaga ang laman ng puso ko.Official Hashtag: #50TulaParaSaPag-ibig
~~~
A/N: Galing noh? Update sa umaga,update sa gabi. Happy Chinese New Year nga pala.

BINABASA MO ANG
50 Tula Para Sa Pag-ibig || Completed
Poetry[#83 in Poetry] ~ Mga Tula tungkol sa Pag-ibig~ First of all, ano nga ba ang pag-ibig? Anong epekto nito sa isang tao? Nakakabaliw? Nakakasakit? Basahin ito para malaman ang mga sagot... Cover credits @aerrisn