[ 5 ] Puso ko at Dalangin

1.6K 4 0
                                    


Sampung taon na akong nangulila
Pag-asa sakin ay tila ba nawawala
Ngunit dumating ka,ako baga ay nabigla
Ang Diyos pala sa akin ay may inihanda.

Pag-ibig na ito ay isang pagpapala
Ngunit katapangan tila nawawala
Kapag kaharap ka umuurong aking dila
Masasambit pa kaya? Ito'ng aking diwa.

Puso kong ito,may laging nais sambitin
Ito raw pagibig ay akin nang sundin
Ngunit ako ba ay mamahalin?
Ako ba ay handa mo ring tanggapin?

Natatakot ako sa iyong sasabihin
Sana nga ako ay talagang mahal mo rin
Ito lamang aking samo't dangin
Sana ang puso ko ay iyong dingin.

Official Hashtag: #50TulaParaSaPag-ibig

50 Tula Para Sa Pag-ibig || CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon