[ 33 ] Subject ng PAG-IBIG

526 4 0
                                    

Dedicated to AbigaleGNZLS!

Minsan napapaisip ako
Saang subject na ang pag-ibig ay tinuturo?
Sa Language ba na puro salita?
O sa Physical Education na puro gawa?

Hindi ba sa Edukasyon Pangtahanan na puro pagsubok?
Yung maraming pinapagawa at mga proyektong paputok!
Gawin na nating Robotics na mahirap buoin.
Parang ang puso kong nagmamahal pa rin.

Hindi kaya sa Christian Living na nagtuturo ng pagmamahal sa bayan
Nababaliw na ako! Saang subject ba matutuklasan ang pagmamahalan?
Hindi kaya sa History na nagtuturo ng kapayapaan
Aha! Alam ko na ang sagot sa aking katanungan.

Bahala na, aaminin ko na
Ang pag-ibig ko lamang ay isang history lang pala
Yung kahit anong gawin ay hindi mababalikan
Sabihin na nating paaasahin ka lang niyan.

Official Hashtag: #50TulaParaSaPag-ibig
~~~
A/N: Sorry sa aking late na update! Bakit? May personal issue lang si author... HE-HE-HE. Sabihin niyo ng peke ang tawa ko dito. Eh sa trip ko eh! May angal kayo? Jekz.

50 Tula Para Sa Pag-ibig || CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon