[ 25 ] Larawan

576 2 0
                                    


Dedicated to thatsalongassride

Naisipan kong balikan ang nakaraan,
Ang mga panahon na ating pinagdaanan,
Mga larawan kung saan tayo masaya,
Mga oras na tayo'y laging maligaya.

Mga kislap sa iyong mga mata,
'Pag ako'y iyong tinititigan sinta,
Mga pagngiti ng iyong labi
Na aking hinahanap-hanap palagi.

Ako'y nasasabit sa kung ano tayo noon,
Humihiling na maranasan muli ang kahapon,
Walang iniisip kundi mahalin ang isa't isa,
Mga pangakong binitawan nating dalawa.

Sana ay hindi tayo nagbago,
Sana lahat ay hindi naging malabo,
Sana muling maibalik ang mga nakaraan,
Ang mga alaala na nakatatak sa ating mga larawan.

Official Hashtag: #50TulaParaSaPag-ibig

~~

A/N: Again,so sorry sa mga late updates. Naghihintay lang naman ako ng more followers para sa dedication. Anyway, half-way done na tayo sa 50TPSP! Get ready for the second book called, Hugot ng Pag-ibig.

Abangan niyo Po Yan! Please follow or comment para mapadali ang dedication ko. Labya!

50 Tula Para Sa Pag-ibig || CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon