[ 8 ] Hindi Talaga Tayo

1.1K 4 0
                                    


Unti unti dahan dahan ika'y nawawala,
Unti unti dahan dahan di na ikaw ang dasal sa lumikha,
Unti unti dahan dahan makakalimutan ka na,
Unti unti dahan dahan hindi na mananabik sayo sinta.

Hindi ka na hahanapin, hindi ka na tatawagin,
Hindi na isisigaw ang pangalan mo, hindi na ikaw ang panalangin,
Hindi na ikaw ang naiisip, hindi na ikaw ang mahal,
Hindi na pareho noon ang nadarama,iba na ang hiling sa may kapal.

Hayaan na lang ang isa't isa lumigaya,
Hayaan na lang ang bawat isa lumaya,
Hayaan mo na kalimutan na kita,
Hahayaan na rin kita sumaya kasama siya.

Wala naman ng patutunguan lahat ng bagay,
Madami ng nagbago,wala ng sayang taglay,
Hindi ka para sakin at hindi ako para sayo,
Tanggapin na lang natin na hindi talaga tayo.

Official Hashtag: #50TulaParaSaPag-ibig

50 Tula Para Sa Pag-ibig || CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon