Dedicated to chimmen "Here's your request!"
Sabi mo na ako ang mahal mo
Sabi mo hindi mo sasaktan ang puso ko
Pinapaasa mo nanaman ba ako
Sa mga matatamis na pananalita mo?
Ayoko makarinig ng puro salita
Ipadama mo, Ipakita mo sa gawa
Gusto kong paniwalaan lahat ng sinasabi mo
Kaya sana naman wag mong sirain ang puso ko.
Bigla kang susulpot, Bigla kang mawawala
Paano maibibigay ang tiwala?
Lahat ng mga aksyon na pinapakita mo
Taliwas sa mga bagay na sinasabi mo.
Inaamin ko hanggang ngayon mahal kita
Alam ko hindi ako nagkulang sa pagpapakita
Sinasabi mo na mahal mo ako
Pero bakit ngayon, ako'y iyong linoloko?
Official Hashtag:#50TulaParaSaPag-ibig
~~~
A/N: Open pa rin po ang dedication! Ito na po oh! Hanggang ngayon pa rin ba, pinapahintay at pinapaasa mo pa rin ako?! (Hugoooot!) Lol.
Comments po! Habang hindi pa 50 itong nga tula! Kung hindi, sa book 2 na lang kayo,sige kayo! Hahaha. Anyway, thank you guys for your support! Kaya nga ako mabilis mag-update dito dahil sa inspirasyon galing sa inyo! Hahaha. Fluttered kayo noh? Hahaha.
(1/1/18) Happy New Year everyone!
BINABASA MO ANG
50 Tula Para Sa Pag-ibig || Completed
Poetry[#83 in Poetry] ~ Mga Tula tungkol sa Pag-ibig~ First of all, ano nga ba ang pag-ibig? Anong epekto nito sa isang tao? Nakakabaliw? Nakakasakit? Basahin ito para malaman ang mga sagot... Cover credits @aerrisn
