[ 35 ] Pusong Sawi sa Pag-ibig

1.3K 3 0
                                        


Request of AbigaleGNZLS! This is for someone we know ;-) na makaka-relate.

Unang tibok ng puso ko,
Saiyo natagpuan ito,
Wari'y sinag ng araw ang pag-ibig mo,
Na nagbibigay liwanag sa madilim na mundo ko.

Mga alaala nating nagdaan,
Ay puno ng pagmamahalan,
Tawanan at luhaan,
Ay hindi ko makakalimutan.

Noong akala ko'y ikaw na,
Ngunit ngayo'y parang nagbago ka,
Iniwan na akong mag-iisa,
Sa ibang lalake, ika'y sumama.

Patak ng mga luha ko'y hindi mabilang,
Dahil sa mga pangako mong akong lamang,
At sa mga alaalang nagdaan,
Puso ko ngayo'y laging nasasaktan.

Mundo ko'y nagbago,
Sa pagkawala mo,
Pilit kong umayos para sa'yo,
Pero hindi ko magawa ito.

Gusto kitang kalimutan,
Ngunit isip ko lang ang pagbubulag-bulagan,
Hindi ang puso kong ikaw lang ang laman,
Na tanging sigaw nito ang iyong pangalan.

Official Hashtag: #50TulaParaSaPag-ibig

50 Tula Para Sa Pag-ibig || CompletedMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon