[ 20 ] Panaginip

754 3 5
                                        


Dedicated to Kazzychuchu!

Magkahawak ang ating mga kamay
Sa sorang higpit parang ayaw maghiwalay
Lumapit ka sakin at humalik sa'king noo
Damang dama ng puso ko ang pagmamahal mo.

Nakahiga sa ilalim ng mga bituin
Niyakap mo ko at sabi mo "ikaw ay akin"
Halik mong kay tamis sa'king mga labi
Kilig ang nadarama at di mapigilan mapangiti.

Haplos mo sa'king balat na nakakatunaw
Sa mga yapos mo parang laging nauuhaw
Mga ngiti mo, di mawala sa aking isip
Puso kong kumakabog, dibdib ay sumisikip.

Biglang tumahimik ang kapaligiran
Hinahabol ka, paglalakad mo'y di mapigilan
Pagdilat ng mata sa tabi ko'y wala ka na
Mga luha ay tumulo, panaginip lang pala.

Official Hashtag: #50TulaParaSaPag-ibig

~~~
A/N: MAYGOODNESS!! "Ang ganda na sana, bakit may 'panaginip lang pala'?" Ewan ko! Yan ang pumasok sa utak ko eh. Thank you guys sa malaking talon! (Hindi yung talon as in tubig na talon) Yung talon na sinasabi ko ay ang top nitong book! Tignan nga natin..#361 in Poetry! More pa,guys! Anyway, thanks so much.

Again d-_-b, nasan na ang readers ko? Nasa Seoul? Busan? Saan?! Uso paramdam guys! Kailangan ko pa ng more,more,more follows and comments para gumawa ng dedication. Ano Kaya yun? Dedicated to myself? Haha. Nagmukhang tanga lang ako. Parang sa pag-ibig, tanga naman talaga ako...(Hugoot!) Thank you guys for your supporting love! Bye!

50 Tula Para Sa Pag-ibig || CompletedMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon