Nagkasakit nga ako at mahigit tatlong araw na akong hindi pumapasok sa school. Nanatili lang ako sa bahay at nagpapahinga. Mas gusto ko pang magkulong kesa pumasok pa sa school na yun.
"Ijha hindi ka pa ba papasok?"-tanong sa akin ni Manang. Nakatulala lang ako sa may bintana ng kwarto ko habang kayakap ang paborito kong laruang teddy bear na bigay pa sa akin ni Mama bilang regalo sa ikasyam na kaarawan ko.
"Ayaw ko pa pong pumasok"-sabi ko dito.
"Di ba magaling ka na? Yun ang sabi ng Doctor. May masakit pa ba sayo?"- umiling ako bilang sagot sa tanong nya. Oo magaling na ako pero ayokong magkasakit ulit gawa ng pambubugbog nila.
"Papagalitan ka ng Papa mo kaya sige na ijha magbihis ka na"-binigyan nya ako ng simpleng ngiti para mapasunod ako. Hay, napabuntong-hininga ako saglit.
Gusto kong sabihin sa kanila ang nangyayari sa akin pero ayokong abalahin pa sila. Ayokong nag-aalala sila sa akin at baka isipin nilang kapahamakan at kahihiyan lang ang ibinibigay ko sa kanila. Ayaw ko ng atensyon mula kahit kanino, lalo na sa Papa ko.
Wala na akong nagawa kundi kumilos at magbihis na. Sana lang may himalang mangyayari at di na ako mapansin ng mga bully sa school. Baka nga di nila napansin ang pagkawala ko.*****
Kinakabahan ako sa bawat hakbang na ginagawa ko habang papalapit ako ng papalapit sa classroom namin. Natatakot akong makita ulit sila.
GRADE 7-D
Nasa tapat na ako ng pintuan at rinig na rinig ko na naman ang ingay nila. Sinubukan kong huwag makakuha ng atensyon at tahimik lang na pumasok sa loob. Wala pang teacher. Hinanap ko ang lamesa at upuan ko na nasa dulo at malapit sa bintana. Walang lumilingon sa akin dahil may kanya-kanyang ginagawa ang mga kaklase ko. Isang tipikal na klase.
Napasapo ako sa noo ko nang makita ang upuan kong punung-puno ng mga vandal.
Pangit, ampon, monster, anak sa labas. Nag-effort talaga silang gawin to. Kumuha ako ng panyo sa bag ko at sinubukan itong burahin. Buti nalang at chalk lang ginamit nila."Aba! Nandito na naman pala ang bastarda"-nagulat ako nang may umakbay sa balikat ko kaya napatigil ako sa ginagawa ko. Nangatog ang tuhod ko sa kinatatayuan ko nang muli kong marinig ang boses ni Yzen.
"Namiss ka namin ah?"-naghagikhikan silang tatlo na nakapalibot sa akin nang sabihin yun ni Xylo. Hindi ako umimik pero para akong nilalamon ng kaba sa maari nilang gawin ulit sa akin. Ayaw ko sa tunog ng tawa nila.
"Akala namin nagtransfer ka na eh. Buti naman bumalik ka na"- dagdag ni Wylan na nakaupo sa upuan ko at nakapatong ang paa sa mesa. Ngumisi sya sa akin na alam kong makahulugan.
Silang tatlo ang palaging nangtitrip sa akin. Nung isang araw kinuha nila ang payong ko kaya umuwi akong basa. Ngayon, ano na naman kayang kabulastugan ang gagawin nila sa akin? Inihahanda ko nalang ang sarili ko."Itigil nyo na nga yan boys"-lumingon kaming lahat sa pinanggalingan ng boses at nakacross-arms na lumapit sa amin si Sygan.
"Stop it bago ko pa kayo isumbong sa disciplinarian"-parang mga alalay nyang sumunod ang tatlo. Umalis sila at naiwan kami ni Sygan. Ngumiti sya habang papalapit sa akin. Naninibago ako sa kanya. Hindi naman nya ako pinapansin dati.
BINABASA MO ANG
The Androgynous Tale
Roman pour Adolescents"𝐑𝐞𝐯𝐞𝐧𝐠𝐞? 𝐑𝐞𝐭𝐮𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐟𝐚𝐯𝐨𝐫 𝐬𝐨𝐮𝐧𝐝𝐬 𝐧𝐢𝐜𝐞𝐫." Crombie Park is an illegitimate kid who was devoured with hatred after experiencing a traumatic scenario caused by bullying in High School. When she overcame her fears...