CHAPTER 12

194 9 2
                                    

Sa wakas at nakauwi na din ako ng bahay. Natraffic pa ako sa kalsada ng ilang minuto. Gutom na gutom na ako kailangan ko pang initin yung niluto ng katulong naming temporary. Medyo nagsisi nga ako bat di ko naantay yung pizza kanina pero hayaan na. Hinubad ko na yung sapatos ko at paakyat na sana ako ng hagdanan nang may maamoy akong ginigisang bawang at sibuyas.



Aba sakto!


Ang ingay ng nagtatalsikang mantika sa kusina. Baka nandito pa yung maid. Pumunta ako dun para sumilip sa kung ano ang niluluto ng maid nang makita ko ang di inaasahang tao. Nakasuot sya ng apron at seryosong-seryoso sa paghahalo ng mga ingredients.


Mukhang masarap, natatakam ako sa amoy ng niluluto nya! Pero panong--- iniwan nya ako sa mall tapos nauna pa pala sya dito.


"Hoy!"-untag ko sa kanya.


"Aray!"-napabitaw sya sa hawak nyang sandok at gulat na gulat na nakatingin sa akin. Tumawa ako ng malakas dahil di ko na napigilan ang sarili ko.


Halakhak na halakhak ako sa reaksyon nya. Ang sakit ng tyan ko, naghalo ang gutom at tawa. Naiiyak na ako. Sayang di ko napicturan wahahahahahaha.


Hindi sya umimik hanggang sa tumigil na ako sa pagtawa. Nakatingin lang sya sa akin pero this time iba na ang reaksyon nya. Para syang nakakita ng multo.


"O ano? Gulat ka? Bakla ka pala eh hahahaha"-asar ko sa kanya.


"H-Hindi ah, y-yung tawa mo kasi..."-napaisip ako bigla anong meron sa tawa ko.


"Ganun ka pala tumawa pag boses babae"- whut?! Boses babae?! Hala, ba't di ko napansin yun?!


Napahawak ako sa labi ko. Nakakainis bat ba nakakalimutan ko ang pagiging lalaki ko pagdating sa kanya?!


"Ah, aherm! Yung niluluto mo, nasusunog na"-pagpapalusot ko para mabaling ang atensyon nya dun. Nagboses lalaki na ako. Kumuha sya ulit ng isa pang sandok at natatarantang hinalo ang niluluto nya. Mukhang nagawa ko namang idivert ang atensyon nya.


"Ano ba yang niluluto mo at iniwan mo pa talaga ako sa mall dahil jan?"-tanong ko. Teka bat ko ba sinasabi yun? Para akong babaeng nag-iinarte? Tsk.



"Binalikan kita dun sa cellphone shop matapos kong bilhin ang mga ingredients na to pero wala ka na. Kaya dumirecho nalang ako dito para ipagluto ka. Di kasi masarap yung minicrowave mo kagabi"- inaamin ko, I'm a bit impressed with this guy. Akalain mo? Sa itsura nyang yan magaling sya magluto? At ang loko kaya wala akong hapunan kagabi sya pala ang umubos.


"Di ka kasi nagpaalam,akala ko nga tinantanan mo na ako ng tuluyan eh"- pabirong sabi ko habang naghahanda sa mesa ng mga kubyertos.


"Uyy namiss nya ako"-natigil ako saglit. Parang nabrain freeze ako sa sinabi nya. Ang kapal nito.


"Asa ka naman? Psh, ano nga yang niluluto mo? Kanina pa ako tanong ng tanong eh"-umupo ako sa isang upuan sa kusina na nakatapat sa isang round table.


"Yung PUTA-heng alam ko"-hayy nako asa pa akong sasagot sya ng maayos.


"Ha.ha. Masarap ba yan? Baka nilagyan mo ng lason at gayuma yan ah?"-nakasimangot kong sabi. Naglagay na sya ng sinigang na baboy sa bowl at ginisang gulay sa ibang lalagyan. Nilapag nya sa mesa kasama ng kanin.


"Mas masarap pa din ako. Di ko na kailangan ng gayuma"-konti nalang talaga babatuhin ko na sya ng gintong tinidor makikita nya.

The Androgynous TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon