CHAPTER 2

564 21 2
                                    

[Someone's POV]

"Sygan, akala ko ba kaibigan mo na ang illegitimate girl na yun?"


"Kaibigan? Ew! Pwede ba? Kinakaibigan ko lang sya para pagkatiwalaan nya ako  at di nya pagdududahan na ako ang nag-uutos tatlong magpinsan na Ashwel na ibully sya"


"Huh? Bakit parang ang laki ng galit mo sa kanya?"


"Psh, magiging mabait na sana ako sa kanya kaya lang uminit ang dugo ko nang makita ko silang magkasama ni Zyrell. Hindi nya pwedeng landiin ang pag-aari ko. She will regret it!"


Rinig na rinig ko ang usapan nilang magbabarkada tungkol kay Crombie. Tahimik lang akong kumakain sa pinakasulok ng cafeteria. Hindi naman ako chismoso, sakto lang na narinig ko ang pag-uusapan nila.


Nakita kong pumasok ang tatlong magpipinsan at parang may hinahanap sila sa buong lugar. Tumigil ang tingin nila sa pwesto nina Sygan.


"Sygan, yung usapan natin?"-rinig kong sabi ni Wylan. Tahimik lang akong nag-oobserba.


"Yeah right. Oh  sayo na di ko naman mapapakinabangan yan!"-may inabot na pitaka si Sygan kay Wylan. Kinuha ni Wylan ang laman nitong pera at binalik kay Veruca ang pitaka. 


"Ewness, psh dito na nga lang natin iwan yan baka mapagbintangan pa tayo. Let's go." Nilapag nila sa upuan ang pitakang yun at saka lumabas ng cafeteria.


Lumapit ako sa inupuan nila kanina at pinulot ang wallet. Pagbukas ko nakita ko ang natitirang gamit dun. Isang picture na kamukha ni Crombie pero bata pa sya sa litrato. Kung wala sa kanya to malamang hindi sya nakapag-recess.  Baka nagugutom na sya ngayon. Napakasama naman talaga ng mga babaeng to.


Bago ako umalis ng cafeteria nagpatake-out ako ng sandwhich at saka juice. Yun na lang kasi ang kayang bilhin ng natitirang pera ko. 


"Attention all students, we don't have classes after recess dahil lahat ng mga teachers ay magmemeeting patungkol sa nalalapit nating exam. Pwede na kayong umuwi pagkatapos ng recess."


Naghiyawan ang mga studyante sa narinig na announcement. Syempre masaya kami kasi walang pasok. Kailangan kong maibigay sa kanya tong pagkain bago pa sya makauwi.


Patakbo akong bumalik ng classroom para na rin kunin ang bag ko. Pagkadating ko dun wala ng tao. Pero nandun pa din ang bag ni Crombie. Ibig sabihin di pa sya nakakabalik dito. 


Kinuha ko na ang bag ko at nilapag ang binili ko sa mesa nya na may kasamang sulat. Lumabas ako ng classroom at nagtago sa katabing classroom para hintayin sya. 


Ilang sandali pa lang may narinig akong mga yabag na parang tumatakbo papunta sa classroom namin. Sumilip ako sa bintana at nakita kong dumaan si Crombie. Hinihingal syang pumasok ng classroom at pinulot ang bag nya. Tahimik lang akong nakatitig sa may pintuan.


Binabasa na nya ang sulat ko. Napangiti ako sa naging reaksyon nya. Binuksan nya ang supot kung san nakalagay ang binigay ko sa kanya. Napangiti sya nang makita yun at kumain muna sya. 


Wala na ang mga Ashwel, makakakain na sya ng tahimik. Bumalik ako sa kabilang classroom para kunin ang bag kong naiwan nang makarinig ako ng malakas na kalabog sa classroom namin. Nakarinig ako ng hagikhikan ng mga babae. Nagtago ako ulit malapit sa bintana at nakita ko sina Sygan at Wylan na dahan-dahang tumatakas. 


Ano na namang ginawa nila?! 


"Tulong! Tulungan nyo ako!"


Crombie! Dali-dali akong pumunta sa classroom. Kinakatok ni Crombie ang pintuan sa loob. Pinihit ko ang doorknob pero nakasara ito. 


"Crombie!"-tawag ko sa kanya.


"S-Sinong nandyan?! T-Tulong please! Palabasin nyo ako!"-naramdaman ko ang takot sa boses nya. 


"Oo wag kang mag-alala ilalabas kita dito! Hihingi ako ng tulong ha? J-Jan ka lang babalik ako!"- tumakbo ako pababa ng building para humanap ng tulong. Isa lang ang pwede kong mahingian ng tulong ngayon. Si Manong guard.


"Kuya! Kuya! Tulong!"- sabi ko ng makita ko si guard. Natataranta na ako.


"Oh ijho anong nangyayari di ba pinapauwi na kayo"


"May emergency kuya may---"


*ring*

Ano yun?! Ano ang tunog na yun?! Napatingin kami sa second floor ng building at may naglalabasang usok sa bintana. Shit!


Mula sa section namin yun! Crombie!


"Sunog! May sunog"- para akong mawawala sa sarili. Hindi pwede to! Crombie,hintayin mo ako! Wala akong pakialam sa mga nadadaanan ko at nababangga ko. Kailangan ko syang iligtas.

"Crombie!"- halos masira na ang doorknob ng pinto kakapihit ko. Tumingin ako sa bintana at nagkakasunog na sa loob. Walang sumasagot sa tawag ko at lalo na akong kinabahan. Iginala ko ang paningin ko sa loob at nakahiga na si Crombie sa sahig, duguan ang ulo nito. 

Hindi! Sinipa ko ang pinto at buong lakas ko na yun pero hindi ko magawang buksan. 

"Putangina! Crombie gumising ka! Crombie!"- kumuha ako ng upuan sa kabilang section at hinampas sa pintuan pero walang nangyari. Naghanap ulit ako ng mahahampas ko nang biglang sumabog sa loob dahilan para lumipad ako at nabangga sa semento ang likuran ko. Dahan-dahan akong inagawan ng ulirat.

*****


"Zy? Zy anak? Dyos ko!"- rinig kong sobrang ingay ng paligid at may tumatawag sa pangalan ko. Madilim, wala akong nakikita. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko.  Puro puti ang nakikita ko, iginala ko ang tingin ko papunta sa boses na tumawag sa akin. Si Mama, umiiyak sa tabi ko.


"Ma? A-Ano pong nangyari?"-may kasamang nurse si Mama at may dextrose na nakaturok sa kamay ko.


"Nawalan ka ng malay sa school nyo nang magkasunog. Akala namin napano ka na anak"- sunog?


Biglang nagbalik lahat sa ala-ala ko. Ang iyak nya, ang paghingi nya ng tulong. Crombie!


"Si Crombie! Nurse nasaan sya?!"- sigaw ko sa kanila. Kailangan ko syang makita. Ligtas sya di ba? Di sya napahamak alam ko yun.


"S-Sinong Crombie nak?"-nagtatakang tanong ni Mama.


"May naka-confine bang Crombie Park dito?! Please sabihin nyo sa akin kung nasaan sya, gusto ko syang makita!"- hindi ko sinagot si Mama. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag napano sya. Hindi!


"Meron po pero critical ang kundisyon nya at ipinagbabawal ang makaistorbo. Under observation po sya ngayon dahil sa natamo nyang mga lapnos sa katawan."- hindi ko inaasahan na hahantong sa ganito ang lahat. Wala akong nagawa para iligtas sya sa pagkakataong ito. Crombie please wag kang bibitaw.


Tinanggal ko ang dextrose sa kamay ko at di ako nagpapigil. Kailangan ko syang makita!Tinatawag ako nila Mama pero hindi ako nakinig at hinanap ko ang kwarto nya. Di ko na ininda ang sakit na dulot ng mga injuries ko.



Malapit na ako sa dulo nang matigil ako sa isolation room at nakita ko ang pangalan nya sa  pintuan. Tumingin ako sa salamin.


Nakahiga sa hospital bed habang may oxygen at tubo sa bibig nya. Natatakpan ng bandage ang mukha nya. Gusto ko syang lapitan, at kausapin.


Hindi ka pwedeng mang-iwan Crombie. Hindi pwede. Patawad hindi kita naipagtanggol sa kanila. Please magpagaling ka. Ipinapangako ko poprotektahan na kita kahit anong mangyari. Di ko na hahayaang saktan ka pa nila. Gumising ka lang.


End of Flashback

The Androgynous TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon