CHAPTER 18

158 8 0
                                    

[Jayce]

Hawak ni Wylan ang bola, nakakalamang na sila sa amin ng two points. Mas lalong lalayo pag nakascore na naman sila. Kailangan naming maagaw yung bola.


Si Zyrell ang nagbabantay sa kanya, todo bantay din naman ako kay Yzen na mas matangkad pa sa akin, pero di sya makakalagpas kahit di mahaba ang mga galamay ko. Napansin ko ang tinginan nina Yzen at Wylan, mukhang--


Di ko pa natapos ang iisipin ko ay ginawa na nga nya pero dahil sa mabilis ang reflexes ko ay nakuha ko ang bola bago pa man ito mapunta sa kamay ni Yzen. Naririnig ko ang hiyawan ng mga babae sa bleachers, hinanap ko kaagad ang kateam ko para maipasa ko na.


Sakto namang nakita kong open si Klio kaya pinasa ko kaagad at tumakbo papalapit sa ring namin. Pinagpapasahan pa nila ang bola, ang tindi ng depensa ng mga to. Si Xylo na naman ang nakaabang sakin. Na kay Zy na ang bola, shit! Mukhang nahihirapan sya sa depensa ni Wylan.


Sinubukan kong tumakbo para makalapit kay Zy at nagawa ko naman yun pero sinusundan pa din ako ni Xylo nasa 3 points area na ako ng court. Akmang magsushoot na sya nang tumalon si Waylan at di tinuloy ni Zy, pagkabagsak ni Wylan ay saka nya pinasa sa direksyon ko ang bola. Nasalo ko ulit ito saka nag aim ng three-point shot.


Parang nag-slow mo ang lahat nang gumulong pa sa gilid ng ring ang bola, ang lakas ng tibok ng puso ko at---


*whistling sound*

"Three points!"


YES! Napatalon ako sa saya nang pumasok ang bola. Lumingon ako kay Zy, kinindatan nya ako ng may kasamang ngiti, parang bumalik yung slow mo na feeling ko habang tinititigan ko sya. Papalapit ang mga hakbang nya sa akin habang dahan-dahang tumutulo ang pawis nya, nalock ang paningin ko sa kanya. Tokwang panis! Ano ba tong pinagsasabi ko?!


"Ang galing mo!"-sabi nya sabay gulo sa buhok kong nababasa na din ng pawis. Ngiting-ngiti sya sa akin na parang ang saya saya nya talaga. Ang weird talaga ng isang to.


"Sus, easy. Yun lang? Bilib ka na sakin?"-pagmamayabang ko.Lumipat ang kamay nya sa balikat ko at inakbayan ako papalapit sa kanya.


"Ang laking tulong ng three points mo eh no?"-pang-aasar nya. Sinimangutan ko lang sya. Time out na pala muna kasi magfofourth quarter na. Isang puntos lang ang lamang namin mukhang konti nalang yung oras at ang hirap ng labanan, hindi sila basta-basta.

Bumalik muna kami sa bench namin at uminom ng tubig.


"Oppa, ang galing-galing mo!"-tumitiling sabi ni Noreen na may dalang pamaypay at may picture ko pa. Nginitian ko lang sila at kay Sygan ko binaling ang mga tingin ko.


"Do you agree Sygan?"-tanong ko sa kanya, tinitigan nya ako sandali.


"Good job"-tipid nyang sabi. Hayyys, ang arte talaga ng babaeng to napakahirap magpa-impress. Hindi din pala sya basta-basta.


"Good job talaga tong kaibigan ko, kaya sana mapansin mo na daw sya"-may tumapik sa balikat ko, si Zy lang naman pala. Binubugaw lang naman ako. Ang galing naman, ang laking tulong ng pang-aasar nito, tsk.


"Tumahimik ka na nga"-tumalikod na ako at nakinig na kami sa strategies ni coach. I need to prove them na di ako basta-basta kaya kailangan ko magpasikat.


Nagwhistle na ang referee kaya balik court na naman kami para sa fourth and final quarter. 62 vs 63 ang labanan. Sa kanila ang bola since kami ang nakapoint kanina. Si Zy pa rin ang nakabantay kay Wylan na may hawak ng bola, mukhang nainis sila sa ginawa namin kanina kaya bantay-sarado kami nito.

The Androgynous TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon