[Jayce]
"OMG!Ang gwapo bes!"
"Besh crush ko na sya!"
"Hindi pwede akin lang sya"
"Please introduce yourself"
"Thank you Sir. Good morning, I'm Jayce Park, a transfer student from Korea. But I grew up here in Philippines so I can speak Tagalog fluently. Nice to meet you all, please take care of me I hope we can be friends"-ngumiti ako saka nagbow ako at narinig kong nagbulungan ulit ang mga kaklase ko, specifically mga babae.
"Welcome to Haven High Jayce. You may now take a seat, may vacant chairs pa ba jan?"
Nagulat ako nang biglang umingay ang buong classroom dahil nag-aagawan na sila para makatabi ako. Ang haharot din talaga ng mga to pero wala talaga akong balak sa kanila, iisa lang naman ang target ko dito.
Nabaling ang tingin ko sa kinauupuan ni Sygan. Nagkatinginan kami at ngumiti sya sa akin then I smiled back at her. Hello bitch! I'm freaking back. But sadly you don't know at hindi mo malalaman.
"Settle down now, Jayce doon ka sa bakanteng upuan na yun sa last row"-utos ng teacher.
"Ay sayang naman"-rinig kong sabi ng mga kaklase ko. Ibang-iba sa pakiramdam yung napapansin ka ng lahat hindi dahil sa pinagtatawanan ka nila kundi dahil hinahangaan ka.
Nagpasalamat ako sa teacher at pumunta na ako dun sa bakanteng upuan. Binabati ako ng mga kaklase ko at ngumingiti lang ako pabalik.
"Gosh! Ang bango nya"-bulong ng isang babae. Naghagikhikan sila ng katabi nya.
"Hintayin nyo na ang susunod na subject teacher, walang lalabas ng classroom okay"-nag YES kaming lahat sa sinabi ni Sir at umalis na sya.
"Hi Jayce, I'm Catherine""Veruca at your service"
"I'm Noreen hihihi"
May nag-approach sa aking tatlong babae. Sa naaalala ko sila yung mga barkada ni Sygan. Binati ko sila pabalik in a nice way. Nagsisimula na silang magtanong ng kung anu-ano sa akin at hindi ko na alam kung sinong unang sasagutin ko.
"Cut it off bitches, we're going out"- lumapit sa amin si Sygan wearing our school uniform but her skirt was shorter. If I know nagpapapansin sya.
"But Sygan, kakasabi lang ni Sir na wag tayong lalabas hanggang wala ang next teacher"-sabi ni Helga. Sumimangot si Sygan.
"At kailan pa kayo sumunod sa rules? C'mon!"-tumalikod na sya at kinuha na ang bag nya sa upuan.
"Hayy ang bitch talaga. Pasensya ka na Jayce ah? Guess we'll see you later. Bye"-kinindatan ako ni Noreen at sumunod na sila kay Sygan. The same old bitches. Nakakainis pero kailangan kong pigilan ang sarili kong hindi sila masabunutan.
Hindi pa nagsisimula ang paghihiganti ko.
"Hey bro"-parang lumukso mula sa dibdib ko ang puso ko ng maalala ko ang boses na yun. Wylan.
Kinakabahan akong lingunin sya pero matagal ko na tong pinaghandaan kaya hindi na ako pwedeng magback-out at hinding-hindi ako magpapahuli.
"Hey?"-bati ko sa kanila pabalik. Umupo sila sa inupuan kanina ng tatlong babaeng kaaalis lang. Mas tumangkad pa silang tatlo pero ganun pa din kumilos. Ang yayabang.
"Ang gara mo ah? Sikat ka na agad sa mga girls dito sa school"- sabi ni Xylo. Eh ano ngayon? Psh, nagseselos na ba kayo dahil nasa akin na ang atensyon?
"Hindi naman masyado"-pahumble kong sabi.
"Anong nangyari jan sa kamay mo? May depekto ka ba jan?"-napansin pala ni Yzen ang bandage sa kamao ko.
"Wala pare, medyo napabungad ang away kanina eh"-sabi ko ng walang pinapahalatang kaba. Sinubukan kong magchill.
"Talaga? Woah jan lang ba ang galos mo?"-namamanghang tanong ni Xylo. Tumango lang ako kasi totoo naman. Bawal nilang matamaan ang gwapo kong pagmumukha.
"Sanay ka bang makipagbakbakan?"-tanong ni Wylan. Itutulad pa yata ako sa kanilang magaling sa pakiki-basag-ulo.
"Hindi naman pero sa Korea may Taekwondo class kami at nakakuha naman ako ng black belt. Naging athlete na din ako kaya medyo sanay na ang katawan ko"-nagkatinginan silang tatlo sa sagot ko. Parang may sinasabi sila sa isa't isa pero hindi ko naririnig sa mga bibig nila.
"It would be cool pare kung sumali ka sa grupo namin. I'm Yzen, eto naman si Xylo, at Wylan"-di pa rin pala nabubuwag ang grupo ng mga to. Tss at idadagdag pa talaga nila ako. Napahalf-smile ako sa offer nya.
Mukhang ang grasya na mismo ang lumalapit, pinapanigan ata ako ng langit. Ganitong-ganito ang plinano ko. Kailangan kong makasali sa grupo nila para malaman ko lahat ng ginagawa nila. Kukunan mo ng ebidensya at ganito ko sila sisirain. Di ko inakalang ganito lang pala kadali.
"Anong grupo yan? Is it for a good cause?"-painosente kong tanong kahit alam ko kung gano kahalang ang mga bituka ng mga ito.
"Good cause? Sabihin na nating may magandang benefits naman ang pagsali mo sa grupo. Mas sisikat ka pa pag sumama ka sa amin. At pag sikat ka protektado ka mula sa mga bullies at gang dito sa school"- napangisi ako sa sinabi nya. Out of sarcasm, ang hirap magpanggap na inosente but I have to keep the act.
"Hindi ba aware ang mga teachers sa mga gang dito?"-tanong ko at nag cross-arms.
"Haha, they're aware but they don't care. The fund of this school comes from our parents kaya wala silang magagawa"-napatango ako ako sa sinabi ni Yzen. Di pa rin pala tapos ang paghihirap dito. This school should be named Hell and not Haven or Heaven.
"So you want me to join gangs in this school? I mean, gang nyo?"-from being bullies gumawa na pala sila ng gang. Hayop din sa upgrade.
"Yeah. If you don't wanna be bullied then be the bully"- magpapahard- to-get pa ba ako? Mas nakakatuwa silang panuorin kung magmamakaawa silang isali ako.
"Okay. So pano ba ako sasali?"-nag-apiran sila nang makuha ang matamis kong OO.
"Simple lang. Bibigyan ka namin ng initiation at kapag nakapasa ka pasok ka na agad."
"Kailan ba magsisimula ang initiation?"
"Baka bukas na. Kulang kasi kami ngayon. Absent na naman si Zy tsk asan na ba yung mokong na yun?"-may bago silang myembro?
Zy? Pamilyar yun sa akin ah. Nag-isip ako at pilit syang inalala pero walang memoryang bumabalik sa utak ko.
"Baka nagluluksa na naman yon. Anong araw ba ngayon?"
"November 6. Oo nga tsk. Basta pag nakabalik na sya sisimulan na natin ang initiation"
"Sabihin nyo lang sa akin kung kelan, dadating ako"-sabi ko sa kanila ng walang pag-aalinlangan.
"Ayos! Welcome sa grupo"-naglahad ng kamay si Wylan sa harapan ko. Tiningnan ko muna yun at ngumisi sa kanya.
"Nandito na si teacher!"-hindi natuloy ang pakikipagkamay nya sa akin dahil dumating na nga ang professor. Sisimulan ko na ang plano ko sa mga Ashwel. Malapit na ako sa unang hakbang.*****
May crush na ba kayo? Hahaha tell me about it sa comment box and click vote to support this story. Thank you! Kamsahamnida!
xoxo
Zian Castelo
![](https://img.wattpad.com/cover/128818331-288-k987980.jpg)
BINABASA MO ANG
The Androgynous Tale
Tienerfictie"𝐑𝐞𝐯𝐞𝐧𝐠𝐞? 𝐑𝐞𝐭𝐮𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐟𝐚𝐯𝐨𝐫 𝐬𝐨𝐮𝐧𝐝𝐬 𝐧𝐢𝐜𝐞𝐫." Crombie Park is an illegitimate kid who was devoured with hatred after experiencing a traumatic scenario caused by bullying in High School. When she overcame her fears...