[Zyrell]
November 6, saktong araw simula ng iniwan nya ako. Ewan ko pero taon-taon lagi nalang akong nagluluksa. Sinisisi ko pa din ang sarili ko sa nangyari sa kanya.
Magmula ng araw na yun, habang nakatingin ako sa kanyang lumalaban para mabuhay, hindi ko mapigilan ang mag-alala. Nasa isip ko na sya palagi.
Kahit nadischarge na ako sa ospital bumabalik at bumabalik ako dun para dalawin at kumustahin sya. Naging kaibigan ko na ang mga nurse at doctor na nagchecheck sa kanya. Pero di ako pumapasok sa kwarto nya. Sakto na sa aking nakatingin sa kanya sa malayo.
Naghihintay ako palagi sa classroom na baka isang araw bigla syang bumalik. At sa araw na yun sisiguraduhin kong wala ng makakapanakit pa sa kanya. Poprotektahan ko na sya. Pero iba ang nangyari. Binalita nalang sa school na hindi na papasok ulit si Crombie. Hindi na sya mag-aaral.
Nag-alala ako kung anong nangyari sa kanya. Bumalik ako sa ospital pero wala na akong nadatnan dun. Ang dati kong tinitingnan at binabantayan, iniwan na ako ng tuluyan.
Gumuho ang mundo ko sa mga oras na yun. Kung gano kasakit ang natamo ko nang iwan nya ako, ganun pa din ang nararamdaman kong sakit ngayon. Hindi sya mawala sa isip ko at sa puso ko. Mahal ko sya dati pa kaya lang hindi ko magawang magsabi dahil napakamaimpluwensya ng pamilya nila at tingin ko hindi ako nababagay sa kanya.
Minahal ko sya simula nang makita ko syang ngumiti habang nakatitig sa mga paru-paro mula sa green house ng school namin. Unang beses ko yung nakita sa kanya. Palagi syang umiiyak pag nasa classroom sya. Kaya lang ayokong lumapit sa kanya kasi alam kong mas lalo syang mabubully pag naging malapit ako sa kanya lalo na at may gusto sa akin si Sygan.
Alam kong sina Wylan at Sygan ang may pakana sa nangyaring sunog pero hindi sila maaaring idemanda kasi mga anak mayaman din sila. Kayang-kaya silang pagtakpan ng mga pamilya nila. Nagtataka din ako kung bakit hindi nagdemanda ang pamilya ni Crombie. Dahil ba sa bastarda syang anak?
Hayy Crombie! Bakit napakalaki ng pagsisisi ko?! Kung nasaan ka man ngayon sana hindi ka na umiiyak. Gustong-gusto kitang mayakap pero wala. Wala ka na.
Lumagok ako ulit ng isang bote ng alak. Hindi ko na masyadong nakokontrol ang sarili ko dahil nahihilo na ako. Kanina pa ako dito sa bar umiinom.
*phone ringing*
Kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko at mukha ni Mama ang bumungad sa akin.
["Hello anak? Nasan ka?"]
"Oy ang maganda kong Mama, buti naman tumawag ka. Miss na miss na kita Mama hehe"- di ko na alam kung anong sinasabi ko.

BINABASA MO ANG
The Androgynous Tale
Fiksi Remaja"𝐑𝐞𝐯𝐞𝐧𝐠𝐞? 𝐑𝐞𝐭𝐮𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐟𝐚𝐯𝐨𝐫 𝐬𝐨𝐮𝐧𝐝𝐬 𝐧𝐢𝐜𝐞𝐫." Crombie Park is an illegitimate kid who was devoured with hatred after experiencing a traumatic scenario caused by bullying in High School. When she overcame her fears...