"Sir,aalis na po ba tayo?"-naghihintay na si Manong sa may hagdanan at nagsusuot pa ako ulit ng sapatos.
"Opo"-pababa na sana ako ng mapansin ko ang pintuan sa baba ng hagdanan bago lumiko ulit para sa isa pang hagdanan.
"Manong ano po to dito?"-tanong ko lang out of curiosity.
"Hindi ko po alam Sir eh ngayon lang din kasi ako nakapunta dito. Tayo na po?"- tumango nalang ako. Huminga muna ako ng malalim para ihanda ang sarili ko. Ready na Jayce!*****
HAVEN HIGH SCHOOL
Ibinaba na ako ni Manong. 5 minutes lang yata yung byahe namin kasi malapit lang talaga sa school ang nilipatan ko.
Inayos ko muna ang damit pati buhok ko. Kailangan kong siguraduhin na tama lahat ng ikikilos ko. Isinilid ko ang isa kong kamay sa bulsa ng uniporme ko at naglakad papasok sa lugar na pinagmulan ng trauma ko. Kailangan ko yung ma-overcome kung gusto kong magtagumpay sa mga plano ko.
Ayaw ni Papa sa plano ko pero nagmatigas ako. Mabuti nalang at sinuportahan ako ni Mama kaya eto na ako ngayon. Sinigurado kong sa section ako ng mga yun mapatapon. Keep your enemies closer ika nga.
Malaki ang pinagbago ng school simula ng magkasunog sa bulding ng mga freshman. Mas dumami na ang benches at mga buildings. Pero sumasagi pa rin sa isip ko ang dating istruktura nito.
*bogs*
Nakaramdam ako ng malakas na pwersang bumangga sa balikat ko. Muntikan na akong ma-out of balance pero mas nauna syang maupo sa daanan. Isang babaeng nakaponytail ang mahabang buhok at nakasalamin ang nagmamadaling pinulot ang mga nahulog nyang libro.
"S-Sorry po"-sabi nito sa akin sa mahinhin na boses. Tinulungan ko syang pulutin ang mga dala nya kanina.
"Ayos lang, pasensya ka na din. Sa'yo yata 'to"-sabi ko sa tonong panlalaki sabay inabot ko sa kanya ang dalawang librong napulot ko. Hindi sya nakaimik nang tumitig sya sa akin. Mga ilang segundo din ng katahimikan ang namagitan sa amin bago ako nagsalita ulit para untagin sya.
"Miss, okay ka lang?"-nginitian ko sya at mukhang namangha sya sa akin base sa pamamaraan ng pagtiitig nya.
"Ah, uhm..ano.. s-salamat. A-Ayos lang ako"-tinulungan ko syang tumayo. Nakita kong namula ang pisngi nya sa ginawa ko.
"Sigurado kang okay ka lang?"-paniniguro ko. Tinitigan ko sya sa mata pero tinakpan nya ng libro ang mukha nya."Oo. S-Sorry ulit, aalis na ako"-tumalikod na sya sa akin pero pinigil ko sya ng isang tanong.
"Ano-- sandali. May itatanong lang ako,"-lumingon namn sya sa akin na naghihintay ng sasabihin ko.
" Nasan ba ang 12-C dito? Pwede mo ba akong samahan kung di ako nakakaistorbo?"- mukha syang nagulat sa tinanong ko.
"N-Nasa likod ng building nato. Pasensya na nagmamadali kasi ako. Maiwan na kita"-napakamot ako ng batok. Di naman siguro ako nasobrahan sa angas di ba? Friendly ko pa nga, bakit kaya ganun? Hayy makapunta na nga lang.
"Ayun sya! Habulin nyo!"-rinig ko ilang metro mula sa daanan ko. Isang grupo ng mga lalaki na tinuturo yung babaeng nakabangga ko. Nagtakbuhan sila at nilagpasan lang ako saka nila hinabol yung babae.
Bigla akong kinabahan. Ganyan na ganyan din ako dati. Takot na takot dahil di ko maipagtanggol ang sarili ko.
"Tulong! Please tama na!"-rinig kong sabi ng babae.

BINABASA MO ANG
The Androgynous Tale
Novela Juvenil"𝐑𝐞𝐯𝐞𝐧𝐠𝐞? 𝐑𝐞𝐭𝐮𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐟𝐚𝐯𝐨𝐫 𝐬𝐨𝐮𝐧𝐝𝐬 𝐧𝐢𝐜𝐞𝐫." Crombie Park is an illegitimate kid who was devoured with hatred after experiencing a traumatic scenario caused by bullying in High School. When she overcame her fears...