Nagising ako sa lakas ng ulan sa labas ng bahay. Napabalikwas ako ng bangon nang makita ko kung anong oras na.
Hala! Malelate na ako, ngayon pala kami babalik sa school ni Zy.
Nagmamadali akong naligo at nagbihis. Nag-ayos muna ako ng konti at sinuot ang sunflower bracelet ko. Naging lucky charm ko na ata to.
Lumabas na ako agad ng kwarto at patakbong bumaba ng hagdanan.
"Zy?" - tawag ko sa kanya. Walang sumagot sa tawag ko. Tulog pa kaya 'to?
Kinatok ko ang pinto nya pero walang nagbukas kaya pinihit ko na ang doorknob. Walang tao sa loob at sobrang linis ng kwarto nya.
Saan na ba yun?
Lumabas ako ng kwarto nya at dumiretcho na sa kusina, wala rin sya don pero nabaling ang tingin ko sa pagkaing nakahanda sa mesa. Lumapit ako at nakita kong may iniwan syang sticky note.
Nasa school na ako, kumain ka ng madami. Mag-iingat ka. Wag mong kalimutang magdala ng payong.
Ano?! Iniwan nya ako? Nakakainis naman talaga psh!
Ba't ba sya nagmamadali?!Nakita ko ang payong sa mesa. Naalala ko na naman tuloy sya. Kumain na muna ako at nang mabusog na ay nagpayong na palabas ng bahay at nag-abang ng taxi sa labas.
Nakasakay naman ako kaagad at nakarating ng school sa saktong oras. Naglalakad pa lang ako sa hallway nang may mapansin akong kakaiba.
Sobrang tahimik ng paligid na parang walang ibang estudyante dito. May iilan akong nakikita sa loob ng klase nila pero di sila nag-iingay. Every step na gawin ko parang sa horror movie.
Napailing nalang ako at inalis ang negativity sa isip ko. Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag ko at tumigil na sa room namin.
Wala ni isang tao sa loob. Hayys, akala ko ba nandito na siya? Pinagloloko ba ako nun? Kinuha ko agad ang cp ko para idial ang number nya pero out of coverage area.
Nagulat ako nang kumalabog ang pinto sa likuran ko pasarado. Napasigaw ako sa gulat. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko sa sobrang kaba. Tumakbo agad ako sa pintuan at pinihit ang doorknob pero naka lock na ito.
"Shit!" - nagpanic na ako at marahas na pinihit ang doorknob. Sinabayan ko ng tadyak pero walang nangyayari.
Nanumbalik ang takot ko dahil sa trauma ko sa ganitong sitwasyon. Nanginginig ang kamay ko pero sinusubukan kong kumalma.
"Tulong!Tulong may tao ba jan?! Tuloooong" - sigaw ko at pinukpok nang pinukpok ang pinto. Walang tumutugon sa tawag ko.
"Tulong! Pleaaase, Zyyyyy" - tawag ko sa kanya nang biglang may kamay na tumakip sa bibig ko mula sa likuran ko. Mahigpit nya akong hinawakan pero pinilit kong mag-isip ng paraan.
Siniko ko sya sa dibdib at hinila ang braso nya pabagsak sa kanya pero di ko sya naangat. Bigla nya akong hinila paharap sa kanya and pinned me to the wall.
His face was so close to mine.
"Z-Zy?!" - banggit ko sa pangalan nya. He smirked at me. Bigla akong naguluhan sa mga nangyari.
"A-Anong ibig---"
"Takot ka ba?" - seryoso nyang sabi. Kinabahan ako sa mga kinikilos nya dahil sobrang weird nun.

BINABASA MO ANG
The Androgynous Tale
Novela Juvenil"𝐑𝐞𝐯𝐞𝐧𝐠𝐞? 𝐑𝐞𝐭𝐮𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐟𝐚𝐯𝐨𝐫 𝐬𝐨𝐮𝐧𝐝𝐬 𝐧𝐢𝐜𝐞𝐫." Crombie Park is an illegitimate kid who was devoured with hatred after experiencing a traumatic scenario caused by bullying in High School. When she overcame her fears...