CHAPTER 11

188 10 0
                                        

Ayun sinamahan nya nga akong bumili ng bagong phone. Pero kanina pa ako mabibingi sa pangungulit nya na bilhin ang napakamahal na phone na to. Ayaw nya akong tantanan.


"Sige na tol, promise maganda talaga yan, kasing ganda---este gwapo mo hehehe"-pangungumbinsi nya.


"Bored ka ba sa buhay mo? Magtindero ka na lang kaya dito nang mapakinabangan naman yang kadaldalan mo? Galing mo mag sales talk ah?"-pambabara ko sa kanya. Mas pusher pa yata sya kesa sa tindera dito eh.


"Di ba hanap mo yung di madaling masira? O eto na ang kasagutan your highness"-grabe ang kulit talaga. Huminga akong malalim at kinuha sa kamay nya ang phone.


"Akin na, sigurado kang matibay to ah?"-paniniguro ko.


"Oo naman, paniwalaan mo pag ako ang nagsabi"-pagmamalaki pa nya. Nag-smirk ako sa kanya.


"Ah? Ipupukpok ko muna to sa ulo mo tapos pag nabasag ang bungo mo bibilhin ko na to, deal?"-pinigil ko ang tawa ko nang makita ang reaksyon nya. Parang gulat na takot na ewan. Kalma lang Jayce, wag kang tumawa baka akalain nyang nagbibiro ka lang. Pero epic talaga eh. 


"S-Sabi ko nga eh yung gusto mo nalang yung bilhin natin"-ayun naman pala eh. Ako pa din ang masusunod. Akala nya ah? Psh. Nagtry ako ng ibang model ng phone at nagselfie sa camera nito.


Ang gwapo ko na sana pero may umekstrang kulugo sa gilid. Naka-peace sign pa yung gago. Natawa ako ng bahagya.


"Kukunin nyo na ba Sir?"-tanong ng saleslady.


"Ah oo yan na Miss,"-inabot ko sa kanya ang credit card ko.


"Anniversary po ng mall namin ngayon Sir kaya buy one take one po ang napili ninyong phone. Isasabay ko nalang yung isang phone sa bag nito Sir okay lang po ba?"-kung sinuswerte nga naman ang galing ko talagang pumili.


"Sure, no problem"-sabi ko na may kasamang ngiti. Kinuha na nya ang binili ko at isinisilid na nya sa bag.


"Sabi sayo eh may--- teka"-nawala bigla yung mokong! San kaya yun nagpunta? Hayys. Ipagmamayabang ko sana sa kanya to eh tsk. Bahala na nga sya. Mga lalaki talaga ang hilig mang-iwan.


Bat parang may hugot dun ng kaunti? Kadiri.


"Sir eto na po yung card nyo saka yung pinamili nyo. Thank you po Sir come again"-sabi ng saleslady at kumindat sa akin. Ew ang creepy nun. Isang awkward na ngiti ang sinukli ko sa kanya at lumabas na ng tindahan nila.


Ngayong may bago na akong cellphone, makakadamoves na ako kay Sygan. Pero aanhin ko naman yung isang phone? Sayang naman, itatago ko nalang siguro.


Iginala ko ang mata ko sa paligid. Yung mga iilang babae napapatingin sa akin pag dumadaan sila. Hayys. Teka sino bang hinahanap ko? Bahala na sya sa buhay nya sa wakas sya na mismo ang umalis. Wala ng mangungulit sa akin!


"Jayce? OMG! Jayce oppa!"-mukhang mali ako dun ah? Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses na tumatawag sa akin. Naku sina Verucq pala. Wala yata si Sygan. Silang tatlo lang ang magkakasama. 


"San ka galing oppa? May kasama ka ba?"-tanong ni Noreen na nakalingkis na sa braso ko.


"Ah may binili lang jan. W-Wala akong kasama. Kayo? Bat wala yata si Sygan?"-tanong ko sa kanila.

The Androgynous TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon