"Ano yang ginagawa mo? May assignment ba tayo?"-tanong nya habang nagpupunas sa basang buhok nya. Ibang-iba na ang ayos nya kesa nung unang beses ng pagkikita namin. Mas normal na syang tingnan ngayon.
Tumabi sya sa akin na nakaupo sa carpet at nagsusulat sa maliit na mesa sa sala.
"Hindi. Mga house rules lang para may agreement naman tayo dito sa bahay since nakikitira ka lang sakin"-sagot ko habang patuloy na nagsusulat. Ano pa kaya yung rules ko? Hayyy.
"Grabe ka naman, bahay ko din naman to eh binili mo lang"-sabi nya. Tiningnan ko sya ng masama.
"Exactly kaya nga ako na ang may-ari. O eto na tapos na pirmahan mo"-tumayo na ako at nilapag ang ballpen sa papel na sinulatan ko. Lumipat ako ng upo sa sofa. Ang sakit ng likod ko.
"Sabi ko nga eh bahay ko din naman to...dati. Hehe. Ang dami naman nito"-reklamo nya. Basic lang naman yun eh. Schedule kung sinong maghuhugas sa gabi. Wala na kasing katulong pag gabi na kaya dapat kami na ang maghugas. Sa paglalaba din may mga araw na dapat ako lang ang maglalaba kasi wala kaming dryer at konti lang ang space sa sampayan.
"Eto na oh"-binalik nya sa akin ang papel at ballpen saka umupo sa tabi ko. Tumayo ako at naglagay ng magnet sa papel at dinikit ito sa ref. Bumalik ako sa tabi nya dala-dala ang popcorn na nakita ko lang sa lalagyan ng groceries. Hawak nya ang remote at sya ang nagpalipat-lipat sa mga channel.
"Dun nga sa Animax"-utos ko sa kanya.
"Ayoko nga, cartoon network gusto ko eh"-napatingin ako sa kanya dahil sa sinagot nya. Seryoso ba sya?! Cartoon Network? Dapat pala nilagay ko din to sa house rules eh na akin ang remote ng TV.
"Bakit ba? Wag mo nga akong tinititigan ng matagal baka mainlove ka pa eh"-pang-aasar nya. Sinimangutan ko sya at binaling na lang ulit ang tingin sa TV. Anong metal kaya gawa ang mukha ng lalaking to ang tigas na ang kapal pa?
"Pano ka ba nakalabas ng bahay? May tumulong ba sayo?Sumagot ka ng maayos"-tanong ko bigla. Di pa rin ako makapaniwala na nakaalpas sya sa higpit ng tali ko eh.
"Iniisip mo pa rin pala yun hanggang ngayon? Haha, yung katulong na naglilinis dito araw-araw, sya din yung tagalinis namin dati kaya kilala nya ako. Ayun nagpatulong ako kaya pinakawalan nya ako"-sagot nya. Mukhang nagsasabi naman sya ng totoo.
"May dumating bang mga pulis dito kanina?"-tanong ko ulit.
"Meron. Pinaalis ko lang din kasi sabi ko false report tsk. Teka!Ikaw bang may pakana nun?"-napalunok ako ng popcorn.
"Eh kasi akala ko adik ka eh. Psh."-kinuha ko ang remote at nilipat sa AXN.
"SUPERNATURAL!"-sabay naming sabi. Nagkatinginan kami saglit. Hala, pano nya nalaman to?
"Haha paborito mo din yan?"-tanong nya sa akin. Lagi na akong nanunuod nito simula Season 1 pa lang.
"Paborito ko si Dean"-sagot ko lang.
"Akin naman si Sam. Babae ka talaga ano? May crush ka ba kay Dean?"-sinimangutan ko sya.
"Di ba sinabi ko na sayong wag mong sabihing babae ako tatadyakan kita jan"-pagbabanta ko sa kanya. Napakamot sya ng batok.
"Sabi ko nga eh kakain na lang ako. Alam ko namang ako lang ang crush mo eh"- kumuha sya ng isang dakot na popcorn at kumain. Magdadamot sana ako pero para sa ikakatahimik nya lang.
"Ang kapal talaga tumahimik ka na nga lang para kang timang"-crush? Psh abnormal ba ako kung sabihin ko sa inyong hindi pa ako nagkakaroon ng ganun sa tanang buhay ko? Kasi kung oo edi abnormal nga ako.
Sinunod naman nya ako at tahimik na nga kaming nanunuod kaya lang ang awkward pag walang nagsasalita.
"Oy"-tawag ko sa kanya.
"Pwede ba may pangalan ako. Zyrell Sy ang pangalan ko wag mo akong inu-oy. Nageffort ag nanay ko na pangalanan ako ng maganda"-ang sungit naman. Alam ko naman ang pangalan nya pero ang awkward lang kasi di naman kami close.
"Pwede ba kitang tawagin nun eh di naman tayo close?"-sabi ko. Tumitig lang sya sa akin.
"Binugbog mo na ako, pinahuli mo na ako sa pulis, pinagtakpan kita sa barkada ko, pinagluto kita, alam ko ang sikreto mo, pinatira moko sa bahay mo, gano ka-close pa ba yung gusto mo?"-dahan-dahan syang lumapit sa akin. Kingina ano na namang trip nya.
"Okay okay! Zy! Alis ka nga. Tsk"-mapapahiga na ako sa sofa eh. Rapist ba to?!
"Say 'please' in a female voice"-ngumisi sya sa akin. Psh anong kahibangan na naman ang trip nito.
Tinadyakan ko ang dibdib nya kaya lumipad sya sa kabilang dulo ng sofa. Nakakainis talaga. Napa-aray sya sa ginawa ko.
"Hahaha namumula ka hahaha. Ano nga ulit yung sasabihin mo dapat?"-napahawak ako sa pisngi ko. Arrg! Tawa lang sya ng tawa.
"Balakajan. Matutulog na ako, patayin mo yang TV ah? Tsk oh"-inabot ko sa kanya ang popcorn at dali-daling umakyat papunta sa kwarto ko. Pagsara ko ng pinto ay tumalon na ako sa kama ko. Nakakaasar yung lalaking yun. Grrr. Kinuha ko ang isa kong unan saka pinagsusuntok. Bwisit talaga.
Nakakapanibago, may kasama ako sa bahay. Pero at least naman hindi na ganun katahimik. Kaya lang nagdududa pa din ako sa lalaking yun eh. Magkakabarkada sila ng mga Ashwel kaya malamang kasing-ugali nya sila. Birds of the same feather flock together. Kaya malamang sa malamang may dark side din sya.
Hindi muna ako magtitiwala kahit kanino. Hanggat di nya sinasabi ang sikreto ko maswerte pa sya. Pero hanggang kailan nya itatago? Hayy dapat magkasundo kaming dalawa. Kahit ayaw ko dapat maging magkaibigan kami.
Sa ganun makakasiguro na akong hindi nya ipagsasabi. Hangga't maaari pakikisamahan ko sya. Di naman siguro sya rapist kahit medyo may pagka-manyak sya. Jeez.
*ring*
Napatingin ako sa phone ko na nakalapag sa study table. Isang unknown number ang nagtext."Hi Oppa, Noreen to. Pakisave ng number ko ah?"-hayyys akala ko naman kung sino tsk. Teka yung number ni Sygan.
"Hello, pwede ko na bang mahingi ang number nya?"-naisend ko na ang tinext ko. Pero lumipas ang ilang minuto wala pa ring reply. Aba't paasa yung babaeng yun ah?!
Makatulog na nga. Kapagod maghintay.*****
Chapter 13 Updated!
Read. Vote. Comment. Share.
Salamat po.
xoxo
Zian Castelo

BINABASA MO ANG
The Androgynous Tale
Dla nastolatków"𝐑𝐞𝐯𝐞𝐧𝐠𝐞? 𝐑𝐞𝐭𝐮𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐟𝐚𝐯𝐨𝐫 𝐬𝐨𝐮𝐧𝐝𝐬 𝐧𝐢𝐜𝐞𝐫." Crombie Park is an illegitimate kid who was devoured with hatred after experiencing a traumatic scenario caused by bullying in High School. When she overcame her fears...