[Jayce]
Umuwi na si Mama and made sure both of us are safe ni Zy sa bahay. Sabi nya din na kakausapin nya si Papa about sa nga nangyari at kukumbinsihin itong mag-imbistiga ulit tungkol sa nangyari sa akin at sa kay Mama. Alam kong hindi aksidente ang lahat ng 'yon kundi may gusto talagang pumatay sa amin.
"Okay ka lang ba?"-nauntag ako sa boses nya kaya bumalik ako sa isip ko. Kanina pa pala ako natutulala habang hawak ang kutsara at bowl na pinaglagyan ko ng pagkain n'ya.
"O-Okay lang ako hmm eto oh kain ka pa" - sinubuan ko sya ulit pero tinitigan nya lang ako sa mukha. Medyo nailang ako kaya napaiwas ako ng tingin.
"Bakit ba ganyan ka makatingin?" - lumakas ang tibok ng puso ko pero di ko pinahalata na medyo nagpapanic ako deep inside.
"Inaalala ko lang yung dati mong itsura" - di ko na napigilan ang pag-akyat ng mainit na dugo sa pisngi ko. Nahuli na nya talaga ako, pero ano pa bang itatago ko ngayong alam ko na ang lahat sa kanya?
"Paano mo naman maaalala eh 'di mo naman ako napapansin dati?" - nahihiya kong tugon nang nakaiwas pa din ang tingin sa kanya.
"Paano mo malalaman kung saka lang ako tumitingin sayo 'pag di ka nakatingin sa akin?" - namilog ang mata ko sa sinabi nya at namula ng husto ang buong mukha ko. Ang init pati ng tenga ko.
"Kaya subukan mo akong tingnan, huwag mo akong iwasan" - mabibingi na ako sa tibok ng puso ko pero mas nangingibabaw ang mga sinabi nya. Nagtama ang mga mata namin at halos matunaw na ako sa mga titig nyang sinamahan pa nya ng ngiti.
"Z-Zy, a-ako nga pala to, si..."
"Natoy na mahal na mahal ako?" - muntik ko na syang mahampas ng tray sa pagdutong nya sa sasabihin ko. Napasimangot ako kaya tawang-tawa syang nakahawak sa cast nya sa tyan.
"Bumalik na naman saltik mo" - di ko na napigilan. Tawang-tawa na din ako sa sinabi nya kaya humalakhak ako ng walang hiya-hiya.
"Crombie" - natigil ako nang tawagin nya ako sa pangalan kong yun. Nagkatitigan kami ng ilang segundo, nakakailang pero nilabanan ko yun dahil sa mga nangungusap nyang mga mata.
"Ako nga, Zy" - nagkangitian kami saka ako nag-abot ng isang kamay para makipag-shakehands sa kanya. Inabot nya yon pero di nya agad binitawan.
"I know, matagal na" - nagpanting ang tenga ko sa sinabi nya. P-Paano nya nalaman?
"Remember that day na nahulog yung payong mo sa locker? Di ko alam na kinikeep mo pa din 'yong payong na binigay ko sayo noong isang maulang hapon at nasa playground ka. May pangalan kasi natin 'yon" - napansin ko din yung pangalan na nakalagay pero di ko naman akalain na combination pala ng pangalan namin yun.
"Ang corny mo naman, ba't mo ba ginawa 'yon? Gusto mo lang ba mapalapit sa akin para makumbinsi ko si Papa na mag-invest ulit sa inyo?" - huminga sya ng malalim at napatingin sa kawalan na parang nagbabalik-tanaw.
"I know na 'di maganda ang relationship mo sa Papa mo dahil nga illegitimate ka daw. Kaya sa una pa lang alam kong 'di kita makukumbinsi. Umiiwas ako sayo pero habang nakikita kitang pinahihirapan nina Wylan, bumabalik sa ala-ala ko yung araw na nakita kitang walang malay sa sasakyan nyo. I hate it when you're suffering kasi medyo sinisisi ko din ang sarili ko nung maaksidente kayo tapos wala akong magawa para iligtas ka"-nanlambot ang puso ko sa sinabi nyang 'yon. Kaya pala ganon na lang sya ka-cold sa akin dati.
"K-Kaya ba nung masunog ako lagi mo akong binibisita sa ospital kasi naaawa ka sa akin?" - nagsalubong ang kilay nya sa nasabi ko. Napakagat nalang ako sa lower lip ko.
"Before mangyari sa' yo yun, nakita at narinig ko sina Sygan, sila ang kumuha sa pitaka mo. Binilhan kita ng pagkain saka nilagay sa desk mo yung pagkain na may letter. Nasa kabilang classroom lang ako at pinapanuod ka. Paalis na sana ako nang marinig kitang humihingi ng tulong"-naliwanagan ako, sya pala yung sigaw ng sigaw sa labas ng classroom that time.
"Ano? Ginawa mo lahat ng 'yon para sa akin? Bakit?"-kaya din pala agad nya akong nirescue noong muntikan nang masunog ang kusina namin.
"I don't know, gusto lang kitang makita ulit, na safe at masaya. It melts my heart looking at you that way. Kaya kahit labag sa kalooban ko I joined the gang para makipagkasundo kina Wylan na tigilan ka na nila sa pagbalik mo. Pero di ka na pala babalik sa school. Iiwan mo na pala ako"- I'm so overwhelmed with everything that I heard from him. Naiiyak ako sa mga sinakripisyo nya para sa akin.
"I'm so sorry Zy, I left. Hindi ko alam na may naghihintay pala sa pagbabalik ko. I didn't know that you exist" - I know sorry is not enough for everything na ginawa nya.
"I've waited for years Crombie. Dapat wala na ako dito sa Pilipinas but I stayed. Umaasa pa din akong magkikita tayo ulit para masabi ko na sayo 'tong matagal ko ng nararamdaman"-bigla akong kinabahan sa gusto nyang sabihin. All this time, ako pala yung tinutukoy nyang hinahanap nya?
Damn, realizations! Crazy destiny!
"Fate led you back to me. This time I won't let you slip away from my grasp. I won't let them hurt you anymore. Lagi na ako sa tabi mo to protect you. I will do everything to see you happy, because... I love you Crombie"- he held my hand tightly and pressed my palm. He's looking at me straight in the eyes.
I can't help it, I cried in front of him. Ako itong pasok ng pasok sa gulo, sya naman 'tong ligtas nang ligtas sa akin. I'm so stupid.
"You asshole! Sinong nagsabi sayong gawin yun lahat ha?! Tingnan mo yang nangyari sayo ngayon?! Huaaaaaahhhh" - tears were dripping from my eyes out of joy and love for this man. May halong lungkot din kasi ngayon ko pa nalaman, napahalagahan ko pa sana yung efforts nya at di na sya napagdudahan.
He sushed me by rubbing my head gently while I was crying. It calms me and I felt really safe with his touch.
"Di mo ako kailangan mahalin pabalik, just let me love y---" - I cut his words off by pressing my lips against his. Oh shit, what the heck am I doing?!
Napasinghap ako when our lips parted. Sobrang pula ko na at napahawak nalang ako sa labi ko. Pati sya ay gulat na gulat din sa pagkiss ko. Naspeechless sya.
Anong kalandian yun Jayce?! Aiiiiisssshhh!
"D-Does that mean---" - I looked at him innocently.
"That means gumana na ang gayuma mo. Shut up!" - I yelled at him and hid my face sa mga palad ko.
Nakakahiya! But that kiss? I will never regret na ginawa ko yun.
*****
Aminan serye muna yieeee!
Don't forget to vote for this chapter po salamat ng madami.xoxo
Zian Castelo
BINABASA MO ANG
The Androgynous Tale
Teen Fiction"𝐑𝐞𝐯𝐞𝐧𝐠𝐞? 𝐑𝐞𝐭𝐮𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐟𝐚𝐯𝐨𝐫 𝐬𝐨𝐮𝐧𝐝𝐬 𝐧𝐢𝐜𝐞𝐫." Crombie Park is an illegitimate kid who was devoured with hatred after experiencing a traumatic scenario caused by bullying in High School. When she overcame her fears...