*****
[Zyrell]Pagkatapos ng mga kulitan namin ay tahimik na kaming nanunuod ng Supernatural habang kumakain ng popcorn. Concentrate lang ako sa panunuod kasi lalabas na yung demon nang maramdaman kong may nakasandal sa balikat ko.
Naririnig ko ang malalambot nyang paghinga sa tenga ko at kasabay nito ang unti-unti kong pagkabingi sa lakas ng tibok ng puso ko.
Sobrang napagod sya ngayon. Nanatili ako sa ganong posisyon para di sya magising. Sobrang lapit na ng mukha namin at parang nahihirapan na akong pigilan ang sarili ko.
Unti-unti kong nilalapat ang labi ko sa mga labi nya at napapikit ako. Konting-konti nalang sana ay mahahalikan ko na sya nang biglang may sumigaw sa TV kaya napaigtad sya at sa sandaling panahon ay naglapat ang mga labi namin.
Umiwas ako agad ng tingin at napangisi nalang. Inakbayan ko sya sabay haplos sa balikat nya para pakalmahin sya. Nakatulog sya ulit kaya dahan-dahan ko syang inihiga sa sofa.
Kinumutan ko sya para di sya malamigan at hininaan na din ang volume ng TV. I can't believe this.
Ikaw na ba talaga yan Crombie? Hinawi ko ang buhok nya ng dahan-dahan. Hindi ako makapaniwala. Sa tagal ng panahon binalik ka ng tadhana sa akin.
Muling bumalik sa ala-ala ko ang mukha nyang natatakot sa apoy kanina. Sorry mahal ko, kung di kita nagawang protektahan dati. Pangako, nandito na ako palagi. Di ko hahayaang may mangyari pa sayong masama.
Di ko alam kung anong purpose mo at bumalik ka sa ibang katauhan. Pero kahit ano pa yan, di ko hahayaang masaktan ka nila ulit.
"I missed you so bad" - bulong ko at hinalikan sya sa noo.
"Good night Crombie" - I smiled at her sleeping figure.
*****
[Jayce]
Ginising ng isang mabangong amoy na nanggagaling sa kusina ang diwa ko. Napabangon ako at napamulat ng mata. Hala dito na pala ako nakatulog sa sofa? Tiningnan ko ang kumot na nakatalukbong sa akin. Hmmm, ano ngang huling ginawa namin?
Pilit kong inaalala ang huling nangyari kagabi at kung bakit sa sofa na ako nakatulog.
Pagkatapos namin kumain pinainom nya ako ng gamot sa balikat ko. Tapos nanunuod kami ng Supernatural habang kumakain ng fries at burger, tapos...
Oo nga pala inantok na ako kaya sa kung saan nalang ako napasandal.
"Good morning"-medyo nagulat ako sa bati nya sa akin. May kasama pa yung ngiti. Nakalatag na sa mesa ang mga putaheng nakakatakam na sa tingin palang.
"Hungry?"-napatingin ako sa kanya na nagbeblend ng kung anong kulay orange na substance. Tumango ako sa kanya bilang tugon.
"Kumain ka na muna bago maligo tutulungan na kita"-papaupo na ako sa mesa nang sabihin nya yun.
BINABASA MO ANG
The Androgynous Tale
Fiksi Remaja"𝐑𝐞𝐯𝐞𝐧𝐠𝐞? 𝐑𝐞𝐭𝐮𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐟𝐚𝐯𝐨𝐫 𝐬𝐨𝐮𝐧𝐝𝐬 𝐧𝐢𝐜𝐞𝐫." Crombie Park is an illegitimate kid who was devoured with hatred after experiencing a traumatic scenario caused by bullying in High School. When she overcame her fears...