"With all of the valid evidences presented to the court and the support of the witnesses statements, the accused persons are hereby declared guilty of the crimes charged. Case dismissed" - pinukpok ng judge ang maso nya at nagpalakpakan ang mga tao sa side namin.
Para akong nabunutan ng tinik dahil sa wakas nakuha na rin ni Mama ang hustisya para sa pagkamatay nya. Nagwawala ang mga kriminal at di nila matanggap na natalo sila sa kaso. Mabubulok na rin sila sa kulungan kung saan sila nararapat.
"We did it"-sabay kaming tumayo ni Zy and we hugged each other. Hinaplos nya ang buhok ko at hinalikan ang ulo ko.
"Congratulations sa atin. Hmmm sa wakas, makakasama na rin kita ng walang umeepal" - namula ako sa sinabi nya.
"A-Ahem, pwede ba akong umepal?" - napatingin kami sa nagsalita at agad na naghiwalay sa pagkakayakap namin.
"Pa!"
"O-Of course Sir" - napakamot sa batok si Zy.
"So you are Tadeo's son, am I right?" - nakikita ko ang pagkaasiwa ni Zy kay Papa. He's really intimidated by him.
"Yes Sir" - tipid nyang sagot ng medyo nakayuko. Bigla syang tinapik ni Papa sa balikat.
"You've done a great job protecting my daughter young man. Tell your father we have an urgent matter to discuss" - napangiti ako sa sinabi ni Papa. Sumigla din ang mukha ni Zy sa narinig.
"Thank you Sir, I would definitely give him a call" - he looks really excited.
"No, thank you. For saving my company and my precious daughter" - my heart melted sa sinabing yun ni Papa. I really thought he doesn't care about me. Meron lang pala talaga syang trouble expressing his feelings. Now that everything is okay, we should really talk more often. Dad is not getting any younger and I want to spend the rest of my days being his daughter.
*****
Ilang araw na rin ang nakalipas nang magdesisyon kami ni Zy na dalawin sina Wylan at Sygan sa kulungan. Wala akong balak na pagtawanan sila o ano. May gusto lang talaga akong marinig mula sa kanila.
Pinapasok ako ng pulis sa isang room na kami lang dalawa ni Sygan. Nasa loob sya at may nakaharang na salamin sa pagitan namin. Nass kabilang room naman si Zy at Wylan.
"Anong ginagawa mo dito?" - cold nyang sabi.
"Tinitingnan ko lang kung okay ka dito" - she sarcastically scoofed.
"Ano masaya ka na? Masaya ka na ba kasi nakaganti ka na nakuha mo pa si Zy?" - huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko bago ako magsalita ulit.
"Sygan, noong araw na ginawa mo akong isa sa mga kaibigan mo, yun 'yong unang araw na may kaisa-isang taong akala ko magiging kakampi ko na. Naiinggit ako sayo kasi grabe yung respeto nila sayo at madami ka pang kaibigan. Akala ko magkakasundo na talaga tayo, gusto kitang maging kaibigan Sygan"-napatahimik sya sa sinabi ko at nag-iwas sa akin ng tingin.
"Nakakalungkot lang kasi sa ibang pagkakataon tayo pinagtagpo. Humantong pa sa ganito ang lahat. Pero di kita masisisi, sumunod ka lang sa Papa mo. I don't want to ruin your future Sygan. I know capable ka magbago after this. I just hope na natuto ka na. I hope sa susunod na pagkakataon na magkita tayo, nagbago ka na bilang isang mabuting tao"-tears fell from her eyes. She could have been my best friend. Nakakapanghinayang lang.
"I forgive you Sygan, even if you did not apologized to me. I already freed myself from hatred" - I smiled at her. Ayoko lang na may matira pang sakit sa puso ko at konsensya ko.
"I'm leaving" - tumayo na ako at tinalikuran na sya nang magsalita sya ulit.
"Crombie," - napalingon ako sa pagtawag nya sa akin.
"Take care of Zy for me" - I smiled at her saka tumango. Nakahinga ako ng sobrang luwag. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Pumikit ako para damhin ang gaan sa loob ko.
"So anong sabi nya?" - napamulat ako nang marinig ang boses nya. Tapos na din pala silang mag-usap ni Wylan.
"Mas gwapo daw ako kesa sayo" - I chuckled at inakbayan sya. Napatawa sya ng bahagya at hinawakan ako sa bewang.
"Tol, akin ka lang" - namula ako sa sinabi nyang yun at hinila na nya ako palabas ng prisinto. Nagsalute pa sya sa nadaanan naming mga police. Natawa nalang ako at hinayaan syang kaladkarin ako.
Bago kami umuwi ng bahay dumaan muna kami sa sementeryo. Dinalaw namin si Mama at nag-alay ng bulaklak at kandila sa libingan nya.
"Hi Ma, I miss you. Sa wakas matatahimik ka na din. Okay ka lang ba jan? Alam ko masaya ka na kasama si Lord. Masaya na din po ako kaya wag kayong mag-alala. Nakita ko na din yung matagal mong sinasabi na bait ni Papa at ni Mama Devorah. Nung nawala ka akala ko mag-isa nalang ako. Pero may biglang dumating sa buhay ko na sinamahan ako sa lahat ng pangyayari, masama man o maganda"-tumingin ako kay Zy. He smiled at me and tucked my hair at the back of my ears.
"Aalagaan ko po sya Tita, ako na ang poprotekta sa kanya, pangako" - hinaplos nya ang pisngi ko at nilapat ang labi nya sa noo ko.
"Bantayan nyo kami lagi jan sa langit ha? Alam ko palagi ka pa rin naming kasama sa mga puso namin"
*****
One special chapter to go, paalam na mga mahal na readers.
xoxo
Zian Castelo
BINABASA MO ANG
The Androgynous Tale
Genç Kurgu"𝐑𝐞𝐯𝐞𝐧𝐠𝐞? 𝐑𝐞𝐭𝐮𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐟𝐚𝐯𝐨𝐫 𝐬𝐨𝐮𝐧𝐝𝐬 𝐧𝐢𝐜𝐞𝐫." Crombie Park is an illegitimate kid who was devoured with hatred after experiencing a traumatic scenario caused by bullying in High School. When she overcame her fears...