CHAPTER 22

74 4 0
                                        

"Ano na naman bang nangyari sayo?!" - nagulat ako sa bigla nyang pagsinghal sa akin. Nasa rooftop muna kami ngayon habang tinatakasan namin yung mga galamay ni Wylan.

"Ah kasi sila yung... yung nakasalubong ko noong bago pa lang ako dito tapos nakita kong may binubully silang babae. Tinulungan ko lang naman yung babae. Ba't mo ba ako sinisigawan eh bigla mo nga akong iniwan eh!" - bat ba ang init ng ulo nya?

"Nag-aalala lang naman ako sayo pano kung nadagdagan na naman yang mga sugat mo? Baka kung di pa ako dumating baldado ka na!" - he looked so furious.

"Hindi ko naman sinabi sayo na iligtas moko di ba? Ikaw tong sumusulpot kung saan-saan. Ikaw tong biglaang dumating sa buhay ko kahit di naman kita kailangan!"-bigla syang natigilan sa sinabi ko. His brows arched. Ilang segundo din akong natigil at saka palang nagsink in ang mga sinabi ko. Napakagat ako sa lower lip ko at napayuko. I can't look at him straight.

Shit naman Jayce, sumobra ka ata dun.

"Tss", he chuckled.

"Oo nga pala sampid lang pala ako sa bahay at sa buhay mo. Ewan ko ba bat alalang-alala ako sayo eh kaya mo naman yung sarili mo di ba? Wag kang mag-alala" - napatingin ako ulit sa kanya. His eyes were back to the way it used to. The same look that Zyrell would normally give towards strangers like me.


"I won't meddle with your business anymore Jayce. But do me a favor, lumayo ka na kina Wylan at sa kahit kaninong taong nauugnay sa kanya" - I'm scared but with all of my guts I faced him straight, eye-to-eye.

"Sino ka ba para sabihan ako ng mga dapat kong gawin? You don't have any idea what I've been through just to be here. Hindi ko hahayaang may hahadlang na kahit sino sa mga gusto ko. That's right, lalayo ako sa mga taong nauugnay kay Wylan, and that includes you"-lumakad ako palagpas sa kanya at umalis na sa lugar na yon. Bawat hakbang na ginagawa ko bakit parang masakit sa loob ko?


Nasa harap na ako ng pinto and I'm fighting the urge to look back at him. No Jayce, tama lang ang sinabi mo. You have a goal and don't forget that. Binuksan ko na ang pinto at tuluyan ng nilisan ang rooftop.


Dismissal

Bumalik ako sa klase matapos ng usapan namin ni Zy. Hindi na sya pumasok, pati rin sina Wylan. I fixed my things at isinukbit na ang bag ko sa kaliwang balikat ko. Masakit pa din ang kabila nito.

"Hi Jayce, ano, tuloy ba tayo bukas?" - napalingon ako kay Sygan. Oo nga pala inaya ko syang magdate. This is  my chance already. Hindi ko na to dapat palagpasin. I wonder bakit sya pumayag na makipagdate sa akin.


"Of course babe. Gusto sana kitang sunduin with my car but as you can see, I can't drive yet dahil dito sa cast ko. Magkita nalang tayo sa rendezvous, hihintayin kita" - I said with my deep voice and smiled at her.


"Okay sure, I'll come. See you around" - she left me a kiss on my cheek and winked at me. Narinig ko ang pagkadismaya ng ibang girls sa ginawa ni Sygan. Di ko sila pinansin at umuwi na ako.


Curse that devil's kiss, I'm so disgusted. Kumuha ako ng panyo sa bulsa ko at pinunasan ang pisngi kong hinalikan nya.

Sygan Citron, malapit ka ng umikot sa palad ko. Sa oras na makuha ko na ang puso mo, I'll crush it really hard.

Napakuyom nalang ako sa kamao and headed to the gates. I suddenly remembered Zy. Dati sabay kaming umuuwi ng gantong oras. Nasaan na kaya sya? Dapat ko ba syang hintayin gaya ng bilin nya kaninang umaga?

The Androgynous TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon