CHAPTER 15

170 8 0
                                        

*****

"Jayce oppa!"-napalingon ako sa tumawag sa akin. Yung mga plastic lang pala tsk.


" Daming fans natin jan ah?"-komento ni Zy habang kinakadena yung bisikleta sa parking area.


"Psh, inggit ka? Mas pogi kasi ako eh"-pang-aasar ko sa kanya. Napasmirk lang naman sya.


Lumapit silang apat sa amin pero ako lang ang pinapansin nila. Walang imik si Sygan pero ang tingin nya nandun kay Zy kaya napalingon ako. Poker face lang si Zy sa kanya na halatang inip na inip na kakahintay sa akin.


" Papasok na kayo? Sabay na tayo ah?"-aya ni Veruca na lumingkis na naman sa braso ko. Tinanggal ko ang pagkakalingkis nya at nagdamoves na kay Sygan para malipat ang atensyon nya sa akin.


"Good morning Sygan. Can I help you with your things?"-offer ko in my nicest manner. Napatingin sya sa akin and she handed me her bag. What the fudge?


" Thanks."-sabi lang nya. Cold ass bitch. Nauna na syang maglakad papalapit kay Zy.


"Nakakainis! She's really rude. Ignoring our Jayce oppa like that?!"-inis na bulong ni Noreen.


" Ginawa nya pang utusan psh"-dagdag ni Catherine. Magiging karibal ko pa talaga tong tukmol na to eh.


"Zy, sabay na tayong pumasok, shall we?"-rinig kong tanong ni Sygan sa kanya. Tiningnan ko ng masama si Zy, mang-aagaw! Matatagalan ako sa misyon ko pag nakialam ang isang to. Tumingin sa akin si Zy. I looked back straightly. Isang malaking balakid ang tingin ko sa kanya ngayon.


Sa pagtitig nya sa akin saglit unti-unting nabuo ang pilyong ngiti sa labi nya. I hate seeing that.

" Of course we should. Let's go?"-sabi nito kay Sygan. Aba't lumalandi ka ring damuho ka?! Kinindatan nya ako at nauna silang maglakad ni Sygan. Pota!


"Oppa, yung bag ni Sygan oh natutupi na"-napatingin ako sa hinahawakan ko nang sabihin yun ni Catherine. Kanina pa ako nagpipigil. Hinahamon talaga ako ng lalaking yun.


" It's okay oppa, andito naman kaming tatlo eh. Cmon, pumasok na tayo"-lumingkis ulit si Noreen sa kanang kamay ko at si Veruca naman sa kabila.


Hayy mukha ba akong matabang labanos at pinagpipyestahan ako ng mga higad na to? Tsk. Makapasok na nga. Hinayaan ko nalang sila.


Eto pang dagdag sa balakid eh sarap paslangin. Pero hindi muna, napapakinabanggan ko pang pagiging fangirl nila.


*****

"Teka, ba't magkasama kayo?"-napakasama ng tingin ni Wylan kay Zy nang makita nitong sabay silang pumasok ni Sygan.


" Wala kang pakialam tss"-sagot sa kanya ni Sygan. Hindi ko naman sinasabing tanga silang dalawa pareho pero yun na nga ang gusto kong sabihin. 


"Pare akala ko ba walang talo-talo?!"-nagulat ang lahat nang biglang kwinelyuhan ni Wylan si Zy. Pero si Zy ganun pa rin ang ekspresyon at parang natatawa pa dahil parang batang inagawan ng candy si Wylan.


" Ano ba Wylan?! Tigilan mo na nga si Zy!"-sita sa kanila ni Sygan. Di naman masyadong halata na nasa panig sya ni Zy ano? Pero di nagpatinag si Wylan. Mukhang magkakagulo na yata!

The Androgynous TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon