Hinatid ako ni Zy pauwi, sabay na rin naman kami. May shoulder spica na ako na nilagay nila kanina. Buti nalang at nandun si Zy kaya sya ang nagvolunteer na maglalagay kasi baka makita ng nurse tong tinatago ko sa dibdib ko.
"Maliligo na muna ako"-paalam ko sa kanya, natuyuan na kasi ako ng pawis. Sinamaan nya ako ng tingin.
"Hindi pwede. May cast ka di ba? Wag ng matigas ang ulo mahihirapan ka din magsabon sa sarili mo"-ano?
"Aba! Kanina ko pa pinagtitiisan tong amoy ko no! Di ako makakatulog ng di naglilinis ng katawan. Nasasabi mo yan kasi nakaligo ka na psh"-inirapan ko sya. Habang nagpapahinga kasi ako sa infirmary umalis din sya kasi magsashower daw muna hayys.
"O sige, magpupunas ka pero ako ang magpupunas sayo, kung gusto mo talagang maligo, ako ang magpapaligo sayo. Deal?"-namilog ang mata ko sa sinabi nya.
"Maniac!Pervert! Byuntae! Babaliin ko nalang tong balikat ko no tss. Jan ka na nga!"-padabog akong umakyat ng kwarto ko. Kahit mahirap ginamit ko ang kaliwang kamay ko sa pag pihit ng doorknob.
Wala na syang magagawa. Bahala na tong cast nato kailangan ko talagang maligo.*****
[Zyrell]
Ang kulit talaga ng babaeng yun baka mapano na naman ang kamay nya hayys.
Naghihiwa ako ng mga ingredients dahil ipagluluto ko sya ng specialty ko. Kailangan nyang mabusog para bumalik ang lakas nya.
*phone ringing*
Natigil ako sa ginagawa ko nang marinig ang phone ko. Tiningnan ko muna kung sino ang tumatawag saka ito sinagot.
"Ma?"-sabi ko.
"Zy, how are you? Nag-aalala na kami ng Daddy mo. San ka ba nakikituloy ngayon?"
"Ma, ayos lang po ako dito. I'm staying in a comfortable place wag na kayong mag-aalala. Tatapusin ko nalang po yung senior year at susunod na po ako jan"-lumabas na muna ako papunta sa tabi ng pool.
"Are you sure? Hindi na kami mapakali dito. Why are you still staying there anak?"-bumuntong-hininga ako. Alam ko namimiss lang ako ng mama ko ngayon.
"Alam nyo na po Ma di ba? May may hinahanap ako dito. Hanggang end of the school year nalang ang palugit nyo di ba? I'm coming Ma, soon"-I said in a reassuring voice. Malaki na ako kaya ko na ang sarili ko. At yung hinahanap ko, nakikita ko na, palagi.
"Hayy basta when you need anything tawagan mo lang kami ng Daddy mo"
"Yes Ma. I will."
"I miss you Nak"
"Same here Ma, ibababa ko na po to may ginagawa pa po ako eh.Bye Ma"-naghung-up na kami sa isa't isa. Babalikan ko na sana yung niluto ko.

BINABASA MO ANG
The Androgynous Tale
Novela Juvenil"𝐑𝐞𝐯𝐞𝐧𝐠𝐞? 𝐑𝐞𝐭𝐮𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐟𝐚𝐯𝐨𝐫 𝐬𝐨𝐮𝐧𝐝𝐬 𝐧𝐢𝐜𝐞𝐫." Crombie Park is an illegitimate kid who was devoured with hatred after experiencing a traumatic scenario caused by bullying in High School. When she overcame her fears...