"Hayy tagal mo naman magbihis. Babae ka talaga eh no?"-tumingin ako sa kanya ng matalim nang sabihin na naman nyang babae ako.
"Tumahimik ka nga. Tsk, nagsecure pa ako alam mo namang jersey tong suot ko. Halika na, baka malate na tayo may punishment pa naman sa late"-inayos ko ang shorts ko. Nakakaconcious baka kasi makita nila ang bandage ko sa dibdib. Buti nalang di masyadong open ang gilid ng damit na to.
"Sus, walang punishment. Sinasabi nya lang yun, "-seryoso ba sya? Ibig sabihin ba nangtithreat lang yung teacher? Pero mukha talagang seryoso yun eh.
"Kahit na, tara na, bilisan na natin!"-nagmamadali ako at nauna na akong maglakad sa kanya. Nagulat ako nang hilahin na naman nya ako pabalik sa tabi nya.
"Hintayin mo ako, sabay na tayo"-naramdaman ko nalang ang isang kamay nyang nakaakbay sa balikat ko.
"Hoy gago, nagiging habit mo na akong hilahin pabalik sayo ah? Ano bang problema mo?"-sinimangutan ko sya at nagpatuloy lang kami sa paglalakad.
"Ayoko lang maiwan kaya hangga't abot-kamay ko pa, hihilahin ko pa din pabalik"-naramdaman ko ang pagragasa ng dugo ko. Sa sobrang bilis ng pump ng dugo sa puso ko napunta lahat sa pisngi. Ano bang pinagsasabi nito? Ba't parang may laman? At bakit ako nagkakaganito?!
"Dapat kasi minsan matuto ka ding sumunod para di ka maiwan. Hayys"-ewan ko san galing yun pero mukhang naging depensa ang sinabi kong yun dahil tumahimik na sya. Wow, first time! Realization strikes? Hayys makapaglakad na nga ulit. Sumabay pa rin naman sya sa akin pero nakababa na yung kamay nya.
Lumiko agad kami nang makalabas kami ng locker room papunta sa gymnasium. Nandun kasi ang court. Naabutan naming nagpapaikot na sa magkabilang ring ang dalawang team. Nagwawarm-up pa yata sa pagsushoot.
"Andyan na sila sir"-rinig kong sabi ng kaklase ko sa teacher namin nang makita nila kami.
"Park, Sy, 5 minutes late. Alam nyo naman ang rules ko pagdating jan"-napatingin ako kay Zy. Teka anong rules ba yun?! Napakaclueless ko.
"Yes Sir"-sagot ni Zy. Nagyes nalang din ako. Tumingin sya pabalik sa akin at sumenyas na sundin ko lang sya.
"Teka ano bang gagawin?"-nagtataka kong tanong habang nakasunod sa likod nya. Di ko alam kung san sya pupunta.
"Yung punishment"-natigilan ako. Sabi na nga ba eh?! Hayyys kung nagmadali kami edi sana umabot kami. Bigla yatang uminit ang ulo ko. Ang dami pa kasi naming hugot papunta dito.
"Akala ko ba wala?"-kalmado kong sabi. Pero deep inside gusto ko ng manuntok. Nagpauto ka na naman Jayce. Hayy kaya ang hirap magtiwala eh.
*****
[Zyrell]
Di na baleng magalit sya sa akin, para rin naman sa kanya tong ginagawa ko. Mas mabuti na to kesa mapagod syang maglaro sa court. Kinuha ko na ang malaking container ng tubig at pinasan sa likod ko.
BINABASA MO ANG
The Androgynous Tale
Novela Juvenil"𝐑𝐞𝐯𝐞𝐧𝐠𝐞? 𝐑𝐞𝐭𝐮𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐟𝐚𝐯𝐨𝐫 𝐬𝐨𝐮𝐧𝐝𝐬 𝐧𝐢𝐜𝐞𝐫." Crombie Park is an illegitimate kid who was devoured with hatred after experiencing a traumatic scenario caused by bullying in High School. When she overcame her fears...