CHAPTER 25

66 3 0
                                        

Umuwi na ako ng bahay na galit na galit sa mga nangyari. Ang kapal ng mukha nyang halikan ako, masisira na nya ng tuluyan ang plano ko!

Hindi ko naisip na may isang Zyrell Sy na sisingit sa mga binabalak ko. Ang tanga-tanga ko for letting him into my life!

Naghahalo ang galit at sakit sa loob ko. Padabog kong tinungo ang kwarto nya at binuksan ito ng walang pagdadalawang-isip. Kailangan mo ng umalis dito, umalis ka na sa bahay ko, pati sa buhay ko!

His room was a mess. Nagmamadali akong naghanap ng kahon para paglagyan ng mga gamit nya. Pinagpapansak ko sa kahon ang mga damit nya mula sa closet nya.

It's not too late right?! No, masyado pang maaga para masira ang mga plano ko. I'll get Sygan back.

Malapit ko ng maubos ang damit nya nang may mapansin akong doorknob sa likod ng malaking closet nya. Kasya pa ako sa loob. Pinihit ko ito at luckily di naman sya locked. Nakapasok ako agad sa likuran ng pinto. It's a secret room.

Medyo may kadiliman sa loob but nakita ko sa gilid ng pintuan ang switch. Napapikit ako ng bahagya dahil hindi naman puti ang ilaw sa loob. It's red and I saw pictures hanging on a string.

Kung di ako nagkakamali isa itong darkroom para magdevelop ng mga photographic films. I didn't know he's into photograps. Tiningnan ko ang mga kuha nyang nakaipit sa strings.

They're all sceneries. Dagat, bundok, pati ata yung green house namin sa school na may butterfly garden, at playground ng Haven High?

Ngunit sa lahat ng kuha nya, isa lang ang nakakuha ng sobrang atensyon ko. May napansin akong picture ng isang crashed car sa kalsada.

Tiningnan ko ito ng mabuti because the scene seems so familiar to me. Kinuha ko ito at dinala sa kama nya to see the colors it clearly. My brows arched.

The deafening sound of a car crashing suddenly echoed inside my head at agad akong napatakip ng tenga. I closed my eyes. Unfamiliar memories started flashing. I heard voices.

FLASHBACK

6 years ago
7:30pm

"Salamat talaga Siho, nag enjoy kami ng anak mo ngayon sa pinasyalan namin. Pagpasensyahan mo na kung nakaistorbo pa kami sa meeting mo" - ani Mama kay Papa. Lumabas kami galing sa kumpanya nya.

"Ipapahatid ko na kayo sa driver ko," - tanging sagot ni Papa at hinatid kami papasok sa kotseng nakaabang sa amin.

Nagpaalam na sila sa isa't isa. Nauna na akong sumakay sa backseat. Sabay na kaming umalis ni Mama. Kahit papano in good terms naman sila ni Papa. Pero takot ako sa kanya. Sobrang strikto ng pagmumukha nya na parang ang hirap iapproach.

Sabi naman ni Mama mabait daw si Papa kahit sandaling panahon lang ang pagsasama nila.

"Anak pagpasensyahan mo na ang Papa mo ah? Hindi na sya nagkatime sa atin" - sabi ni Mama habang hinahaplos ang buhok ko.

"Okay lang Ma, di naman talaga tayo yung pamilya nya di ba kaya di tayo priority?" - parang lumungkot ang mukha ni Mama sa sinabi ko. Alam kong kahit sa maikling panahon, kahit ginawa lang ni Papa na baby maker si Mama, minahal sya ni Mama ng totoo.

"Wag mong isipin yan, mahal na mahal ka namin ng Papa mo" - ayaw nya ding siraan sa akin si Papa kaya pinagagaan nya ang loob ko sa mga sinasabi nya.

"I love you too Mama" - nagngitian kami sa isa't isa. Niyapos nya ako sa mainit nyang yakap nang biglang bumusina ng malakas ang driver.


"Ma'am nawalan tayo ng preno!" - sigaw ng driver na nagpagulantang sa amin. Mahigpit akong niyakap ni Mama, hindi matigil ang sasakyan namin.

"Ano?! P-Pano nato?" - natatarantang sigaw din ni Mama.

"Maaa" - takot na takot akong sumubsob sa dibdib ni Mama.

"Kumapit ka lang sakin anak yumuko ka!" - naramdaman ko ang pagraragasa ng sasakyan namin hanggang sa isang nakakabinging hambalos ng mga salamin ang umalingawngaw.


Nabitawan ako ni Mama sa lakas ng impact ng pagkakabangga namin at nabagok ang ulo ko sa salamin sa bintana ng kontse.

" M-Ma?" - napapapikit ako, naramdaman ko ang mainit na likidong tumulo sa pisngi ko. Hinanap ko si Mama kahit hinang-hina ako. Di ko maigalaw ang ulo ko sa sobrang sakit at bigat nito.

Agaw buhay na ako nang may makita akong lalaking dumungaw sa bintana ng kotse. Nakaitim ito ng damit.


"T-Tulong" - pabulong kong sabi sa kanya. Ngunit bigla nyang tinutok sa akin ang hawak nyang bat. Akmang hahampasin na nya ako nang may malakas na ilaw na nanggagaling sa harapan ang nagpatigil sa Mama. Dali-dali syang tumakbo paalis. Tuluyan na din akong nawalan ng malay.

END OF FLASHBACK


Sumakit ang ulo ko dahil sa mga memoryang yun. Napayakap ako sa tuhod ko. Mababaliw na ako sa sakit, parang binibiyak ang ulo ko.

San ba nanggagaling ang mga memories nato?! Bakit ngayon ko lang naalala?!

Yung Mamang yun, b-bakit nya ako gustong patayin?! Di ako nagkakamali, talagang ako ang puntirya nya pero di nya naituloy dahil sa ilaw na yun.

Pumitik ng malakas ang ulo ko at namilipit pa ako sa sakit nang maalala ko ang bawat anggulo ng mukha nya.

Si Mr. Citron, di ako nagkakamali, sya! Sya yung nakita ko sa araw na yon! Ang tatay ni Sygan, sya ang nagbalak pumatay sa akin. Pero bakit?! Bakit nila pinatay ang Mama ko?!


"MAMAAAAAAAA"-humagulhol ako ng iyak. Hindi aksidente ang nangyari, may gustong pumatay sa amin.


Ang Mama ko, ang kawawang nanay ko. Napasabunot ako sa ulo ko. Gulung-gulo na ang isip ko. Pero kung ano man ang kinalaman nila sa pagkamatay ng Mama ko at pagsira sa buhay ko, mananagot silang lahat!


Napasuntok ako sa sahig dahilan para dumugo ang kamao ko. Pero di ko ininda yung nararamdaman ko dahil tumambak ang sakit sa puso ko ngayong gabing to sa mga nalaman ko.


Napatingin akong muli sa picture. Nagsisibagsakan pa din ang mga luha ko.


"Zyrell Sy, sino ka ba talaga? Anong kinalaman mo sa aksidenteng nangyari sa Mama ko?" - hindi ako papayag na wala akong matanggap na kasagutan. Kailangan kong malaman ang lahat.


Ngayon, nasa listahan na din kita Zyrell, sana kahit konti hindi kita pinagkatiwalaan.

Yan ang nasasabi ng isip ko ngunit bakit ang puso ko, umaasang mali ang mga hinala ko sayo. Kagaya ni Mama towards Papa, ayokong mapasama ka sa paningin ko.

Bakit ganito Zy? Bakit apektadong-apektado ako sayo?!  Bakit nasasaktan moko ng ganito?

*****

Please VOTE po by clicking the star.
Salamat!

xoxo

Zian Castelo

The Androgynous TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon