CHAPTER 14

185 10 0
                                        

*phone ringing*

Naalimpungatan ako nang marinig ang tunog na yun mula sa cellphone ko. 

6:00 am. Alarm ko lang pala. Napakusot ako ng mata at bumangon na. Maaga na naman pala ulit ako sa school ngayon. Kailangan ko ng alarm kasi wala na si Mama para gumising sa akin. Nag-unat-unat na ako at dumirecho ng banyo para maglinis ng katawan. 


Nagbihis na rin ako ng uniporme pagkatapos.Nagpapogi pa ako at nagpabango saka ako pumunta sa baba.


Sinalubong ako ng amoy ng ginisang bawang at sibuyas. Nakakagutom. Baka nandun na din yung katulong na naglilinis dito sa bahay. Ganun kasi dito, may nakahanda ng ulam twing umaga. Kailangan ko ng katulong lalo na sa pagluluto. Hindi ako natutong magluto dahil may pyrophobia na ako o fear of fire. 

 
"Uy nandyan ka na pala. Good morning. Breakfast is served"-teka! Ang aga naman nyang nagising? Nasurprise ako na sya ang madadatnan ko sa dining area na naghahanda ng agahan namin. 


"Nasan yung katulong?"-tanong ko sa kanya. Ang mysterious kasi ng katulong naming yun, di ko pa nakikita eh.


"Ewan ko, hindi sumulpot si Manang ngayon kaya ako nalang ang nagluto ng agahan natin."-napatitig ako sa kanya. Kahit papano may pagka-responsable rin pala ang isang to. Nakabihis at nakaligo na rin sya. Kinuha ko ang phone ko at tumawag kay Mama. Baka may nangyari na sa katulong namin eh. Umupo muna ako sa malapit na couch namin.


["Hello anak? Buti napatawag ka, kumusta ka na jan nak? Nakakatulog ka ba ng maayos?"]-si Mama talaga. Palagi akong inaalala.


"Mom, ayos lang naman po ako dito. Salamat ma. I miss you"-paglalambing ko.


[I miss you din nak. How was your first day?]


"Toxic ng konti Ma pero ayos lang din. Teka, yung katulong po hindi sumipot ngayong araw baka may pinaalam sya sa inyo"


["Ay oo anak nagpaalam sya kahapon na di sya makakapasok ngayon dahil naospital ang anak nyang may sakit. Kung yung pagkain mo ang inaalala mo wag kang mag-alala pupuntahan kita jan ngayon para ipagluto ka"]-namilog ang mata ko sa sinabi nya. Hala hindi pwede!


"A-Ahm Ma, okay lang po wag na kayong mag-abala pa sa school na lang po ako kakain"-sabi ko. Patay ako.


[At ano namang kakainin mo dun? Fastfood? Aba ayoko ng hindi healthy ang kinakain mo. Saka malapit naman na ako jan sa villa nasa kanto na kami ni Manong driver]-what the fuck?! Napalingon ako kay Zyrell na inaayos na ang mga plato. Nag-hung up ako kay Mama. Lagot na kami! 


"Zy! Pupunta si Mama dito! Dali magtago ka na! Lagot ako pag nalaman nyang may lalaki dito!"-natataranta kong sabi at naghanap ng ipantatakip sa mga pagkain.


"Kumalma ka nga, haha. Di ba lalaki ka naman?"-ngumisi sya sa akin. Nakakainis! Ngayon pa ba sya gaganito?!


"Plase makinig ka sa akin kahit ngayon lang! Bilis na!"


*ding dong*


HOLY SHIT!

*****

[Zyrell]

Nagmatigas ako sa kanya hanggang sa bigla nalang may nagdoorbell. Hindi ako nagpanic dahil mas naeenjoy ko ang reaction nya sa mga oras na to.

The Androgynous TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon