[Jayce]
Nagkutawaan kami nina Xylo dahil asar na asar na si Wylan. Sumunod na may pinagawa sa akin si Yzen. Sabi nya sigawan ko daw yung grupo ng mga lalaking dadaan sa may bintana. Ginawa ko naman at muntik na kaming makahanap ng gulo, buti nalang may tumawag sa kanilang ibang grupo kaya nabaling dun ang atensyon nila.
"Ikaw na Wylan"-sabi ni Xylo. Ngumiti sa akin ng nakakaloko si Wylan, mukhang hindi maganda to ah.
"Kung sinumang papasok ngayon jan sa pintuan na yan, lalapitan mo saka sasapakin, teacher,babae, lalake, o tomboy, kahit bakla, kahit sino, dapat gawin mo"- tangina talaga nito. Ipapahamak talaga ako neto eh. Pero bahala na. Di naman siguro ako makikick out agad.
Huminga muna ako ng malalim at nakarinig na kami ng mga hakbang na papalapit sa pinto. Naglakad na din ako para hintayin kung sino man yung paparating. Sana lang hindi teacher.
I cracked my knuckles to prepare. Hinarangan ko kaagad sya bago pa sya makadaan nang bigla akong nabato sa kinatatayuan ko.
"I-Ikaw---"-nagkasalubong ang titig namin at nagarko ang kilay nya. Nako patay! Bakit sya nandito?!
Hindi ko alam kung anong nangyari sa kamay ko pero kusa itong nagkuyom at tumama ito sa pisngi nya. Sumakit ulit ang galos sa kamao ko.
"Owww! Hahahahahahaha"-hiyawan ng tatlo sa likuran ko. Nagulat din ako sa ginawa ko. Lagot na! Lagot na ako!"Ano bang problema mo?!"-sigaw nya sa akin ng nakahawak sya sa panga nya. Nag-echo ang boses nya sa buong classroom. Galit na galit na nga sya.
"Nandito ka na pala, pawelcome back punch namin yun sayo"
"Hoy Zyrell! Sya yung sinasabi kong sasali sa grupo natin."
"Don't take it seriously bro, it's just an initiation. Malas mo lang"
Nagtawanan ulit sila sa likuran. Lagot na talaga sya pala si Zy. Nanatili akong nakatalikod kina Wylan para hindi nila makita ang reaksyon ko. Naaalala nya kaya ako?
"Ah, eto ba?"-ngumisi sya na parang may masamang balak sa akin. Binaba nya ang tingin sa akin at nilapit ang mukha nya. Mukhang naaalala nya nga. Masisira pa yata ang plano ko, alam nyang babae ako at di ako makakasali kina Wylan. Malalantad pa ang sikreto ko.
Dapat talaga dinispatya ko na ang isang to! Pano ba sya nakalabas sa bahay?!
"Mukhang matigas nga ang isang to"-matutunaw na ata ako sa titig nyang sinabayan ng mala-impyernong ngiti. Jerk! Tumingin sya sa dibdib ko.What the fuck?! Pinandilatan ko sya. Sumenyas ako na lumabas muna kami gamit ang mata ko. Ngiting-ngiti sya sa akin na para bang tuwang-tuwa sa nangyayari. Babangasan ko talaga to. Tumigil sya sa pang-aasar at nagpaalam muna na magbabanyo. Buti naman naka-gets.
"Ako din, CR muna ako guys"-pagpapaalam ko din.
"Ano bang lalabas tol?"-mapang-asar na sabi ni Xylo.
"Ang dapat lumabas. Sige, balik ako agad!"-umexit na muna ako. Ang manyak talaga ng isang yun. Pero sanay na ako sa mga dirty talks kaya di na ako masyadong naaapektuhan. Hinanap ko si Zyrell sa labas, ang lokong yun makikipag-hide and seek pa.
Di na talaga ako makakalma. Dapat mawarningan ko sya bago pa nya buksan ang bibig nya. Pumasok muna ako sa CR at baka nandun nga sya. Syempre sa Male CR.

BINABASA MO ANG
The Androgynous Tale
Novela Juvenil"𝐑𝐞𝐯𝐞𝐧𝐠𝐞? 𝐑𝐞𝐭𝐮𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐟𝐚𝐯𝐨𝐫 𝐬𝐨𝐮𝐧𝐝𝐬 𝐧𝐢𝐜𝐞𝐫." Crombie Park is an illegitimate kid who was devoured with hatred after experiencing a traumatic scenario caused by bullying in High School. When she overcame her fears...