CHAPTER 3

471 13 1
                                    

PRESENT


"Jayce, honey, wake up"-naramdaman kong may umuga sa akin dahilan para maimulat ko ang mata ko. Dahan-dahang nagliliwanag ang paligid at ang unang mukhang nakita ko ay pagmamay-ari ni Mama.


"Mom, anong oras na ba?"-tanong ko sa kanya habang kinukusot ang mata ko at humihikab pa ako.


"It's almost time for school. C'mon, you'll be late on your first day, fix yourself nang makakain ka na. Maglilipat-bahay ka pa"-hinawi nya ang mga kurtina ng bintana namin kaya nasinagan ako ng araw. Napapikit ako dahil sa nakakasilaw na liwanag. Oo nga pala ngayon na ako aalis.


"Thanks Mom, I'm up. Susunod nalang ako."-I saw her smiling at me bago nya ako iniwan sa kwarto ko.


Ganun pa din ang ngiti nya sa akin, gaya nung unang pagkakataon na nakita nya ako. Hmm, bumangon na ako at nagpunta na sa banyo.


Napadaan ako sa malaking salamin sa banyo namin kaya nakita ko ang itsura ko. Ang gulo ng buhok kong nakapixie cut.


Hayy kahit kagigising mo lang napakapogi mo pa din talaga Jayce.


Kumindat ako sa salamin at ngumiti dito. I love myself. Nagshower na ako pagkatapos para mas lalo pa akong pumogi.


Paglabas ko ng banyo ay naghalungkat na ako ng masusuot sa closet namin. Napatigil ako sa paghahanap ng uniporme ko nanag makita ko ang damit na nagpapaalala sa akin ng masasaklap kong karanasan habang suot ko ang pulang skirt at itim na blouse na yun.

Kalimutan mo na Jayce, hindi ka na gaya ng dati.

Kumilos na ako ulit at kinuha mula sa hanger ang isang navy blue colored top coat para sa puting polo shirt sa loob. Isang blue necktie at black na pants. May logo ng school sa kaliwang dibdib ng coat at may name tag na nakasulat.

Haven High School
Jayce Park


Bago ako nagbihis ng uniporme ay isinuot ko muna ang bandage sa dibdib ko para di mahalata ang umbok sa parteng iyon.


Nang masiguro ko ng hindi na mapapansin ang dibdib ko sinuot ko na ang uniform ko pati sapatos ko. Kinuha ko na din ang bag ko pati mga bagahe na dadalhin ko. Lilipat na muna ako ng bahay, sa isang villa malapit sa school. Mas mabuti na yun para sa akin.


Bumaba na ako mula sa second floor ng kwarto at naabutan ko sina Mama at Papa sa dining area.


"Jayce, halika na let's eat"-sabi sa akin ni Mama. Ngumiti ako sa kanya at binaling ko ang tingin kay Papa na nagbabasa ng newspaper.


"Dun na lang siguro ako sa villa Ma, may oras pa naman eh. I have to go"-hinintay kong lumingon sa akin si Papa pero parang wala syang narinig.


"Oh, malalayo ka na sa amin. Please, let's have at least this last breakfast together. Mamimiss ka namin"-pamimilit ni Mama.


"Hayaan mo na sya kung gusto nyang umalis. Kahit kailan hindi naman yan nakinig sa atin"-sabi ni Papa na nasa newspaper pa din ang atensyon. Hayy, napabuntong-hininga nalang ako.


"Sige po Ma, I'll be going now. Bibisitahin ko nalang kayo sa weekend."-pagpapaalam ko. My mom gave me one last hug, a tight one.


"I'll miss you"-pag-uulit nya at parang may namumuong luha sa mata nya.


"Oh Mom! Kaya ko na ang sarili ko. You don't have to worry about a thing. Tatawag ako palagi para di nyo ako masyadong mamiss okay? See you soon Mom. Bye, Pa"-tiningnan lang ako ni Papa. Ngumiti ako sa kanila bago ako lumabas ng bahay. Tuluyan na akong nagpaalam. Sumakay na ako ng kotse na maghahatid sa akin sa bago kong bahay.


I'll be living alone. Independent life here I come.

Apat na taon din akong nawala sa lugar na to. It's good to be back. Para makapagsimulang muli, at magbagong buhay.


Ilang minuto din ang lumipas bago namin marating ang villa na binili nina Mama at Papa para sa akin. Maganda ang bahay, may swimming pool sa garden at may terrace sa second floor. Mabubuhay na ako dito.


Binuhat ko ang box na naglalaman ng mga sapatos ko habang binubuksan ni kuyang driver ang gate.


Nice. Naeexcite akong tumira dito.


"Ma'am tulungan na po kita"- sabi ng driver.


"Kuya, dapat masanay na kayong tawagin akong Sir. Sa pogi kong to, grabe ka naman kuya"- pabiro kong sabi sa kanya.


"Ah oo nga pala Sir Jayce. Pasensya na kayo. Nasanay kasi kaming tawagin kayong Ma'am simula nung bata pa kayo. Saka tama po kayo, mukha po talaga kayong lalaki sa pogi nyong yan"- napatawa ako ng bahagya sa sinabi nya.


"Basta po sikretong lang natin yun ah? Ssh lang po kayo"-nagtanguan kaming dalawa.


Oo mukha akong lalaki, pero isa akong babae. Malalamang nagtataka kayo kung bakit at anong nangyari.


Well hindi naman ako bi o tibo. Kailangan kong magmukhang lalaki, magboses lalaki at kumilos na parang lalaki. Hindi dahil sa ito ang kagustuhan ko kundi dahil ito ang nararapat.


Apat na taon na ang nakakalipas simula ng mangyari sa akin ang malagim na trahedyang yun. Hindi na ako mamukhaan, nasira ang buong pagkatao ko dahil lang sa napagtripan ako ng mga yun.


Naaalala nyo na siguro ako? Oo, ako nga. Nabuhay ako, at eto na ako ngayon. Dahil sa mga lapnos na nakuha ko mula sa sunog nilipat ako nina Mama ng hospital. Narealize ko that she truly cared for me at sya ang nag-alaga sa akin sa hospital.


Sa Korea na ako nagpagamot para sa mga specialist dun. And they decided na iundergo ako ng surgery. At eto na ang naging resulta. Nag-iba ako ng mukha, pati pangalan, at pagkatao.


Hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa nilang lahat sa akin. Isinusumpa ko ang school na yun pero hindi ako papayag na kalimutan nalang nila ang ginawa nilang kabulastugan sa akin. Mananagot silang lahat.


Babalikan ko sila, hindi bilang weak na si Crombie, kundi ang bago at matatag na Jayce. Hinding-hindi ko na hahayaang tapakan nila ulit ang pagkatao ko. Ako naman ang magpapabagsak sa kanila.

Masama nga daw maghiganti di ba? Pero ang tagal kasi ng karma. Kaya ako na mismo ang magiging karma para sa kanila. Ipapatikim ko sa kanila ang pait ng sinapit ko noon.

Magbabayad sila!

Anyway, tama na muna yang drama ko jan baka matalbugan ko na si Eulah Valdez. Maglilipat-bahay pa ako.

*****

Hello everyone this is the author speaking! I know medyo heavy ang first four chapters ng storyang to pero i'll make it as light as possible sa next chapters. For dedications just drop your requests on the comment box and keep on reading. Love you guys!

xoxo

Zian Castelo

The Androgynous TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon