Di ko alam kung saan ko hahanapin si Zy, so I waited until Monday. Kating-kati na akong tanungin sya about sa picture but I don't know how kasi ayokong mahalata nya. Baka magtaka sya bakit bigla akong naging interesado.
Inagahan ko ang pasok ko at nag-antay ako sa may pintuan. Madami ng nagsisidatingang kaklase ko. Wala pa ring bakas ni Zy, ni Sygan, at ng mga Ashwell.
Ilang minuto na lang magsisimula na ang klase. Baka malelate na naman sila hayys. Umupo na ako sa upuan ko at kinulit na naman ako ng mga plastic friends ni Sygan. Nangalumbaba lang ako nang bigla akong untagin ni Noreen.
"Oppa, I guess you already heard the issue kasi ang tamlay mo ngayon" - nag-arko ang kilay ko sa sinabi nya sa akin.
"You don't look good. Damn! Nasasaktan ka siguro ngayon, bakit ba kasi si Sygan pa ang nagustuhan mo eh ang dami namang iba jan sa paligid? " - dagdag ni Cath.
"Andyan na sila"
" Huy mukhang totoo nga ang issue"
"OMG mukhang magfefriendship over na sina Jayce oppa at si Zy nito"
Nagkagulo ang mga chismosa kong kaklase sa kung sinong paparating. But I don't have to guess because I know sila yun.
Naghihiyawan at nagkakantyawan ang mga kaklase ko nang pumasok sina Zy at Sygan. I don't even want to look at them after what happened sa bar.
No matter how I resist napalingon ako sa kanila. I looked at Zy' s hand na nakaakbay sa balikat ni Sygan. The bitch looked so happy. Magkatabi silang umupo at pinagkaguluhan agad sila.
Umiwas nalang ako ng tingin at napasubsob sa desk ko. Nilingon ko paharap sa bintana ang mukha ko at pinigilan ang luha ko.
"Jayce oppa, are you okay?" -boses ni Veruca yun. Di ko na sya nilingon at sinagot sya ng matipid na 'Oo'.
They looked so good together. Yet naiinis ako.
Sinungaling ka Zy, akala ko ayaw mo sa babaeng yan? Now binabalandra mo pa sa buong campus? Sige, magpakasaya lang kayo. Mas mabuti na nga sigurong magjowa nalang sila para mas makapagfocus ako sa mga Ashwell.
Tama, sila na muna pupuntiryahin ko ngayong busy si Sygan sa kaharutan nya. I will ask Wylan later kung isasali pa ba nila ako sa grupo nila. I badly want to enter sa underground business nila. I know may pinapagawa sila kay Zy kaya madami syang pasa ngayon.
Di ko malalaman yun kung di ako makakapasok mismo sa grupo nila. That's the only way. I was supposed to replace him kaya lang hindi pala sya nag quit kaya siguro di ns rin ako pinilit nina Wylan.
*****
[Zyrell]
Dinapuan ko ng tingin si Jayce. Mukhang ang tamlay nya ngayon, namumugto pa ang mata nya kaninang nagtama ang mga tingin namin.
Gustong-gusto ko syang yakapin at hawakan kesa kay Sygan. Nakaka-inis ang sitwasyon na to. Pero I have to endure it. Para rin sa kabutihan nya 'to.
Buong klase diretcho lang syang nakatingin sa teacher pero alam ko lutang ang isip nya ngayon. Inis pa din to sa akin kasi pinigilan ko ang plano nya.
Tinitigan ko ang nakaside view nyang mukha. Mula sa noo nya, sa kilay at pilik-mata, sa ilong, sa labi. Naalala ko pa din ang pakiramdam noon sa labi ko. Nahalikan ko lang si Sygan dahil medyo may tama na ako at natawag ko pa syang Crombie. Miss na miss ko na ang Crombie ko.

BINABASA MO ANG
The Androgynous Tale
Novela Juvenil"𝐑𝐞𝐯𝐞𝐧𝐠𝐞? 𝐑𝐞𝐭𝐮𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐟𝐚𝐯𝐨𝐫 𝐬𝐨𝐮𝐧𝐝𝐬 𝐧𝐢𝐜𝐞𝐫." Crombie Park is an illegitimate kid who was devoured with hatred after experiencing a traumatic scenario caused by bullying in High School. When she overcame her fears...