"Hayyyy, thank God weekend na bukas" - sambit ko at nag-inat-inat muna ako bago kami umorder ng lunch ni Zy sa cafeteria.
"Bakit? May plano ka bang gawin?" - tanong nya habang kumukuha ng mga gusto nyang kainin.
"Baka ayain ko magdate si Sygan"-napatawa sya ng mahina sa nasabi ko. Wala talagang bilib to saken.
"San mo naman sya dadalhin?" - natapos na sya kaya ako naman ang nanampot ng gusto kong kainin.
"San mo ba kadasang dinadala ang mga babae mo?" - tanong ko. Nagswipe ako ng ID ko para bayaran ang binili ko. Sabay na kaming naghanap ng mauupuan ni Zy.
"Babae? Di ako babaero no" - di ako makapaniwala sa sinabi nya. Naupo na kami sa bakanteng pwesto sa loob ng cafeteria.
"Weeeh? Ang galing mo nga magpakilig tas di ka babaero?" - nilamon ko ang binili kong teriyaki.
"Bakit? Kinilig ka ba sa akin?" - muntik na akong mabulunan sa sinabi nya. Ngumisi na naman sya ng nakakaloko sa naging ekspresyon ko.
"Shut up. Psh, bakit? Kahit ni isang beses ba wala kang babaeng nagustuhan sa tanang buhay mo?" - dagdag na tanong ko. Nilagok ko muna ang coke para magready sa sagot nya.
"Meron naman."-tipid nyang sagot. Medyo sumeryoso yata sya.
"Oh eh asan sya?" - parang imposible lang kasi sa tipo nya na walang babae. Tinitigan nya ako ng ilang segundo sa mata. Di ko alam pero naiilang ako bigla kaya umiwas ako at nagkunwaring naglalagay ng sauce.
"Baka nasa tabi-tabi lang" - biglang nagflashback sa akin yung sinabi nyang may hinahanap daw sya. Napatahimik ako sa sagot nya. Nahanap na kaya nya?
Tatanungin ko sana sya nang biglang may tumawag.
"Zy" - napalingon kami sa kakapasok lang na grupo ng mga adik ata sa school. Mga pacool kids pa tong mga to. Lumapit sila sa table namin. Nasa kanila ata ang atensyon ng lahat. Parang namumukhaan ko yata sila ah?
"Pinapatawag ka ni boss Wylan"-sabi nung maangas na nasa gitna nilang lima. Tumingin sa akin si Zy
"Bumalik ka na sa klase pagkatapos mo kumain. Magkita nalang tayo ng uwian" - bilin nya sa akin. Nagtaka ako sa sinabi nya pero bago paman ako makapagsalita iniwan na ako ng ulupong. Psh, bwisit talaga yung Wylan na yun napapacutting pa tuloy si Zy.
"Uyy teka ikaw yun ah?" - napatingin ako sa isang nagsalita. Nandito pa rin pala sila.
"Oo nga, ikaw yung hinayupak na umupak sa amin nung nakaraan ah? Tingnan mo nga naman, napakaliit ng school nato para pagtagpuin tayo ulit" - shit. Sila nga pala yun.
*****
[Zyrell]
Nagtungo agad ako sa tambayan ng Aristocrat Gang. Naabutan ko silang tatlo sa loob na naninigarilyo.
"Zyrell Sy. Yung usapan natin, pinapaalalahanan lang kita." - pinatong ni Wylan ang paa nya sa desk ng kunwaring office na.
"Di ko nakakalimutan Wylan. Eto lang bang kailangan mo sakin kaya moko pinatawag? Nakakaistorbo eh" - may bakas na inis kong sambit. Natigil pa ang usapan namin ni Crombie tsk.

BINABASA MO ANG
The Androgynous Tale
Jugendliteratur"𝐑𝐞𝐯𝐞𝐧𝐠𝐞? 𝐑𝐞𝐭𝐮𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐟𝐚𝐯𝐨𝐫 𝐬𝐨𝐮𝐧𝐝𝐬 𝐧𝐢𝐜𝐞𝐫." Crombie Park is an illegitimate kid who was devoured with hatred after experiencing a traumatic scenario caused by bullying in High School. When she overcame her fears...