A Few Days Later
'Di na muna ako pumasok kasi walang mag-aalaga kay Zy. Hindi na din ito kaya ni Manang kasi madami pa syang gawaing bahay.
"Manang okay na po ba itong lasa na to?" - pinatikim ko kay Manang yung niluluto kong sinigang. Paborito kasi ito ni Zy kaya nagpaturo ako paano lutuin. Bumubuti na ang kalagayan nya kaya gusto kong tuluyan na syang gumaling.
"Sakto lang ang asim, magugustuhan yan ni Sir Zy dahil ganyan din ang lutong hinahain ko dati sa pamilya nila" - napangiti ako. Success pala ito kung ganun. Hinanda ko na ang kakainin ni Zy sa isang tray. Kumpleto na yung kanina at ulam, juice at panghimagas nya. Pati tubig at gamot nya nilagay ko na din.
"Ako na po ang magdadala sa kanya, salamat Manang" - masigla kong sabi sa kanya at dinala na ang tray. Nagpasuyo na din ako na pagbuksan ako ni manang ng doorknob. Pagkapasok ko ay may nahagip ang tenga ko.
"I'm okay, I'm with Jayce you don't have to worry babe" - nagpanting ang tenga ko sa narinig ko.
Is he talking to Sygan? He's calling her 'babe'?What the actual fuck?!
Nakafeel ako ng matinding kulo ng dugo sa narinig ko. Pumasok ako at nilapag ang pagkain sa mini-table nya. Napalingon sya sa ingay na nagawa ko kaya agad syang nagpaalam at humarap sa akin. Nasa may bintana sya nakaharap kanina pero sa ngayon ay nakaharap na sya sa akin.
"Eto na yung pagkain mo at gamot mo, maiwan na muna kita mukhang busy ka eh. Sige" - naasiwa kong sabi saka nagmamadaling lumabas ng kwarto nya. I felt pain thumping inside my chest. He called my name bago ko pa masara ang pinto but di na ako lumingon.
Patakbo akong lumabas papunta sa pool area. Napaupo ako sa damuhan at binaon ang mukha ko sa tuhod ko.
Ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit naghahalo ang sakit at inis?! Hanggang ngayon nag-uusap pa din sila ni Sygan matapos nyang magconfess sa akin noong nakaraan?! Di ko na alam kung ano ba talaga ang totoo. Ang alam ko nagseselos ako.
Wait, selos? Ako?
"Oo nga, nagseselos ka ba?"
"Hindi ah, kung gusto nya magsama pa sila nung Sygan na 'yon wala akong pakiala---" - natigilan ako nang makita sya sa tabi ko.
"T-Teka, ba't nandito ka?! Bumalik ka sa nga sa loob" - nag-aalala kong sabi sa kanya. Ba't ba lagi nalang nyang nababasa ang iniisip ko?! Nakakainis.
"Ayoko nga, selos ka eh. Hindi naman ako papayag na magworry ka nalang without hearing my explanation" - napasimangot ako at tumingin lang sa pool.
"Si Sygan ba 'yon? Wala naman akong dapat ipagselos eh kasi sya yung girlfriend mo" - napayuko nalang ako at uneasy na ginalaw ang mga daliri ko sa paa.
"She knows something about what happened to you. Kaya confirmed na nga, may kinalaman ang family nila sa nangyari sayo. I just kept the act para mapaamin ko sya. They have no idea about you, use that to your advantage, saka alam nilang nakikitira lang ako sa inyo kaya di ka nila pagdududahan"-naiilang ako sa naging explanation nya.
"Y-You mean hindi mo talaga gusto si Sygan? And ginagamit mo lang sya?" - ako ang dapat gumagawa noon but here he is, keeping me away again from trouble.

BINABASA MO ANG
The Androgynous Tale
Teen Fiction"𝐑𝐞𝐯𝐞𝐧𝐠𝐞? 𝐑𝐞𝐭𝐮𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐟𝐚𝐯𝐨𝐫 𝐬𝐨𝐮𝐧𝐝𝐬 𝐧𝐢𝐜𝐞𝐫." Crombie Park is an illegitimate kid who was devoured with hatred after experiencing a traumatic scenario caused by bullying in High School. When she overcame her fears...