"Ahm, ahe!"-pakunwari akong napakamot sa batok ko pero pilit ko lang naman talagang inaalis ang pagkakaakbay ng mokong nato sa akin. Naweweirduhan na sa amin sina Wylan.
"Ang bilis nyo namang nagkaclose?"-di makapaniwalang sabi ni Yzen. Ngumiti ako kay Zy pero papatayin ko na sya ng mga titig ko.
"Nag-usap na kami kanina sa banyo at pinagawa ko na din ang initiation ko. Mukhang nagawa naman nya ng mabuti kaya alam kong magkakasundo kami, di ba Jayce?"-ginulo nya ang buhok ko nakakainis. Pano nya ba nalaman ang pangalan ko? Tss. Napatingin ako sa nameplate ko. Oo nga pala tanga naman Jayce.
"O-Oo. Magkakasundo nga kami. S-So ano kasali na ba ako?"-pang-iiba ko ng topic baka san pa mapunta eh.
"Welcome to the group bro"-nakipaghandshake sila sa akin at inakbayan ulit ako ng kulugo. Feeling close amputa!
"Yung usapan natin ah?"-bulong nya sa akin. Psh.
"Everybody settle down"-nandyan na pala ang teacher. Nagsiupuan na kami sa assigned seat namin at nakakainis, tumabi pa talaga sya sa akin.
"Bakit ka ba lumalapit sakin?"-tiningnan ko sya ng masama.
"Dito ang upuan ko wag kang feeler hoy!"-kung minamalas ka nga naman. Nabara ako dun ah? Tsk!
*****
Hindi ko na nakita si Kryne mula pa kanina. Ayos lang kaya sya?Hayy, may masamang kutob ako pero wag naman sana.
"Oy, TOL!"-may kamay na umakbay sa akin kay napatingin ako kaagad sa may-ari nun. Inemphasize pa talaga yung TOL. Tsk. Nagbago na naman ang ekspresyon ko nang makita ko ang nakakaasiwa nyang pagmumukha.
"Ano?!"-inis na tanong ko habang tinatanggal ang pagkakaakbay nya. Ba't ba sumasabay sa akin tong mokong nato? Hayyys. Panira ng araw.
"Ang sungit ,mo naman tol, meron ka ba?"-tiningnan ko sya ng masama. Kailan ba ako makakakuha ng matinong sagot mula sa baliw na lalaking to?
"Oo,meron ako, meron akong shotgun dito kaya itikom mo yang bibig mo"-binilisan ko ang paglalakad at iniwan sya dun.
"Talaga tol? Malaki ba yung shotgun mo? May shotgun din ako dito, malaki,mahaba, matigas, malakas pumutok"-nagpanting ang tenga ko sa pinagsasabi nya. Kung anong iniisip nyong mambabasa na may lumot ang utak, ganun din ang laman ng isip ko. Napatigil ako sa paglalakad at dahan-dahang lumingon sa kanya.
I can't believe this guy! He's smiling sheepishly at me. Nag-akyatan na yata lahat ng dugo ko galing sa paa papunta sa pisngi ko.
"Putanginamo!"-singhal ko sa kanya at naglakad ng pawalk-out sa kanya. Narinig ko ang halakhak nya bago pa man ako tuluyang makalayo. Lagi na lang nya ako inaasar, di na nya ako tinantanan buong araw!
Ilang beses ko na bang nasabing nakakainis sya? Ah basta nakakainis sya!
BINABASA MO ANG
The Androgynous Tale
Teen Fiction"𝐑𝐞𝐯𝐞𝐧𝐠𝐞? 𝐑𝐞𝐭𝐮𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐟𝐚𝐯𝐨𝐫 𝐬𝐨𝐮𝐧𝐝𝐬 𝐧𝐢𝐜𝐞𝐫." Crombie Park is an illegitimate kid who was devoured with hatred after experiencing a traumatic scenario caused by bullying in High School. When she overcame her fears...