CHAPTER 6

277 12 6
                                    

[Jayce]


"Jayce-oppa!"-napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Si Ukryne lang naman pala. Tumatakbo sya papunta sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya habang papalapit sya sa akin.


"Ukryne! Okay ka lang? May nangyari na naman ba?"-tanong ko sa kanya pero mukhang wala namang humahabol sa kanya when I inspected the surroundings.


"W-Wala naman. Pauwi ka na ba?"-tanong nya. Nakapamulsa akong nagpatuloy sa paglalakad at sumabay naman sya sa akin.


"Oo eh. Nagdismiss ng maaga ang teacher. San ka ba pupunta?"-mukhang nagdadalawang isip pa sya kaya natagalan bago sya nakasagot. Naglalakad lang kami sa hallway.


"Actually may ibibigay lang talaga ako sayo eh. Eto oh"-itinaas nya ang isang maliit na paper bag sa harap ko at nagtaka ako sa kung anong laman nun. Napansin nya ang malaking question mark sa mukha ko kaya nagsalita sya ulit.


"Para sa galos mo sa kamay, nanghingi ako sa nurse ng pang dressing at saka malilinis na bandage"-napakalaki ng ngiti nya habang sinasabi yun. Malayong-malayo sa nakita ko kaninang takot sa mukha nya. Tinanggap ko ang bigay nya.


"Nag-abala ka pa nakakahiya naman sayo. Pero salamat Kryne"-I pat her head at namula na naman ang pisngi nya. Kung di lang malakas ang girl instincts ko di ko mahahalatang may gusto sya sa akin.

 
"W-Wala yun. Niligtas mo ang buhay ko di ba? Sige na mauna na ako ah? Nandun na yata sa labas ang sundo ko eh"-tumango ako sa kanya at sinabihan syang mag-ingat sa pag-uwi saka ako nag wave.


Tinitingnan ko ang paalis nyang pigura nang marinig kong may nagbubulungan sa likuran ko.


"That filthy nerd! Makikipag-agawan pa yata sa atin kay Jayce"


"And what did she call him? Jayce-oppa? Ang kapal!"


"Humanda sya bukas, sisiguraduhin kong di sya makakaligtas"


Hindi ko nalang pinansin ang kung sinumang narinig ko. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad para makauwi na.

*****

Pumasok na ako agad sa bahay at napakatahimik sa loob. Pagbukas ko ng mga ilaw ay napansin kong malinis na ang buong paligid at may mga gamit na din. Nilagay ko ang bag ko sa sofa at dumirecho na sa ref. May nakita akong nakadikit na makukulay na sticky notes.


May pinadala pala si Mama na maglilinis ng bahay everyday. Pero di ko na naabutan ang taga-linis dito. Binuksan ko na ang ref para kumuha ng tubig. Napupuno ng groceries ang ref at may nilutong ulam na din.

Hayy sobrang tahimik, but I love the silence. First night of being independent, sana maka-survive ako. Uminom na ako ng tubig at nilagay sa microwave ang ulam. 

Nagpunta na ako sa kwarto at naghubad ng uniporme. Nilatag ko na muna lahat sa sahig at pumunta na sa banyo para maligo.Tinanggal ko muna ang bandage sa kamay ko at tiningnan ang sugat ko. Mamaya ko nalang lilinisan.


Habang nababasa ang buong katawan ko ng maligamgam na tubig mula sa shower ay napapaisip ako kung paano ko mapapaibig si Sygan. Simple lang naman yan eh.


How to make a bad bitch cry? Break her fucking heart. And how am I going to do that? Make her fall, very hard.

Sygan isang kalabit ka lang. Bang! Kakasa ka rin sakin. 


Naglinis na ako ng katawan at nagbihis na pagkatapos. Pinapatuyo ko ang buhok ko gamit ang twalya nang makarinig ako ng kalabog sa baba. Ano ka yun?!


Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pinto para sumilip sa baba. Wala akong nakitang tao. Hindi kaya... may multo?!


Kinabahan ako, wag naman sana! 



Bumaba ako ng hagdanan, wala pa rin talagang tao. Pumunta ako sa kitchen at nakita kong makalat na sa mesa.


T-Teka?! Pagkain ko yun ah?! Wala ng laman ang lalagyan. Nakakalat lahat ng plato at kubyertos sa mesa.


Hindi kaya... magnanakaw?! May magnanakaw dito sa bahay?! Naging mapagmatyag ako sa paligid ko.


Nakarinig ako ng splash ng tubig na malamang ay nanggagaling sa pool area. Napalingon ako dun at nakakita ako ng taong palutang-lutang sa pool. Tangina! Sino ang baliw na yun?!

Binuksan ko kaagad ang glass door para pumasok sa poolside. May lalaki lang namang nagsuswimming sa pool ko at di ko alam kung pano sya nakapasok dito sa bahay ko.


Nakapikit sya habang nakatihaya sa tubig. Buhay pa kaya sya?


"H-Hoy!"-tawag ko sa kanya mula sa gilid ng pool. Hindi sya nagmulat ng mata. Hala!


"Mister! Buhay ka pa ba?! Hoy! Tresspassing ka!"-hindi talaga sya gumagalaw. Kumuha ako ng maliit na bato sa may garden at binato sya. Natamaan sya sa ulo at ganun pa din sya. 


Hala!Lagot na! Napatalon ako sa tubig at lumangoy papunta sa kanya para iligtas sya. Hinawakan ko ang kwelyo ng suot nyang leather jacket at hinila sya sa mababaw na parte pero nagulat ako ng hilahin nya ako pabalik sa kanya paharap.


Sinalubong nya ako ng matalim na tingin, nakakatakot iyon.


"S-Sino ka?"-shit! Bakit naging babae ang boses ko?!

"Ahm, aherm. Sino ka ba? Anong ginagawa mo sa bahay ko?"-pacool kong sabi at nagboses lalaki na. Hindi sya sumagot pero tiningnan nya ako mula sa mukha pababa sa dibdib ko. 


Dibdib ko?! What the--?! Oh my God Jayce! Ang tanga mo! Muntik ko nang masapak ang sarili ko at agad kong tinakpan ng kamay ko ang dibdib ko.


Bumakat lang naman ang suot kong bra sa puti kong T-shirt. Hindi ako nakapag-bandage dahil hinubad ko yun kanina at nandito lang naman ako sa bahay. May pilyong ngiti na gumuhit sa labi nya. Pero di pa rin nya binibitawan ang isa kong kamay.


"Ikaw? Sino ka? Anong ginagawa mo sa bahay ko?!"-naamoy ko ang di kaaya-ayang amoy ng alak mula sa bibig nya. Kingina! Isang lalaking lasing? Nang-aakin ng bahay ko?! Naguguluhan ako pero binawi ko ang kamay ko sa kanya.

"Who the fuck are you dude? This is my house, my territory. Kung ako sayo umalis ka na sa bahay ko bago pa ako tumawag ng mga pulis"-pagbabanta ko sa kanya. Umatras ako ng dahan-dahan papalayo sa kanya.


"Don't call me dude, babe."-ngumisi sya ng nakakaloko. Nakakainis! Nakita nga nya! Lagot ka na Jayce pano ka na makakalusot ngayon?!


"Babe-in mo mukha mo! Pervert!"-lumangoy ako ng mabilis papalayo sa kanya at narinig ko syang tumatawa. Hindi ko na napigilang magboses babae. Minamanyak na ako! Putangina!


Nagmamadali akong tumakbo papasok at hinanap ang phone ko kahit basang-basa na ako. Baka marape ako ng walang sa oras ng manyak na yun! 


Kingina bakit ba may password pa?! Kumalma ka Jayce kaya mo yan. Tinype ko na agad ang password ko at nagdial ng emergency.


The number you have dialed is out of coverage area, please try again later.


Ano?! Police hotline out of coverage huta?! Mahahalay na ako waaaah!



Narinig kong bumukas ang pinto at nandun na nga sya! Anak ng--! Di ko naisara! Tumakbo agad ako papunta sa kwarto ko at naglock. Kalma lang Jayce, huminga ka ng malalim, mag-isip ka.

*****

Do you like the story guys? Keep reading and find out what happened to them on the next chapter but please support this story by clicking vote or by leaving comments on the comment box. Everything is really appreciated. Gomawo.

xoxo

Zian Castelo

The Androgynous TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon