Nakahinga na ako ng maluwag habang pinapanuod si Zy na natutulog ng mahimbing sa kama nya. Sobrang nag-alala talaga ako sa kanya.
Tiningnan ko ang mukha nyang at peace. Inayos ko ang kumot nya nang bigla syang umungol ng mahina.
"Uhhhmm. Crombie" - muntik ng lumukso ang puso ko sa narinig ko. Parang nananaginip sya ng masama, marahan syang humahangos.
"Ssshh, Zy nandito lang ako. Nandito lang ako, 'di kita iiwan" - bulong ko sa kanya sa normal kong boses. Hinaplos ko ng maingat ang ulo nya na nagpakalma naman sa kanya.
Umupo na muna ako sa gilid ng kama nya at hinawakan ang kaliwang kamay nya. Nasa kanan ang dextrose nya dahil napansin kong kaliwete sya nung mga panahong pinagluluto nya pa ako.
Kinulong ko sa mainit kong mga palad ang kamay nya. Hindi ko maintindihan ang tibok ng puso ko ngayon lalo na nang tawagin nya ako.
Napaisip ako sa mga nangyari kanina. Binantaan na pala ni Wylan si Zy na palayuin ako kay Sygan. Pero bakit sya ang lumapit kay Sygan? Para ba ilayo ang atensyon ni Wylan sa akin?
"Alam mo nakakainis ka. Lagi ka nalang nagpapakahero sa'kin , pasikat ka eh 'no?" - sabi ko sa kanya kahit alam kong di naman nya ako maririnig.
"Pero salamat Zy, at sorry dahil 'di ako nakinig sayo na lumayo kina Wylan ikaw pa tuloy ang napahamak" - nilapat ko ang malamig nyang kamay sa pisngi ko.
Bakit mo ba ako palaging pinagtatanggol? Kahit nung si Crombie pa ako, tapos ngayon ibang tao na ako, andyan ka pa rin. Bigla ka nalang dumadating sa buhay ko sa oras na kinakailangan kita. Tama ako, di ka nga masama, at nakakagaan ng loob yun.
Pero madami pa akong tanong sa isipan ko na di pa rin nasasagot hanggang ngayon. Kung bakit gusto mong malaman ang mga nangyari sa akin? Kung bakit may picture ka ng aksidente namin ni Mama. Kung anong kaugnayan mo sa lahat ng mga pangyayari sa buhay ko?
Di mo pa masasagot ngayon pero maghihintay ako Zy. Ayokong mag-assume, gusto ko marinig mismo sa labi mo ang mga nangyari.
I closed my eyes and prayed na sana gumaling na sya agad. At tuluyan na nga akong nilamon ng antok.
*****
Napamulat ako nang maramdaman ko ang gentle stroke sa buhok ko. Nagliwanag ang paligid dahil sa sinag ng araw mula sa bintana.
Agad akong napalingon sa may-ari ng mga kamay na yun at nakita ko si Zy na nakatingin sa akin. Napakusot ako agad ng mata.
"Z-Zy?" - banggit ko sa pangalan nya. Nagsipatakan nalang bigla ang mga luha sa mata ko nang makita ko syang nakangiti sa akin. Gusto ko syang yakapin pero pinigilan ko muna ang sarili ko dahil di pa kaya ng katawan nya ang kahit anong pressure.
"Gising ka na! Salamat naman, akala ko napano ka na. Sobrang nag-alala ako sayo alam mo ba? Nakakainis ka!" - napapahagulhol ako sa harap nya. Sobrang saya ko na bumalik na ang mga tingin nya sa akin. His soft gaze and gentle smile at me, I missed that. Hinawakan nya ang pisngi ko at pinunasan ang luha ko.
" A-Ano may masakit ba sayo? Ha? Ano, may kailangan ka ba?" - natataranta kong sabi. His soft chuckle came out of his lips. Para akong matutunaw sa boses na yun.
Umiling lang sya kaya kumalma muna ako sa upuan ko. Hinawakan ko ang kamay nya sa sobrang saya. Mahina kong pinisil yun kahit may cast pa sya.

BINABASA MO ANG
The Androgynous Tale
Fiksi Remaja"𝐑𝐞𝐯𝐞𝐧𝐠𝐞? 𝐑𝐞𝐭𝐮𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐟𝐚𝐯𝐨𝐫 𝐬𝐨𝐮𝐧𝐝𝐬 𝐧𝐢𝐜𝐞𝐫." Crombie Park is an illegitimate kid who was devoured with hatred after experiencing a traumatic scenario caused by bullying in High School. When she overcame her fears...