[Jayce]
Naglalakad na ako papasok ng school. Hanggang ngayon gulong-gulo pa din ang isipan ko sa nangyari kagabi. Wala na akong cellphone hayy, nagpapabili nalang ako mamaya kina Mama. Hayy, napakamot ako sa batok ko. Naireport ko na sya sa mga pulis, nakitawag nalang ako sa payphone at paparating na daw sila. Siguro dinadampot na nila yung adik na yun.
Ang sakit ng balikat ko, nanariwa pa ang sugat ko dahil nabasa kagabi hayy.
Flashback...
Buhat-buhat ko sya sa balikat ko. Wala pa rin talaga syang malay. Matatanggal na yata ang mga buto ko. Nagtiis akong dalhin sya malapit sa hagdanan at naghanap agad ako ng pwedeng itali sa kanya. Wala na akong choice kaya yung isang kumot ko nalang.
Itinali ko sya sa hagdanan at hinigpitan ko yun. Minabuti ko ng hindi na sya makaalis para hindi na sya makapanakit o baka makapagnakaw pa. That creep! Sana talaga dumating na ang mga pulis para pag-uwi ko wala na sya at bumalik na sa normal ang buhay ko.
End.
Pero, okay lang kaya sya dun? Teka pakialam ko ba? Hayy bahala na nga. Nagconcentrate nalang ako sa paglalakad hanggang sa malapit na ako sa gate. Nakita ko si Ukryne, babati na sana sya nang biglang may umakbay sa akin.
"Uy bro!"-napatingin ako sa kaliwa ko. Shit kaya pala ayaw ko sa amoy eh.
"Hey"-tango ko kay Wylan. Tumingin ako ulit kay Ukryne at mukhang nalungkot sya sa nakita nya. Nauna na syang umalis at di na nya ako nahintay. Mas mabuti na nga siguro yun para di na sya mabully. Lumayo nalang sya sa akin baka sya pa ang mapagtripan.
"Ready ka na ba sa initiation?"-hinayaan ko lang syang umakbay sa akin at patuloy kaming naglalakad papuntang classroom.
"I'm always ready"-confident na pagkakasabi ko.
"Yan ang gusto ko sayo, siga! Hahaha sige brad hintayin natin si Zyrell para kumpleto na tayo."-tumango ako ulit at nakapasok na kami sa klase. Nandun na pala sina Xylo at Yzen. Nag-apiran silang tatlo, sumunod nalang ako kay Wylan.
"Tang-ina yung Zyrell na yun iindianin na naman yata tayo!"-inis ang narerehistro sa mukha ni Xylo habang nasa tenga nya ang phone nya.
"Bakit? Hindi pa rin ba sumasagot?"-tanong ni Wylan.
"Hindi. Tang-ina baka mapostpone na naman yung initiation. Hindi na yun pwedeng ipagpabukas!"-reklamo ni Yzen.
"Bahala na simulan nalang natin ng wala sya"-sabi ni Xylo. Ngayon talaga namin gagawin? Tsk. Mga walang paki sa pag-aaral, sabagay wala pa namang teacher. Sino ba kasi yang Zyrell na yan at paspecial masyado. Laging absent.
"Sige, teka bro andyan na si Sygan oh"-sabay na pumasok sina Sygan at ang mga tangang taga-sunod nya. Sa akin napatingin silang lahat lalo na yung tatlo pero kay Sygan lang ang tingin ko.
Makuha ka sa tingin.
Kinindatan ni Wylan si Sygan pero sinimangutan sya nito at nagflip ng buhok bago umupo sa upuan nila. Hahaha, may gusto ata ang gago sa bitch, perfect match na sana pero pasensya ka na muna bro, eepal muna ako saglit sa lovestory nyong papuntang impyerno.
"Hindi ka yata type bro"-pang-aasar ko kay Wylan. At mukhang effective naman dahil nagkasalubong ang kilay nyang nakatitig sa akin. Parang naapakan ang pagkalalaki nya, kaya confirmed, may gusto nga.

BINABASA MO ANG
The Androgynous Tale
Ficção Adolescente"𝐑𝐞𝐯𝐞𝐧𝐠𝐞? 𝐑𝐞𝐭𝐮𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐟𝐚𝐯𝐨𝐫 𝐬𝐨𝐮𝐧𝐝𝐬 𝐧𝐢𝐜𝐞𝐫." Crombie Park is an illegitimate kid who was devoured with hatred after experiencing a traumatic scenario caused by bullying in High School. When she overcame her fears...