CHAPTER 27

70 3 0
                                    

[Jayce]

Naisip kong puntahan muna si Wylan ngayon. I have to make a move at baka umepal na naman yung Zyrell ba yun. Naglalakad lang ako padaan sa cafeteria nang makita kong papalabas ang grupo ni Wylan, sakto pala eh---

T-Teka, si Zyrell ba yun?

Nagtago ako sa gilid ng building at sumilip lang sa kanila. Ano na naman kayang nangyayari? Pati si Sygan sumama sa kanila.

May kutob ako, baka may malaman ako pag sinundan ko sila.

I followed them at pumasok sila sa empty at di na inooccupy ng mga students na classroom. Ano kayang ginagawa nila? Sumilip ako sa bintana ng konti at naririnig ko sila. Silang lima lang ang nasa loob.


"Anong kalokohan to? Di ba binantaan na kita Sy? Sinabi ko ng layuan mo si Sygan di ba?!" - galit na bulyaw ni Wylan kay Zy at agad pa itong kwinelyuhan.

"Wylan ano ba?! Itigil mo na yan! Ano bang pinagsasabi mo, ba't pinapalayo mo sa akin si Zy?!" - pumagitna si Sygan sa kanilang dalawa. Hindi umiimik si Zy, tinitingnan nya lang ng blangko si Wylan.

Kinuha ko kaagad ang phone ko at vinideo ang mga pangyayari.


"Akin ka lang Sygan. Hindi ako papayag na maagaw ka ng iba saken, hindi ni Zyrell, o maski nung Jayce na yon!"


"Nahihibang ka na! Hindi kita gusto Wylan si Zy ang mahal ko! Kaya tigilan mo na kami" - biglang sinenyasan ni Wylan sina Yzen na kunin si Sygan palayo kay Zy.

"Ano ba?! Bitawan nyo ako!" - Nagpumiglas si Sygan sa pagkaladkad ng dalawa sa kanya.

"Eto ba ang gusto mo? Pupulbusin ko mukha nito, tingnan natin kung ito pa din ang gugustuhin mo" -pinakita ni Wylan si Zy at bigla nya itong sinikmurahan. Napasinghap ako sa kinatatayuan ko. Sobrang lakas ng ginawa ni Wylan at napasubsob agad sa sahig si Zyrell.

Shit! Bat di ka lumalaban Zy?!


"Tama na yan! Wylan tumigil ka na! Zyyyy" - pinaundayunan pa nya ng suntok sa pisngi si Zy at nagtitili si Sygan pero parang walang naririnig si Wylan.


"Inahas mo sya sakin, hayop ka talaga!" - matinding left blow ang pinakawalan ni Wylan sa pisngi ni Zy. Gigil na gigil nya itong inupakan. Napaluhod nalang sya at nakita ko ang pagtulo ng dugo sa sahig galing sa mukha ni Zy.


Napakuyom ako ng kamao, hindi ko na kaya itong nakikita ko. Napahiga si Zy at tinadyakan sya ng paulit-ulit ni Wylan. Namimilipit na sya sa sakit pero di parin sya lumalaban.

"Akala ko pa naman si Jayce ang gagago sakin. Binalaan na kita na lumayo kayong dalawa sa kanya. Pinalayo mo nga si Jayce ikaw naman ang nanggago sakin! " - biglang hinila ni Wylan ang buhok ni Zy at pinaharap kay Sygan. Napatakip ako sa bibig ko. Puno na ng pasa ang mukha nya.

Nagbalik sa isip ko ang sinabi nya sa akin sa rooftop. Kaya ba pinapalayo moko kina Wylan?! Kasi alam mong mangyayari to pag patuloy kong ligawan si Sygan? Fuck!

The Androgynous TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon