CHAPTER 29

60 3 0
                                        

Sinabi ko kay Mama ang tungkol sa mga nangyari sa akin at kung sinu-sino na ang mga nameet ko hanggang sa umabot ako sa pag eexplain kung saan ko nakuha yung picture.

Mahabang kwento din ang nasabi ko kay Mama, napainom nalang ako ng tubig. Mukhang naintindihan naman nya ang mga sinabi ko.

"Ma, anong alam mo sa picture na yan?" - tanong ko sa kanya. Baka sa kanya ko na makuha ang kasagutan.

"Kung di ako nagkakamali, ito yung picture na pinakitang ebidensya ng mga suspect sa pagkakabangga ninyo ng Mama mo" - napakunot-noo ako sa sagot nya. Bakit may picture si Zy ng ebidensya?

"Ano? Akala ko ba aksidente yun Ma? Bakit may suspect, anong ibig sabihin nyo?" - yun ang sinabi nila sa akin nang magising ako. Hanggang ngayon yun pa din ang pinaniniwalaan ko.

"Pasensya ka na honey hindi namin sinabi ng Daddy mo sayo at baka mas lalong matagalan ang recovery mo. Nagkaroon nga ng hearing sa kaso pero natalo dahil sa ebidensyang ito"-hinaplos nya ang buhok ko.

"Sino po ba yung suspect?" - pagliliwanag ko kahit sa isip ko alam ko na kung sino.

"Sa naalala ko" - pabiting sabi ni Mama dahil nag-iisip pa ito.

"Tadeo Sy"-halos mabingi ako sa sinabing yun ni Mama kahit di naman nya 'yon sinigaw. Umalingawngaw ito sa loob ng tenga ko. Tumayo ako agad at umakyat papunta sa hagdanan ng kwarto ni Zy.

Kinakabahan akong pinihit ang doorknob at binuksan ito. Sinundan ako ni Mama kaya sabay kaming pumasok sa kwarto ni Zy.

*****

[Zyrell]

Nagising ako sa pagbukas ng pinto. Minulat ko ang mata ko nang marinig ko ang mga yabag na papunta sa akin.

Dumapo ang mata ko kay Jayce na may kasamang babae. Kumurap ako ng maayos para maaninag ko ang pamilyar na mukha ng babaeng 'yon.

"Zy, pasensya na kung naistorbo ka namin. Uhh sya nga pala Mama ko"-pagpapakilala nya sa akin sa kasama nya. Our eyes met and confirmed na nga. Walang duda.

"It's you! " - she exclaimed. Bumakas ang kalituhan sa mukha ni Jayce. Nagulat ako ng kaunti dahil 'di ko inaasahang darating sya.

" Ma'am, magandang araw po" - bati ko sa kanya. I never thought maaalala nya ako.

"Ma, you know each other?"

"Of course, sya lang naman yung number one visitor mo sa ospital 5 years ago. Si Zy ba yung sabi mong name nya? Sunflower boy? "-nagkunwari akong napakunot ang noo kahit alam kong siya si Crombie. Biglang namula si Jayce at napaiwas ng tingin. Naramdaman ko din ang pamumula ng pisngi ko.

" Ma, your mouth"-sita nya dito.

"Oh! I forgot, hindi nya pala alam. Never mind what I said ijho. What's your name again? "-inabot ng Mama nya ang kamay nya para makipagkamay sa akin.

"Zyrell... Zyrell Sy po" - biglang nagbago ang cheerful expression nya nang marinig ang apelyido ko.

"Sy. Hmm, Zyrell do you know someone named Tadeo Sy? " - maybe di nya maalala kung saan talaga kami unang nagkita but I have nothing to hide.

The Androgynous TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon