Kabanata 9
Babaeng galing AmerikaIlang araw ang nag daan. Normal ang lahat pero ang puso ko yata ang abnormal.He's being gentleman.Hatid sundo ako sa eskwelahan sa hapon naman ang driver na ang susundo. Umuuwi siya nang alas sais minsan alas otso. Ako naman tapos na sa mga gawain at nakapagluto na nang ganong oras. Pero ngayon tila may hangganan ang aking kasiyahan.
"Hindi ako uuwi mamaya " Napa tigil ako sa pag inom ng gatas sa sinabi niya.
"O-Okay.." Nasa hapag kami ngayon at kumakain. Seven-thirty na nang umaga alas otso yung klase ko.
"Wag mo na akong hintayin." Sabi niya na hindi nakatingin sa akin. Nasa isang magazine ang kanyang tingin habang umiinom siya nang kape. Bigla akong nakaramdam nang kirot. Alam ko na ganito naman siya noon. Hindi na ako dapat magtaka kung ganito na naman siya ngayon.He's being cold again. We don't talk that much now.
Nang nauna na siyang lumabas dahil aalis na kami hindi ko mapigilan na hindi sumulyap sa magazine na tinitigan niya kanina. Napataas ang kilay ko nang makitang isang babae iyon. Sa ayos sa pananamit palang alam ko nang hindi basta basta. Hindi na dapat ako makialam pa. Wala akong dapat na maramdaman. Hindi dapat ako nasasaktan.Bumuntong hininga ako at lumabas na.Hanggang klase parang sira na ang araw ko.
"Bakit ang tahimik mo?" Takang tanong ni Monica habang pinupuyod ang mahaba niyang buhok.
I smiled and pouted. "Hindi naman may iniisip lang." Sumulyap ako sa mga kaklase na nag lalabasan na. Si Monica naman ay umupo na sa tabi ko.
"Nakita ko kayo ni Marco Mondragon nung kailan" Naningkit ang mata niya habang nakatingin sa akin. Wala kasi silang alam. Wala naman akong may sinabihan. Ang alam lang nila ay sa bar ako noon nagtatrabaho.
"Saan naman?" Binalewala ko ang sinabi niya.Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung may text ba siya. Pero wala.
Exagged siyang suminghap na nakatingin sa aking cellphone. "Gosh! latest Iphone yan ah!"Ngumiti nalang ako at tumango. Aaminin ko sa mga araw at buwan na lumipas ay naging mabuting kaibigan naman sa akin si Monica. Simple siya at masayahin."Mahal yan diba?".
"Oo.." Sagot ko.Kinuha niya iyon sa kamay ko kaya agad kong kinuha pabalik nang makitang nanlaki ang mata niya.Effin fuck.. She saw it!
"Oh my..." Napatakip siya ng bibig niya at tinuro ako. "May relasyon kayo ni Marco? As in Marco Mondragon? Iyong napakayaman na may agency? Iyong may-ari ng M Company? Sabi ko na nga ba!". Tuloy tuloy na salita niya. Pero hindi malakas para hindi madinig nang iba.Agad akong umiling. Nakita niya lang naman ang aking wallpaper na kaming dalawa ni Marco at nakaupo ako sa kandungan nito.Siguro nga dahil sa posisyon namin iba talaga ang maiisip niya pero hindi naman kami eh! One month ago na yata ang picture iyon eh.
"Wala! Ano kaba!" Agap ko dito dahil baka ano ano pa ang iisipin nito.But she never buy it. Hindi niya ako tinantanan hanggang sa nagsi-uwian na. Kaya kinuwento ko sa kanya ang mga nangyari sa akin noon at ngayon.
"Hala! Grabe! Ang swerte mo. Pero gosh! Napaka gwapo kaya nun! Ang lakas mong magtimpi para hindi ma rape yun ah!?"
Humalakhak siya sa sariling sinabi.Ngumingisi lamang ako."Katulong lang ako doon. At tsaka naawa siguro sakin dahil diba nga seventeen lang ako at sa bar nagtatrabaho.." Naglalakad kami sa corridor patungong labasan.
"Kahit na! Marami namang ibang babae na ganyan ah! Pero ikaw talaga ang natipuhan? In love siguro sayo yun!" Kinurot kurot pa niya ang aking braso.
"Ang bibig mo Monica! Baka may makarinig!" Saway ko rito.Umismid lamang siya.Nang sa labasan ay' agad siyang naunang umuwi dahil nandiyan na ang sundo niya.Nasa waiting shed ako dahil hanggang ngayon ay wala pa ang sundo ko. Agad naman tumunog ang cellphone ko.
"Hello?" Sinagot ko ang unregistered number.
"Ah! Maria si Cesar ito. Hindi kita masusundo ngayon dahil pinapasundo sa akin ni Sir Marco si Lucy! Mag taxi ka nalang muna Maria ah! pasensya talaga!" Aniya sa kabilang linya.Huh? Lucy?
"Sino po si Lucy?". Tanong ko kay Mang Cesar.Eto na. Nararamdaman ko na naman iyong sakit. Sakit sa puso ko katulad nang makita ko siyang may tinitignan sa magazine na babae. Ganitong ganito iyon.
"Ah! Yung babaeng galing Amerika! Yun yung sabi ko sayo noon na babae niya noon." Sagot niya sa akin sa kabilang linya.
Parang balahibo naman ang kamay ko na nawalan ng lakas. Dumaosdos galing sa aking kamay ang hawak na cellphone at lumagapak sa sementadong apakan ng waiting shed.Kumirot ang dibdib ko.Pero nabigla agad dahil sa pagka basag ng cellphone na Iphone. Lumaki ang mata ko at agad na pinulot iyon."Hala!" Mahinang usal ko ng makitang basag ang kabuuang screen nito. Sari saring kaba agad ang aking naramdaman.
Hindi ko alam kung bakit bumigat ang dibdib ko sa nalaman. Pero bakit ako ganito? Natural lang naman na may girlfriend iyon. Gwapo at mayaman yun.Halos wala nang masyadong estudyante dito dahil nagiging maitim na ang ulap dahil sa nagbabadyang ulan.Ang mga tuyo na dahon sa daan ay nahihipan ng hangin at nililipad sa iba't ibang direksyon.Hindi ko namalayan na bumagsak na din pala ang luha ko.Tila nakikisama na rin ang panahon at bumagsak na ang ulan.Sinubukan kong pumara ng taxi pero walang huminto. Kaya medyo nababasa ang aking uniporme.
Umisod ako pa likod. Dahil bawat ihip nang hangin nababasa ako at parang walang silbi ang waiting shed.Nangininig ako sa lamig at pinagmasdan ang paligid . Gabi na,anong gagawin ko?Niyakap ko ang braso at hinimas himas iyon para maibsan ang lamig.Napapitlag ako ng may bumusina sa harap ko. Ang kotse ni Mang Cesar.
Agad bumukas ang backseat nun kaya pumasok ako agad kahit basa na ako.Agad akong binigyan ng tuwalya ni Mang Cesar.
"Pasensya na Maria! Basa kapa tuloy kakahatid ko lang kay Ma'am Lucy." paumanhin nito.Niyakap ko ang sariling katawan ang tuwalyang puti at tahimik na humhikbi.Gusto kong magtampo. Gusto kong manumbat. Pero may karapatan ba ako? Anong pinaglalaban ko? Bakit kasi nasasaktan ako?
"O-okay l-lang po." sabi ko na naginginig. "Wala po akong makitang taxi eh.."
"Hindi ka raw makontak ni Sir." aniya.Agad kumalabog ang dibdib ko dahil kasalanan ko kung bakit nabasag iyon. Ang tanga ko! Hindi mapaliwanag ang kaba ko habang nasa elevator na patungong unit ni Marco.
Hindi ko alam kung dahil sa cellphone ba or dahil .. hindi ko alam.Nakabalot sa akin ang tuwalya nang pumasok ako. Nanginig ako lalo dahil sa aircon. Kinagat ko ang labi ko ng makitang wala naman si Marco sa sala. Kaya tumakbo na ako patungong kwarto ko.Bubuksan ko na sana ang pinto nang siya din ang pagkabukas ng pinto sa kabila kung saan ang kwarto ni Marco.
He's still wearing his long sleeve polo na nakatupi hanggang siko.Agad siyang napatingin sa akin. Umigting ang panga.Kaya bago pa siya makalapit agad ko nang binuksan ang pinto ng kwarto ko at malakas na isinara iyon. Napasandal agad ako sa likod ng pinto at bumagsak ang luha ko.I sobbed silently. Tahimik na dumadaloy ang aking luha. Ramdam ko ang sakit sa aking dibdib. Lalo na nang makita ko siya ngayon. Parang hindi ko matanggap na may babae siya.Napatigil ako sa pag iyak nang may kumalampag sa labas ng pinto.Malakas iyon.
"Open the damn door ,Isabella.." ang diin at mapanganib na boses ni Marco ay agad nagbigay kilabot sa akin.Natutop ko ang bibig para hindi makawala ang hikbi.Bakit ba ako umiiyak huh?
Kumalampag ulit ang pinto. "Buksan mo o wawasakin ko?" he said in a hard tone.
Lumapit ako ng mahina doon sa seradula
at nilock ko iyon bago niya pa mabuksan at tumakbo sa loob ng CR.Narinig ko pa siyang nagmumura doon at pagkalampag ng pinto na halos masira na.
BINABASA MO ANG
Chained By The Mafia Lord
Romance[Filipino Book] In every challenges. There's a hope. In every tears. There's a smile. Through the ups and down of her life , Maria Isabella accepted the offer of her friend being a waitress in a club to save herself from poverty and survive. One...