Kabanata 34
I want you hardAng bawat pag patak ng oras , ang pag lubog litaw ng araw at sa bawat paglipas ng linggo ay nadadagdagan ang mga nalalaman ko. Lihim akong nag oobserba sa lahat.Sa tuwing gabi na nagigising ako na wala si Marco sa aking tabi.Yung lihim ko na pagpunta sa secret room niya. Yung mga pictures na mas dumadami pa ngayon na may ekis na pula.
Alam ko kung bakit may ekis. They are all dead. Maraming kwestyon ang utak ko.
Sino ang pumapatay sa kanila? Si Marco ba? hindi ko pa ba talaga lubos na kilala si Marco? Gustong gusto kong malaman ang lahat! and I will know!Nilagay ko lahat ng libro sa locker. Kakatapos lang ng exam namin kanina. Isang linggo na akong bumalik sa pag aaral. Ang weird nga dahil wala ni isang guro ang umangal sa isang buwan at kalahati na pagkawala ko.Alas tres na ng gabi at tahak ko ang pasilyo palabas. Walang kahit isang studyante. Hampas ng hangin at ingay ng ibon ang aking naririnig.Nangilabot ako dahil na weirdohan sa kakaibang paligid.May narinig akong kaluskos sa gilid ko na kung saan patungo sa mga stock rooms.Kung saan nilalagay ang mga libro ,silya at mesa na sira at hindi na ginagamit.
Kumalabog ang puso ko at nanginig ang aking tuhod. Shit! I know someone's stalking me! I can feel it!Sabi kasi ni Marco marami siyang kaaway.Isa ako sa mga tao na mahalaga kay Marco kaya madami ang mga kaaaway na gusto akong kunin at gagawing pain laban sa kanya. Yan ang sabi niya sa akin noong kailan.Naging malawak ang pag iisip ko dahil na rin sa mga salita ni Lola Martha na tila palaisipan.
"May tao ba riyan?" my voice echoed on the whole corridor.Pero walang sumagot. Umiling ako at aalis na sana ng humampas ang panibagong hangin at kasabay nun ang isang maliit na papel ang bumagsak sa paanan ko.
"Papel?" luminga linga ako na baka may nakahulog nito pero tulad kanina. Ako lang mag isa. It's so creepy and really weird.Dinampot ko iyon at binasa.
Alam ko kung nasaan ang ama mo. Wanna know where?
Fuck! nabitiwan ko ang papel dahil binundol ako ng kaba! Ama? May ama ako? para sa akin ang papel na iyon? Sino ang may gawa nun?Namawis ako ng malamig at walang sabing tumakbo ako ng mabilis.
Gusto kong umiyak sa takot sa pangamba pero sa huli tinalo ako ng kuryusidad.Lumaki ako sa kalsada kung saan na ako nagka isip. Hindi ko alam kung ilang taon ako sa kalsada unang nanirahan. Isang araw nalang namulat nalang ako na ganon ang sitwasyon at pamumuhay.
Nag bebenta nang kendi at sigarilyo. Namamalimos at naghahanap ng pagkain sa basurahan. Hanggang sa nakilala ko si Red. Nirekomenda ako sa isang bar. Taga serve, at minsan nahihipuan. Minsan may nang haharass hanggang sa nasanay ako.
Doon nahasa ang aking tibay na loob at lakas dahil sa hirap ng buhay. Kung hindi ako kikilos walang mangyayari. Noong oras na yun sarili kolang ang kakampi ko. Hanggang sa makilala ko si Marco. Tila nga kay bilis nang mga pangyayari. Binayaran niya ako sa may ari ng Moonlight. Pinag aral, at binigay lahat ng gusto ko. Hanggang sa nahulog yung loob ko. Yung simpleng crush na nauwi sa pagmamahal ng sobra.
Tila nga ka'y bilis. Ganon na ba siya ka tiwala sa akin? Sapat na ang rason na mahal niya ako para patirahin sa condo niya? at para pag paaralin ako?
Pumasok ako sa kotse na binuksan ni Cesar."Nasaan si Marco?" tanong ko. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba yung nakita ko? O hindi na? hindi ko naman alam kung para sa akin ba yun? eh nilipad lang naman yun ng hangin.
"Papauwi na din Ma'am.May meeting pa sila."Pagkapasok ko ay pumasok na din si Cesar.
"Sinong ka meeting niya? trabaho ba?" tanong ko habang tahak na namin pauwi sa mansyon.Nakita kong tinignan ako ni Cesar sa rearview mirror.
"H-Hindi ko po alam." sagot nalang nito.Kaya napasandal nalang ako sa backrest at napapikit.Something's wrong. Hindi pwede na hindi ako kikilos. Gusto kong malaman ang lahat. Kung ayaw niyang malaman ko , pwes gagawa ako ng paraan ako. Kinuha ko ang aking cellphone at nagtext kay Red.
BINABASA MO ANG
Chained By The Mafia Lord
Romance[Filipino Book] In every challenges. There's a hope. In every tears. There's a smile. Through the ups and down of her life , Maria Isabella accepted the offer of her friend being a waitress in a club to save herself from poverty and survive. One...