Kabanata 8
Kiss meNaging maayos naman ang sumunod na buwan. Hindi na naulit iyong ginabi ako. Nakakahiya naman kung uulitin ko pa.Sa eskwelahan may kumakausap na sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Pero masaya ako na hindi na tulad nang dati.
"Hi Maria!"Lumapit sa akin si Monica.Isa siya sa mga kaklase ko na kumakausap na din sa akin. Hindi naman siya masama sa akin noon.Tinigil ko ang pagliligpit nang gamit ko. I smiled to her. She's friendly naman nahihiya lang daw siya nung una dahil hindi daw ako namamansin.
"Hello." Sagot ko dito. Kung noon hindi masyadong presentable ang uniform ko ngayon nasisigurado kong malinis at presentable na.Magmula sa bag,sapatos at hanggang sa mga gamit pang eskwela.
"Uuwi kana?" Tanong niya.Ngumiti ako at tumango.Patuloy lang kami sa pag kuwentohan hanggang palabas ng school. May sumusundo sa akin sa tuwing labasan na.Habang palapit kami sa gate may lumapit sa amin.
"Ah hello Maria.Uuwi kana?"Ngumiti ako at tumango dito.Siniko ako ni Monica nang makalabas na kami kaya tinignan ko siya .
"Mauna na ako ah? Nandiyan na sundo ko."Ngumiti ako nang nagpaalam na siya at binalingan si Rupert. Isang fourth year high section student.
"Oo eh!Uuwi na ako, Ikaw?" Lumingalinga ako sa paligid kong nandiyan na ba ang sundo ko pero wala pa naman.
Kumamot ito sa kanyang batok. "Uuwi na rin. Pwede ba akong humingi nang cellphone number mo?" He blushed and looked away na tila nahihiya.
"Uh wala pa kasi akong cellphone eh." Sinuli ko na kasi iyong hiniram ko kay Red kahit gusto na niyang ibigay iyon sa akin. Hindi ko parin tinanggap. Hindi rin naman ako gumagamit ng cellphone sa bar noon.
"Pero sa susunod na buwan meron na." Pambawi ko dahil nag ipon ako galing sa pera na binibigay ni Marco sa akin buwan buwan.
"Sige sana bigyan mo ako nang number mo ha?."
Tumango ako. "Oo naman!".Pero halos mapapitlag ako nang may tumigil na SUV sa aming gilid at bumaba ang salamin nun.
"Get in." Maawtoridad na utos ni Marco sa akin.
Shit!hindi naman ako magkandaugaga agad at binalingan si Rupert."Ah aalis na ako ah.." Paalam ko hindi na pinansin ang kuryusidad sa mata niya. Hindi lang siya pate narin ang iba napansin na ang sasakyan ni Marco.Pumasok ako sa loob ng kotse.Sobra ang kabog nang puso ko lalo na't mukhanv badtrip ngayon si Marco. Kanina naman okay lang naman ang tibok ng puso ko. Ngayon ang bilis bilis na ng tibok nito. Kapag nandiyan siya talaga kinakabahan na ako at hindi mapakali.
Naging tahimik naman siya sa byahe hanggang makarating kami sa condo. Ni hindi ako makatingin sa kanya.Fresh pa sa utak ko ang nangyari noong nakaraang buwan. Hinalikan niya ako.Naghalikan kami. Ang huli niyang sinabi hindi ko magawang limutin.Pero sa mga nag daan na araw hindi ko nalang pinansin lalo nang naging normal naman lahat.
Sa Lunes at Biyernes gigising ako nang maaga para makapagluto nang agahan. Tapos ihahatid niya ako sa eskwelahan.Pero kung busy siya ang driver ang sumusundo sa akin. Pagdating ko sa hapon maglilinis agad at magluluto para sa hapunan. Ganon lang .Naging seryoso naman siya sa lahat. Pagka pasok namin agad kong hinubad ang sapatos ko at umupo sa sofa.Sa gilid nang mata ko nakita ko siyang hinubad ang coat niya at nilapag sofa.
Hindi ko maiwasang tignan iyong mga galaw niya. Natulala ako sa pagtingin sa kanya. Iyong galaw niya kasi parang masinop at lalaking lalaki. Parang hindi ka magsasawang tignan ang bawat galaw niya.
"How's School?" Napapitlag ako sa tanong niya nang umupo siya sa sofa sa harap ko. Tinutupi niya ang long sleeve niya hanggang siko.
Napatikhim ako at pinagpatuloy ang pag hubad ng sapatos."Hmmm okay lang naman.."
BINABASA MO ANG
Chained By The Mafia Lord
Roman d'amour[Filipino Book] In every challenges. There's a hope. In every tears. There's a smile. Through the ups and down of her life , Maria Isabella accepted the offer of her friend being a waitress in a club to save herself from poverty and survive. One...