Chapter38

98.6K 3K 547
                                    

Kabanata 38
Dilim


bInisip ko nalang na hindi ko iyon nakita. Inisip ko nalang na bangungot lang ang lahat.Ngayon alam ko na si Nancy na unang pag-ibig ni Marco. Si Samantha na kapatid ni Virgo may gusto din kay Marco. Base sa narinig ko mula kay Nancy na si Virgo daw ang dahilan kung bakit niya iniwan si Marco.Para daw iyon kay Marco.

She sacrificed herself for Marco. Mahal na mahal niya nga ito. Hindi ko din maiwasang isipin na baka kasabwat ni Virgo si Samantha sa paglayo ni Nancy kay Marco.Dahil gusto ni Sam si Marco.

Paano kung gusto parin ni Marco si Nancy? What will happen to me? Siguro masasaktan ako ng sobra. Baka ikamatay ko ang sakit. Pinahid ko ang mga luha habang nagluluto. Hindi ko namalayan na dumaloy ang luha ko. It's been one week mula noong nakita ko sila.

Pasasalamat ko na kay Mang Cesar ang hindi niya pag-sumbong kay Marco. At simula din ng araw na iyon ay umiba na lahat. Pagkatapos kong lutuin ang sinigang na baboy ay nilagay ko sa mangkok at nilapag sa mesa. Kumuha ako ng kanin at nilagay din si mesa. Dahil wala si lola Martha umuwi ito sa probinsya nila dahil kaarawan ng apo nito.

Matanda tanda nadin si lola Martha at mukhang kailangan niya munang magpahinga. Pagkalapag ko ng mga pinggan sa mesa ay siya naman ang pagdating ni Marco. Sakto alas syete ang dating nito.

"Oh! kamusta ang trabaho?" Tanong ko at nilapitan siya. Hinalikan sya sa pisngi . Hinintay ko ang paghalik niya sakin pero hindi nangyari. Nakatingin ito sa cellphone niya at tila nag mamadali papuntang taas.

"S-Saan ka pupunta? Nagluto ako ng paborito mong sinigang."

"Busog pa ako. May pupuntahan ako ngayon." nagmamadali ito.Napalunok ng bumara ang lalamunan ko. Yeah, since the day I saw them.He's being cold. Nanghihina akong umupo sa silya at napahawak sa aking dibdib na kumikirot. Nasasaktan ako.

Ilang sandali ay bumaba na ito at suot na ang black leather jacket , pants at black cap. "I'm sorry emergency lang." Pinatakan niya ako ng halik sa noo tsaka umalis

Mapait akong ngumiti. I won't give up on us,Marco. Magtitiis ako. Kahit masakit ,titiisin ko. Alam kong may rason ka. Kaya hindi ako susuko.Siguro, hihintayin ko nalang ang araw na siya na mismo ang sasabi sa akin na ayaw niya na. Mag iipon ako ng lakas para sa araw na iyon.

Wala akong ganang kumain. Halos naka dalawang kutsara lang ako at bumalik sa loob ng kwarto at mahinang umiyak. Nakatulogan kona ang pag iyak. Kinaumagahan ay lunes na at may pasok kami. Dalawang araw akong absent nung nangyari yung away ng lalaki at ni Marco sa wet party.

Papasok palang ay may tumitingin na sa akin at nakita ko pang nag bulongan. Hindi ko na lang pinansin. Masyadong madami akong problema at ayokong dagdagan pa nila.Nasa alley na ako ng mag ring ang aking cellphone. Unregister number iyon. Nangunot ang aking noo pero sinagot ko iyon.

"Hello? "

"Gusto mong malaman kung nasaan ang yong ama?" Boses na nakakakilabot at parang galing sa hukay.Nanindig ang aking balahibo kaya napahimas ako sa batok kasabay ang pagsipa ng malakas ng aking dibdib dahil sa kaba.

"S-Sino to?" Luminga linga ako sa paligid. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko . Una nagising ako na wala pa si Marco kanina dumagdag pa ito?

Mahina itong humalakhak. "Sabihin na nating.Isa akong nag mamalasakit na kaibigan. Alam ko kung nasaan ang ama mo. Alam mo ba na kasama ko siya ngayon? Ha?."

Luminga linga ako sa paligid na baka makita ko ang tumatawag pero wala.
Hindi ko alam ang tungkol sa pamilya ko. Hindi ko nga alam ang mukha nila at kung buhay pa sila. Sa kalye na ako namulat kaya wla akong alam.

Chained By The Mafia Lord Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon