Chapter36

106K 3K 249
                                        

Kabanata 36
Ang ganda mo talaga

Iniisip ko palang yung nangyari sa pamilya ni Marco parang may puot na namumuo sa aking dibdib. Puot sa mga taong gumawa nun. Gabi gabi ko iniisip ang mga sinabi niya. Sinubukan kong inisip iyon at nilagay ko ang sarili ko sa sitwasyon niya.What if , Ako yung taong naka saksi ng lahat ng iyon? Wala akong nagawa. Sa harap ko mismo ni walang hiya ang aking pamilya, ni rape at pinaslang ng walang awa.

Iisipin ko palang ang sarili ko na sa ganong sitwayon. I would feel the same way too. I'll seek for justice. Kaya gustong gusto kong malaman ang lahat lahat. Alam kong wala pa sa kalahati ang nalalaman ko. Alam kong madami pa akong dapat malaman.

Sa mga rebelasyon ni Marco. Mas lalo ko siyang minahal. He's a tough man. Hinahangaan ko siya sa pagiging matatag niya. Para siyang katakot takot na dagat. Maraming misteryo sa pagkatao at maraming pang malalaman tungkol sa kanya. Hindi ako natatakot na tumalon sa dagat na iyon at isa isahing ungkatin ang kanyang pagkatao. Wala na akong pake kung hindi man makaahon. Basta sa kanya lang ako mahuhulog.

Maingat kong inangat ang aking katawan at pinulupot ang kumot sa aking kahubadan. Tinignan ko si Marco sa aking tabi at nakapulupot parin ang kanyang kamay sa aking baywang. Tulog na tulog siya.Ang ibabang bahagi lang ng katawan niya ang natatakpan ng kumot.

Yumuko ako upang patakan siya ng halik sa noo. Hinaplos ko ang kanyang mukha. Kahit tulog napakasuplado pa din ng mukha. Napanguso ako ng bumaba ang tingin ko sa kanyang balikat.

Napakakisig ng balikat niya.Yung dibdib niya na nalalatagan ng balahibo ay napakakisig. Ang braso niya na maugat hanggang kamay. Yung walong abs niya na palagi kong hinahaplos at talagang matigas iyon.At iyong eight inches niya.Haaayyy.

Napangisi ako sa sariling pag iisip umahon ako at tumungo sa banyo. I felt so sore.He took me last night so many times. Kumikirot pa nga ang aking gitna hanggang ngayon.

Nang makalabas ako ng banyo natutulog pa rin siya.Kaya nagbihis nalang ako at tinungo ang kusina. Hindi na ako papasok ngayon.Exempted naman kami dahil kami ang nag organized ng wet party para mamayang gabi.

Nagluto nalang ako ng fried rice at ng omelette. Tsaka gumawa narin ng pancakes. Mahilig kasi si Marco sa pancakes kung umaga.Pinagtimpla ko din siya ng kapeng barako.

"Ang aga mo yatang nagising?"Napalingon ako sa likod at nakitang si Lola Martha iyon. Sa mga nalaman ko tungkol sa kanya. Nakaramdam ako ng awa sakanya at poot sa mga taong nang rape sa kanya noon.

Ngumiti ako. "Magandang umaga lola! Opo, inihanda ko po si Marco ng breakfast."

"Hija.." napatingin ako sa kanya ng hawakan niya ang aking palad.

"H-Hoh?"

Matamis siyang ngumiti at pinisil ang aking kamay. "Salamat sa pagmamahal mo sa alaga ko. Salamat dahil hindi mo siya tinalikuran ng nalaman mo ang totoo. Sana wag mo siyang bitawan hanggang sa huli."
Huminga ako ng malalim at hinawakan din ang kamay niya.

"Mahal na mahal ko po si Marco lola. Hindi ko po yata kayang iwanan siya." Ngayon mas lalo akong humanga kay Marco. Hanga ako sa kanya determinasyon at lakas ng loob.

"Kaya nga sana wag mo siyang iwan tulad ng ginawa sa kanya ni Nancy noon. "

Nabigla ako sa kanyang sinabi ni lola.
"P-Po? Sinong Nancy lola?"

Parang nanlamig ang buong pagkatao ko.Luminga linga si lola at tinignan ako pabalik."Wag mong sabihin kay Marco na sinabi ko ito ha?" Tumango ako.

"Si Nancy ang unang babaeng minahal ni Marco. Alam kong hindi niya ito sinabi sayo dahil mula ng sumama ito sa ibang lalaki ayaw na ni Marco marinig ang pangalan niya." Umawang ang labi ko at parang tinutusok ng ice pick ang aking dibdib sa sakit. Mas may nauna pala sakin?

Chained By The Mafia Lord Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon