Wakas
Welcome to my world.
Nasa kalagitnaan ako ng pagising at pagkatulog nang makarinig ako ng pag-uusap. Hindi ko maklaro iyon. Sinubukan kong buksan ang mata at kasabay nun ang paglinaw ng aking pandinig.
"Shit! Lola, hindi ko kayang sabihin kung gaano ako kasaya ngayon." Narinig ko ang boses ni Marco at ang masayang tawa ni Lola Martha.
"Masaya ako para sa iyo hijo. Sana, wala nang problema."Hindi ko alam kung tungkol saan ang pinag-uusapan nila. Ramdam ko ang lambot ng kama at kumot sa aking katawan.
Minulat ko ang mga mata at nakita kong nasa master's bedroom ako. Agad kong hinanap si Marco.
"M-Marco." tinawag ko siya kahit hindi pa ako maka upo ng maayos. Masakit ang ulo ko at maging ang aking katawan. Agad niyang hinawakan ang aking kamay at hinalikan. Umupo siya sa gilid ko.
"Anong pakiramdam mo? Anong gusto mong kainin?" Tanong nito at tinignan ako ng puno ng kislap ng saya ang mga mata niya. Umiling ako at umupo. Napa ungol ako dahil masakit ang katawan ko sa pagkaka higa.
"T-Teka , anong... pinapatawad mo na ako? Hindi kana galit? S-Sorry talaga sa mga sinabi ko. Sorry sa mga nagawa--"
"Shhh! I don't care baby. Wala iyon sa akin. Masaya ako ngayon. Masayang masaya.." hinaplos niya ang mukha ko.Ngumuso ako at tinignan ang mukha niya. Bawat araw yata lalo siyang gumaguwapo. Lalong lalo na ngayon.
Wala sa sariling hinaplos ko iyon. Ang matayog niyang ilong , hinaplos ko din iyon.Ang labi niyang mapula at nakakaakit. Nakagat ako ang aking labi.
"Ang gwapo mo." Bigla kong nasambit. He smirked. Naka plaster sa mukha niya ang pagka gusto sa aking reaksyon.
"Uh-huh".Nilandas ko ang aking kamay sa kanyang dibdib na maskulado.
"Wag mo na akong iiwan. Hindi ko na ipipilit yung gusto ko. Naintindihan ko na ang lahat. I'm so sorry for being selfish. Susuportahan ko na lahat ng gusto mo."Umangat ako ng tingin sa kanya at nadatnan kong kagat kagat niya ang labi at magiliw na nakatingin sa akin.
"I'm sorry..." Sabi ko.
"Kahit gaano pa ka sakit ang kasalanan mo sa akin Isabella. Alam kong mapapawi naman lahat na iyon.Lalo na ngayon."
"Huh?"He cupped my face gently and I saw his eyes became red. Agad siyang tumingala at kumisap.
"I love you." He kissed my lips softly at pinatiling magkalapit ang aming mukha. Nagtama ang aming ilong at amoy ko ang mabango niyang hininga. "I love you and our babies." He whispered.
Nakagat ko ang labi at napangiti pero agad ding napawi. Hinawakan ko ang kamay niyang humahawak sa aking pisngi. Tinignan ko siya ng maigi dahil sa aking natanto.
"Babies?"
He nodded."Yes, our babies.My babies". Nag ulap ang mata ko sa nagbabantang luha at hinampas siya sa dibdib.
"Anong your babies? May anak ka sa iba?! may nabuntis ka?! Napakawalang hiya mo!"Pumiyok pa ako dahil sa pagkakaiyak. Parang pinupunit ang puso ko. Ang lakas pa ng loob niyang sabihin ito sa akin!Sinangga niya ang mga hampas ko. Hinuli niya ang dalawang pulso ko at hinawakan ng madiin at pinako sa aking kandungan.
"Hindi ko alam na slow pala kapag buntis!" Napakamot siya sa batok niya at parang yamot na.
"Ang sama sama mo! Bakit mo ito ginawa huh?" Ngumawa ako nang ngumawa.
He licked his lips. "Damn it! You're pregnant! Patapusin mo kasi muna ako." Sabi niya sa akin at halos mabingi ako sa narinig.What?
Napa awang ang labi ko at napatingin sa aking tiyan. Nanginginig ang kamay kong hinawakan ito.
BINABASA MO ANG
Chained By The Mafia Lord
Romansa[Filipino Book] In every challenges. There's a hope. In every tears. There's a smile. Through the ups and down of her life , Maria Isabella accepted the offer of her friend being a waitress in a club to save herself from poverty and survive. One...
