Kabanata 2

987 52 23
                                    

After ko maligo at lahat-lahat pumasok muna ako sa isang cubicle sa CR at umupo. Kinuha ko ang cellphone ko kasi tatawagan ko 'yung dalawa kong kaibigan.

Si Arthur muna. Mga ilang ring lang at may sumagot naman agad.

"Waaah. Bakla kamusta? Nakapasok ka ba? Marami bang boylets? Magpakilala ka naman saamin ni Allysa kahit isa lang. Hahaha." Napa-poker face ako sa bungad niya saakin.

"Wala manlang munang hello?"

Tumawa naman siya sa kabilang linya.

"Sorry na na-excite lang. Pero ano nga? Nakapasok ka?"

Napangiti naman ako ng sobrang lapad nang ma-alala ko ang pagtawag sa pangalan ko, dahilan para hindi ko mapigilang ma-patili.

"Waaaaaaah. Bakla nakapasok akooooo. Waaaaaah!" Masayang balita ko sa baklita. Narinig ko namang biglang siyang nag-palapak at tumili rin.

"OMG. Congrats bakla. So happy for you!" Masaya niya ring sagot sakin.

Pero agad akong napatikhim at binabaan ang boses ko. Baka kasi may biglang pumasok at magtaka sila. Mahirap na. Kailangang mag-ingat Nikki.

"Pero bakla may problema pa ako eh."

"Ano naman yun?"

"Itong wig ko. Nangangati ako at saka nahihirapan ako rito."

"Hala. Eh anong balak mong gawin?"

"Magpapa-haircut nalang ako."

"WHAT?!" Nalayo ko tuloy sa tenga ko 'yung cellphone ko. Bigla-bigla ba namang sisigaw?

"Anong what? Pwede ba Arturo babaan mo boses mo. Kung makasigaw to."

"Sorry na na-shookt lang ako." I just rolled my eyes.

"This saturday pupunta ako sa salon niyo." I heard him heaved a sigh.

"Okay sige. Pero bakit naman? Gustong-gusto ko pa naman buhok mo." Bumuntong-hininga na rin ako.

"Sige palit tayo. Kasi naman nahihirapan ako. Paano nalang kung mahulog 'to? E 'di nabuking ako ng wala sa oras. Buti nalang hindi ako nag he-heading kanina habang naglalaro eh."

"Oo na sige na naiintindihan ko."

"Buti naman. Sige na din at tatawagan ko pa si Allysa."

"Okay. See you on saturday."

Pinindot ko na ang end call at nagstart ulit ako ng dial para tawagan si Allysa.

Dalawang ring pala, nasagot na niya agad. Bilis ha.

"Naglalaro ako ng mobile legend. Huhuhu." Bungad niya saakin. Kaya naman pala ang bilis niyang sagutin eh naglalaro pala siya.

"So mas uunahin mo pang maglaro ng ml na yan kesa sa bestfriend mo? tss." Sabi ko ng may tuno ng pagtatampo. . . siyempre kunyare lang.

"Uy hindi ah. Eto naman tampo agad. Love you. Bakit ka napatawag? Have some goodnews?"

"Nakapasok ako sa team!" Masayang balita ko.

"Yun lang?" Napa-taas ako ng kilay sa reaksyon niya. Aba hindi ba siya masaya kasi nakapasok ako?

"Anong 'yun lang hindi ka masaya para sa'kin?" I said while rolling my eyes.

"Bakit ang drama mo Nikki Jewel Lizondra? Siyempre naman masaya ako para sayo. Ang saakin lang, una palang alam ko ng makakapasok ka kasi ang galing-galing mo kayang maglaro." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Magaling din talaga 'tong mang-bola, though totoo naman. Hindi naman ako magiging team captain ng soccer girls sa previous school ko kung hindi ako magaling.

He is SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon