Nasa field ako ngayon and nag-u-unat-unat ng katawan. Magaling na rin ako sa lagnat, ang gaan na ng feeling ko. 9am na pero wala pa rin si Haring Araw. Medyo makulimlim rin kasi ang langit at malamig naman ang simoy ng hangin. Ber months na kasi siguro kaya gano'n. Mas masarap nga magtraining ng ganito ang panahon. Hindi mainit sa balat.
"Si Liam pa. Hahaha."
"Captain, paparty ka na niyan!"
"Oo nga. Birthday mo na bukas e."
Narinig ko na mga boses ng nga teammates ko. Pero bigla akong kinabahan nang marinig ko ang pangalan ni Liam.
Para naman akong na-estatwa dito sa gilid ng field, habang naririnig ko at nararamdam ko na ang mga presensya nila. Kinakabahan akong tumingin sakanila baka magkasalu—
"Niko!" Automatic na napatingin ako sa tumawag saakin, na sana pala ay hindi ko nalang ginawa. Tumama kasi ang mga mata namin ni Liam na kinakabahan ko ngang mangyari.
Hindi ko mabasa ang tingin niya. Pero shems biglang nagflashback sa utak ko ang pinag-gagawa ko no'ng nilalagnat ako. Parang sobra pa ako sa lasing na kung ano-anong ginagawa.
Naalala ko rin na nasabi ko sakan'ya na gusto ko siya. Pati ang mga paghawak ko sa mukha niya at sa er--- labi niya. Waaaaah. Parang gusto ko nalang magpalamon sa lupa.
Naibaba ko ang tingin ko sa mukha ni Liam hanggang sa labi niya. Wala sa sariling napahawak din ako sa labi ko.
Shet. Feeling ko nangangamatis ang mukha ko sa pula. Para kasing naramdaman ko ulit ang mainit niyang labi sa labi ko. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko nang maalala ko pa na sinabi niyang gusto rin niya ako.
"Niko?" Ulit na tawag saakin ni Kevin. Agad siyang lumapit saakin at hinawakan ang noo ko. "Nilalagnat ka parin ba? Ba't namumula ang mukha mo?" Dagdag na tanong niya.
Napatitig ulit ako kay Liam nang ngumisi siya. Napairap nalang ako at inayos ang sarili ko.
"I'm fine." Sagot ko nalang kay Kevin at iniwas ang tingin kay Liam.
"Dito na ba lahat? Let's start our warm up." Sabi ni Liam kaya nagform na rin kami ng circle. Nasa gitna naman si Liam dahil siyang ang magle-lead ng warm up.
Mukhang wala yata sila Coach Wowie at Ms. Mutya ah. Baka nagdate na naman.
"Okay. . . 1. . .2. . .3" Bilang ni Liam.
After several minutes, natapos na ang warm up at pumunta na kami sa gitna ng field. Well, the usual training na naman, dribbling, receiving and shooting.
May limang bola kami ngayon kaya kumuha ako ng isa para saakin siyempre. Nilagay ko ito sa ibabaw ng noo ko at binalanse ito. Habang ang iba ko namang teammates ay nagdri-dribling at nagshoshooting.
Pero biglang nahulog ang bola sa noo ko nang mapatingin ako sa gilid ng field, kung saan may mga estudyante na namang nanonood. Pero hindi naman sila ang dahilan kung ba't ako nadistract. Nakita ko kasi si Liam na kausap si Leone.
Nagtatawanan pa silang dalawa habang panay hawi ng buhok si Leone sa tenga niya. While si Liam naman nagpapa-cute din.
Akala ko ba hindi na gusto ni Liam si Leone? At akala ko rin ba ayaw ni Leone kay Liam? E bakit parang tuwang-tuwa silang dalawa na magka-usap?
Binitawan ko ang bola habang nakatingin pa rin sakanila at sinipa ito pagkatapos.
"ARAY!" Napatingin ako sa biglang sumigaw at napangiwi nalang ako kay Kevin.
Mukhang sa ulo niya tumama 'yung bolang sinipa ko. Kakamot-kamot siya sa ulo niya e.
"Hahaha. Ano ba 'yan Niko. Wala na ngang laman ang utak niyan natamaan mo pa. Baka mas lalong mabobo 'yan." Panunukso ni Mark kay Kevin kaya as usual naghabulan na naman sila.
BINABASA MO ANG
He is She
HumorLahat naman tayo ay may sekreto. Kahit si Nikki Jewel Lizondra--- isang babaeng mahal ang paglalaro ng soccer ---ay may sekreto na magiging daan upang maabot ang kan'yang pangarap sa buhay. Pero paano kung may maka-alam ng sekreto niya? Magiging had...