Kabanata 39

417 18 14
                                    

~Kung may taong dapat na mahalin

ay walang iba kung 'di ikaw. . .

Wala 'di bang makakapigil pa sa akin~

Feel na feel pa na kanta ni Kevin, habang may pasayaw-sayaw pa, jusko. Nasa private room kasi kami lahat ng teammates ko sa isang Karaoke Bar. Kasama na rin sila Ms. Mutya saka Coach Wowie.

Dahil next week na ang Tournament, nag-eenjoy nalang muna kami ngayong week. Tutal daw okay na rin naman ang trainings namin this past few months.

"Uy, Liam. Sayo na 'yan oh. Tunaw na 'yung ice 'di mo pa rin iniinom." Pagrereklamo ni Mark habang inaabot ang isang baso na may lamang alak kay Liam.

Kasalukuyang hindi mabilang na walang lamang bote ng alak ang nasa mesa namin ngayon. Pati 'yung mga pulutan namin, ay paubos na. Ang iba ko ring mga teammates, ang wa-wild na. Pero binabantayan naman sila nila Coach Wowie and Ms. Mutya. May mga sumasayaw, kumakanta, nagtatawanan at mga naglalaklak ng beer. Jusko.

Katabi ko sa couch si Liam sa left side habang si Dominic naman 'yung nasa right side ko. May sariling boteng iniinom si Dominic habang nakikipagtawanan din sa iba. Samantala ang katabi ko namang 'tong si Liam, e patikim-tikim lang ng pulutan saka ng beer. Habang ako naman, dahil hindi naman ako umiinom—siyempre joke lang 'yan sadyang wala lang talaga ako sa mood uminom ngayon—tinitingnan ko lang sila at tinatawanan sa mga pinag-gagawa nila.

Biglaan lang din kasi ang aya dito ni Coach e. Sabi niya magpahinga at magenjoy muna daw kami para next week para 'di masyadong mapagod katawan namin. Pero dapat daw sakto lang at baka hindi pa kami makalaro kapag nasobrahan kami sa enjoy. Well except for me dahil hindi naman ako umiinom, siyempre sa iba kong teammates na uhaw dahil mukhang matagal-tagal ring hindi nakainom.

"Ayoko na." Sabi ni Liam at tinabig niya 'yung kamay ni Mark na may hawak na baso.

"Ano ba 'yan, Liam. Ang weak mo naman. Hahaha." Pang-aasar naman sakan'ya ni Mark, sabay inom nito sa hawak na baso. "Ikaw? Niko? Gusto mo?" Baling nito saakin.

"Hindi siya umiinom." Biglang sabat ni Liam, pero hindi siya pinansin ni Mark. Instead, binuhusan niya ng alak ang basong walang laman at binigay saakin.

"Sige na, isang shot lang." Sabi nito. Napabuntong-hininga nalang ako. Dahil parang nanuyot rin ang lalamunan ko, inabot ko na rin at ininom ito.

Tuwang-tuwa naman si Mark, nang tinawag na siya ni Kevin dahil siya na ang next na kakanta. Napatawa nalang ako kay Mark nang muntik pa itong matumba dahil mukhang nahihilo na rin siya.

"Picture tayo!" Rinig kong sabi ng isang teammates ko.

Napahinto ako at biglang may nagflashback sa utak ko.

Naalala ko na naman ang mga litratong nakita ko sa pintuan ng C.R. Matapos ko 'yun makita ay agad ko ding pinunit at tinapon ito sa basaruhan. Baka may iba pang makakita nun e.

Hanggang ngayon hindi pa rin ito maalis sa isip ko kahit ilang araw na ang nagdaan. Palaisipan pa rin saakin kung sino ang stalker ko na 'yun na walang hiyang picturan ako kahit nakatapis lang. Aba swerte niya at nakikita niya ang makinis kong balat. Malaman ko lang talaga kung sino pa ang isang taong nakakaalam ng sekreto ko, mata niya lang talaga ang walang latay.

Pero ang mas kinakabahan ko lang, baka magulat nalang ako na isang araw ay kumalat ang mga pictures ko na 'yun. Edi nabisto ako. Hindi maipagkakaila na baka meron pa siyang mga kopya ng mga pictures ko. Bakit kailangan niya pa akong patagong picturan kung pwede naman siyang magrequest saakin ng maayos? Kaloka.

"May problema ka ba Nikki?" Biglang tanong ni Liam sa tabi ko. Medyo malakas 'yung boses niya dahil todo sigaw na si Mark habang kumakanta. Wala naman sa tono.

He is SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon