Kabanata 35

416 21 3
                                    

Dahil parang nabigla ako sa mga pwedeng mangyari. Lumabas muna ako ng dorm at naglakad-lakad muna sa campus. Sa ilang months na stay ko dito ay halos 'di ko pa nalibot ang buong school. Hindi pa ako nakakapunta sa ibang sports department at mga arts department.

So habang naglalakad ako sa kawalan. Patuloy parin umiikot sa utak ko ang mga mangyayari pagkatapos kong matupad ang pangarap ko. Pero wala na akong choice, e. Hindi ko akalain na ang ISLCT na pala ang huli kong laro. Ang saklap lang, shocks! Hindi ko lubos maisip na tuluyan ko ng aalisin ang kalahati ng buhay ko.

"N-Niko?"

Halos mapatalon ako nang biglang sumulpot si Leone habang naglalakad ako. Napatingin ako sa paligid at nasa arts department na pala ako. Nakita ko kasi 'yung building nila na puro may mga designs and paints. Ang cute tingnan dahil napaka-colorful.

"Ikaw pala, Leone." Sabi ko habang binabalik ang panglalaki kong boses.

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong niya habang nilalagay ang ibang hibla ng buhok sa tenga niya.

Ano nga bang ginagawa ko dito? Baka mag-assume na naman siya na siya 'yung pinunta ko dito. Matapos niyang landiin, Liam ko. Tsk.

"Actually, naglalakad-lakad lang. Ikot-ikot. Ha-ha-ha." Sagot ko with an awkward laugh.

Lumapit siya saakin ng sobrang lapit. Muntik pa nga akong mapaatras sa ginawa niya. She's looking straight in my eye, pero hindi ko naman mabasa ang expression niya.

"Okay ka na ba? Nabalitaan ko kasing na-holdap ka daw at sinaktan ka nila." She uttered with her sweet and full of concern voice.

Actually, Leone is great. I mean siya 'yung tipo ng babae na mapapa-ideal girlfriend ka. Maliban sa maganda at talented siya, she's caring too na mas nagugustuhan ko sakan'ya.

Don't get me wrong, I'm straight, okay? Okay.

As far as I know, NBSB rin 'tong si Leone. Isa sa mga pinagtatakahan ko. She's pretty and may pagkamalandi rin naman pero bakit hindi siya nagbo-boyfriend? Matanong nga sakan'ya minsan.

"Okay na ako. Hindi naman ako masyadong napuruhan. Ang lakas ko kaya." Biro kong sagot sakan'ya na tinawanan naman niya.

Okay naman sana tayo Leone, e. Basta 'wag mo lang nilalapitan ang Liam ko. Wait, Liam ko? Inangkin na talaga, e no.

"That's good to hear. Hmm. . .pwede ba ako sumama ngayon, maglakad-lakad?" Tanong niya. Tumango naman ako at naglakad-lakad na nga rin kami.

Tahimik lang kami habang naglalakad hanggang sa ako na mismo ang pumutol nito. Baka mabaliw ako sa katahimikan, e.

"Kamusta na pala?" I awkwardly asked.

Parang timang naman 'yung tanong ko. Pero okay na 'yan kesa makiramdaman nalang kami.

"Okay naman ako." Sagot niya na may ngiti sa mukha niya.

"Nice."

cricket.cricket

Isang malutong na katahimikan na naman. Bakit pa siya sumama saakin kung hindi naman pala siya magsasalita o 'di kaya magkwento saakin? Parang mas gusto ko nalang na magisa maglakad-lakad kesa kasama siya. Nubayan!

"Ahm. . . Ni. . .N-Niko."

Napatingin naman ako sakan'ya nang tinawag niya ako.

Hinawakan niya ang braso ko para huminto. Napansin ko ring nasa hallway kami papuntang quadrangle na. Walang gaanong estudyante dito dahil hindi ko alam kung bakit. Pero napansin kong walang estudyante dito at kami lang talaga ni Leone. Paano kami napunta dito? Sa sobrang awkward pati ako naspace-out din at 'di na alam kung sa'n na napadpad.

He is SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon